Chapter 46

1105 Words
Paglabas ko ay hindi ko na nakita si Rap. Ang bilis niyang mawala na para bang sumaglit lang talaga siya upang makita ang aking studio. Pero syempre, hindi ako nag-assume ng kahit ano dahil may asawa na siya at alam ko kung gaano katapat si Rap sa kaniyang karelasyon. “Hindi ako maaring magkamali, it was him I saw.” Nanghihinayang kong sambit sa aking sarili habang nagpalinga-linga sa paligid at nagbabaka-sakaling lumitaw muli si Rap. Habang pilit kong hinahanap si Rap ay bigla akong tinawag ni MJ para ibalita sa akin na mayroon na kaming opisyal na limang mag-aaral na nag-enroll. Siya nga pala, si MJ ang nag-presinta na magbantay sa kung sino man ang nag-iinquire at enroll kaya naman sobrang saya niya na magkaroon ng dagdag na dalawa sa unang tatlo na nag-enroll sa studio ko. “Talaga? That’s great!” saad ko. Nagmadali si MJ na lapitan ako dala ang phone na binili ko na gamit namin para sa studio. Ipinakita niya sa akin ang dagdag na dalawang bata kaya naman nakaramdam ako ng pagkasabik at may kaunting kaba dahil nga ito ang unang beses na magtuturo ako. “Oo nga ‘no! Ang galing kasi ng marketing director ko kaya naman ganoon.” Panunukso ko sa kaniya na kaniya naman na kinagat at tila nahihiya pa kuno. “Hindi naman, grabe ka naman sa director.” Tanggi niya sa sinabi ko habang tumatawa-tawa pa. Come to think of it. Laging nasa side ko si MJ mula nang maghiwalay kami ni Rap at ni minsan ay hindi ko man lang siya nakitang nainis sa akin well except kanina dahil sa crowd ng tao. “Oo nga, seryoso ako. Can you be my marketing director?” seryoso kong tanong. Nang hindi agad sumagot si MJ ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang na i-please siya. I really put lots of effort para lang gumanda ang pag-beautiful eyes ko sa kaniya. “Stop. So disgusting. Not cute at all.” Walang emosyon niyang saad habang ang kaniyang palad ay nakatapat sa aking mukha upang patigilin sa pagpikit-bukas ko ng mga mata ng mabilis. Nakakainis naman hindi umepekto sa kaniya ang pagpapa-cute ko. Akala ko tatalab ang charm ko, hindi naman pala. Sayang lang ang effort ko. “Fine! Basta ikaw na bahala sa pagpapalaganap ng aking bagong bukas na studio, aasahan ko iyan!” Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya at iniwan siyang gulat saka ako tumakbo ng mabilis pabalik sa studio. “H-Hoy! Teka! Hindi naman ako pumayag!” sigaw niya habang hinahabol ako. Nang maabutan niya ako ay bigla niya akong inakbayan at sabay higpit nito. Para tuloy kaming mga bata na naghahabulan sa playground at ang mismong studio ang naging palaruan namin. “Having fun?” tanong ni Ram. “Oo, ito kasing si Lauren ay pala-desisyon.” Sagot naman ni MJ hababg pinipisil-pisil ang kanang pisngi ko. “A-Aray! Tama na ang kapipisil at baka lumawlaw ang pisngi ko!” pagpupumilit ko na tigilan na niya ako dahil nababanat na sobra ang balat ko at nararamdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking mukha. “Babe, kawawa naman si Lauren baka maging bulldog ang itsura niya kapag naging lawlaw na ang pisngi niya.” Wika ni Claire. Hindo ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero may kasamang insulto iyon. Magmumukha akong isang breed ng aso? Grabe naman. Ang lala naman pala mag-imagine ng babaeng ito. Pero kahit ganoon naman ay binitawan din naman ni MJ ang aking pisngi kaya naman agad kong hinaplos-haplos iyon. Ang sakit talaga at parang mapipilas sa kakapisil niya eh. “Iyan na! Pasalamat ka, naawa sa iyo si Babe ko,” sambit naman ni MJ sabay akbay sa girlfriend niyang si Claire. Look at them, ang sweet. Sana all. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na magmumukha akong isang bulldog sa paningin ni Claire kung sakali man. “Nako naman! Nakakahiya!” bulalas ni Claire habang may pahampas-hampas pa sa dibdib ni MJ. “Oo na. Tama na landian.” Pagsang-ayon ko sa sinabi ni MJ na naawa kuno sa akin ang kaniyang girlfriend kahit na iritable ako sa landian nilang dalawa. “Siya nga pala, mauuna na muna ako at may pupuntahan pa kaming dalawa ni Rap.” Paalam ni Ram sa amin. Agad akong napatingin kay Ram nang banggitin niya ang ngalan na iyon. Parang kanina lang kasi ay nakita ko ang sinambit niyang tao sa labas at nagmamasid lang. “Rap? Saan naman kayo magkikita?” tanong ni MJ. “Actually he’s outside the studio.” Sagot naman ni Ram. Outside? Ibig sabihin tama nga ako na si Rap ang nakita ko! Hindi ako namamalik-mata o kung ano pa man. He’s really out there! “Saan naman kayo pupunta?” tanong muli ni MJ. “Boys’ hideout, sorry can’t tell,” sabay kindat ni Ram nang sagutin niya ang tanong ni MJ. Bigla naman nagsalubong ang kilay ni MJ. Mukhang hindi niya alam kung saan ang tinutukoy nito na lugar. “Hideout?” tanong ni MJ habang nakataas ang kanang kilay niya. “Yes.” Simpleng sagot sa kaniya ni Ram. “Ngayon na pala. Nakalimutan ko.” Pakiramdam ko naiinis si MJ habnag sinasabi iyon at tila nag-aalala kahit na naiinis siya. “Ayos lang. Nandito naman ako.” Tinapik ni Ram ang balikat ni MJ na para bang sinasabi niyang huwag na itong mag-alala pa. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero batid kong tila ba hindi mapakali si MJ kahit na kalmado lang si Ram na kausap siya. Ramdam kong may mali sa sitwasyon na ito ngayon, pero hindi ko lang mawari kung ano iyon. “Who’s Rap?” tanong ni Claire. Nabigla kami dahil sa pagsingit ni Claire. “I will tell you later, ‘kay?” sagot naman ni MJ. “Okay,” sambit ni Claire. “So, paano, mauuna ako.” Sabay ngiti ni Ram sa akin bago tuluyan na dumaan at lumabas ng studio. “Teka, may sasabihin lang ako kay Ram.” Paalam ko sa dalawa sabay habol ko kay Ram na nasa labas na ng studio. I hear MJ’s been calling me pero dire-diretso lang ako palabas. Paglabas ko ay hindi ko na nakita kung saan dumaan si Ram kaya naman wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ikutin ang buong premises ng studio at baka isa sa mga daan ang dinaanan ng dalawa. Pero hjndi ko man lang na-trace ang kanilang dinaan. Akala ko pa man din ay makikita ko na si Rap at makakapagpasalamat ako sa ginawa niya nutong nakaraan na linggo, hindi pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD