Alas nuwebe na pasado at nang paalis na ako sa bahay ni VJ ay siya naman na pagpansin ko sa isang kotse na dumaan sa tapat. Bigla akong nakaramdam ng pananabik nang makita ang kotse dahil kilala ko iyon at hindi ako maaring magkamali—it was Cheska. So, I hurriedly bid my goodbye to VJ saying na babalik ako bukas dahil bukas pa naman talaga ang usapan namin, “Sunday,” pero syempre hindi naman ako agad makakaalis dahil gusto nga niya na siya na ang maghatid sa akin at delikado ngayon sa daan. Lately, parami na nang parami ang nawawalang mga dalaga kaya medyo nakakatakot talaga pero dahil matapang ako, susundan ko pa rin si Cheska. “Thank you, talaga VJ,” ani ko ulit. Nagpasalamat na kasi ako kanina bago mahagip ng paningin ko ang sasakyan ni Cheska. “So, let’s go?” tanong niya. Ngumiti

