Nabalitaan ko na lang mula kina MJ ang tunay na kalagayan ni Manong. Ang sabi ay may diabetes daw ito at kailangan ng masusing gamutan for 6 months. Ang sabi rin ay kailangan ng pahinga ni Manong kaya naman I decided na bigyan siya ng bakasyon na patuloy pa rin ang bayad sa araw niya. Iyon lang muna ang magagawa ko kaya naman pina-asikaso ko muna sa dalawa ang tungkol sa bill ni Manong habang hindi pa ako nakakapunta sa ospital dahil wala pang sundo ang mga bata. “Yes, tell them that I already signed his paid vacation para naman makapagpahinga na si Manong sa kanila nang walang iniintindi,” saad ko kay MJ. Hanggang ngayon pala ay hindi pa dumarating ang pamilya ni Manong dahil walang cellphone na dala ito. At sa kaniyang bio data ay walang nakalagay na maaring matawagan in case of emerg

