After that freaking interview, mas dumami pa ang nag-inquire sa studio at ang iba pa ay tuluyan nang nag-enroll. At dahil nagtuturo na rin si VJ sa studio ay pinayagan na namin na makapag-enroll ang iba. “Lauren, ang daming gustong mag-aral dito,” wika ni MJ habang nag-scroll down sa website na gawa niya. “Nakakatuwa nga sana kaso da-dalawa lang kami ni VJ, I need more singers, artists, o anupaman para magturo rito,” saad ko. As not expected, the current enrolees got doubled within a day after that interview I went. No one expected this to happened. “So, full time na ako sa studio na ito?” tanong naman ni VJ. Kapapasok niya lang sa office at may dalang mga pagkain. Medyo okay na rin si MJ sa presensya niya at hindi na agad kumukulo ang dugo kapag nakikita si VJ na umaaligid sa akin.

