Nagising ako nang may magaan na pakiramdam. Pakiramdam ko kasi may magandang mangyayari sa akin ngayong araw na ito na siyang rest day ko sa isang linggo. Maliban sa balak kong kausapin si Nathan para magkaalaman na, ay syempre excited din ako na makilala ang nagpapatibok at nagpapasigla sa buhay ng kaibigan ko. “Good morning!” bulalas ko. Last night was so great! Ang daming baon na kwento ni MJ sa akin about kay Beatriz. May parte sa akin na naiinggit ako dahil hindi na sa akin ang buong atensyon niya gayunpaman ay masaya ako na nakahanap na siya ng kaniyang bagong mamahalin. “Si Ram?” pagbungad ko kasi sa aking bintana ay nakita ko na pabalik-balik si Ram sa paglalakad sa harapan ng bahay ko. Which is nakakapagtaka. Binuksan ko ang bintana ko para makapasok ang sariwang hangin at sye

