Chapter 45

1531 Words
Isang buwan makalipas ang girls’ night namin ni MJ at narito na kami para sa ribbon cutting ng aking voice studio. Halos lahat ng mga kakilala, kaibigan, at kapamilya ko ay naki-isa sa araw na ito para matunghayan ang pagbubukas ng aking unang project para sa aking sarili. Masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay masasabi ko na ito na ang pinaka-unang hakbang para sa akin sa mundo ng pagiging adult—ang magkaroon ng sariling business na siya naman na aking pagsisikapan upang magtagumpay. Maraming narito including the priest para ipa-bless ang studio. Sayang nga lang at wala rito si VJ dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako nirereplyan sa kahit anong email ko buhat nang umalis siya. Nang ginunting ko na ang ribbon ay nagpalakpakan na ang mga tao. Inayayahan ko na silang pumasok sa loob dahil doon ko na ipina-pwesto ang catering para naman walang abala sa kalsada. Nang makapasok na sila ay nagkaroon ng munting salo-salo. “Congratulations, Ate!” masayang bati ni Alyssa sa akin nang magupit ko na ang ribbon sabay yakap ng mahigpit na mararamdaman mo talagang sobra ang paghanga niya sa akin dahil sa na-accomplish kong bagay. “Thank you, Aly.” Hinagkan ko rin siya pabalik. Ang sarap sa pakiramdam na even ang mga kaibigan at ang iba pa ay natutuwa sa aking ginawa. Napaisip din ako na kapag wala akong gig ay mayroon pa rin akong makukuhanan ng pang-gastos dahil iyon naman talaga ang plano ko. Dahil hindi naman habang buhay ay makukuha ako para maisama sa kahit na anong concert at show. “I am so proud of you, anak. And even your Mama is crying with joy in her eyes.” Umalis na ako sa pagkakayakap kay Aly at tinignan si Papa na maluha-luha na pero nananatiling nakangiti sa harapan ko kaya naman niyakap ko rin siya ng sobrang higpit. “Dahil iyon sa inyo, sa inyo nila Mama at Aly. Wala ako ngayon sa kinalalagyan ko kung wala kayo.” Naiiyak kong sabi habang nakayakap kay Papa. Ilang sandali pa ay bumitiw na ako para naman sunod na mayakap si Mama na tahimik lang na umiiyak sa ‘di kalayuan. Sumenyas sa akin si Papa na puntahan ko na si Mama kaya naman sinunod ko iyon at hindi na ako nga-aksaya pa ng sandali at mahigpit na niyakap si Mama. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko pero ibinalik din naman niya ang yakap at marahan na hinaplos ang aking likod. “Masaya ako, sobrang saya ko ngayon.” Aniya habang patuloy na umiiyam. Ramdam ko rin ang kasiyahan niya kahit na umiiyak siya. Naiiyak na rin ako dahil sa lahat ng taon na pinursigi ko ang aking sarili sa pagtatrabaho bilang isang mang-aawit ay mababayaran na ang lahat ng hirap at sakripisyo ko ngayon. “O siya, tama na ang iyakan. Tara na at nang makakain na.” Inaya na ako ni Mama na kumain pero tumanggi ako dahil tinawag ako ni MJ sa kabilang mesa. “Lauren!” sigaw ni MJ sa akin na may kasama pang pagkumpas ng kamay. “Sige na, puntahan mo na ang kaibigan mo.” Nakangiting sambit ni Mama habang nakatingin sa kinaroroonan ni MJ. Ngumiti ako kay Mama saka ko pinuntahan si MJ na talagang pinagmamadali pa akong makalapit sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kaya naman nagmadali na rin ako. Hindi maiiwasan na mapatigil ako sa paglalakad dahil sa mga pagbati na ipinaabot sa akin ng mga dumalo sa grand opening ng studio. Kaya naman ng mapabaling ang tingin ko kay MJ ay nakasimangot na ito habang nakatitig sa ginagawa ko kahihintay sa akin. Minsan napapaisip ako sa kaniya, ‘hindi kaya may gusto siya sa akin?’ ganoon ang mga naiisip ko pero syempre napapailing na lang ako at sinasabi sa asarili ko na imposibleng mangyari iyon dahil as of today, she got a date. That girl is no other than the mall girl. Yes, into girls din pala ang gusto ni MJ kaso natatakot lang na ilabas ang tunay na siya dahil sa mundong ginagalawan namin ay maraming taong mapanghusga at talagang hihilain ka sa ibaba. But thankfully, hinarap niya ang mundong ito at naglantad na ng tunay na katauhan niya. “Bakit naman ganiyan mukha mo?” natatawa kong tanong nang makalapit na ako sa kanila dahil nakabusangot pa rin siya hanggang ngayon. “Ang tagal mo, by the way this is Claire, my girlfriend.” Biglang nagbago ang expression sa mukha niya nang ipakilala na niya si mall girl sa akin ng personal. Noon kasi ay puro sa litrato lang dahil kung hindi ako busy ay si Claire naman ang busy sa work. “Nice to meet you, finally! Lagi ka kasi niyang ikinukwento sa akin kaya naman atat na akong makita ka in person.” Nagagalak kong sabi sabay beso na rin kay Claire. “Ako rin. Hindi ko ine-expect na talagang kaibigan ka nitong si MJ. Akala ko nagbibiro lang siya at gawa-gawa lang niya iyon dahil nalaman niyang fan mo ako pero ngayon... naniniwala na ako.” Wika naman ni Claire sa akin. Muntik na akong matawa ng malakas nang makita ang reaction ni Mj sa sinabi ni Claire pero syempre pinigilan ko iyon dahil nga sa fan ko nga raw siya. “Nako! Totoo iyon, I’ve known her since high school, right?” turan ko kay MJ. “Grabe ka naman, Babe! Am I look like a liar to you?” tanong ni MJ kay Claire na kunwari ay nasasaktan siya at nag-emote pa nga. “Syempre naman, hindi pa kita lubos na nakikilala that time kaya wala pa akong masyadong tiwala. Hayaan mo, kapag nagtagal buo na ang tiwala ko sa lahat ng sasabihin mo sa akin.” Hinampas ni Claire ng dalawang beses sa balikat si MJ at humagikgik pa sa tawa dahil sa nakitang hitsura ng kasintahan. Kahit na ako ay natawa rin sa mukha na ipinakita ni MJ. Habang nagkukulitan ang dalawa ay napalingon ako sa biglang umubo sa likod ni MJ. Nakaupo ito kaya naman hindi ko pa nakikita kung sino iyon pero laking gulat ko nang makita ko kung sino iyon. Pinaghalong gulat at tuwa pa nga kaya naman napaikot pa ako sa mesa para lang mayakap si Ram. Hindi ko talaga siya napansin. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi niya na baka hindi siya makapunta dahil may work na siya which is hindi ko alam kung ano iyon. Pero dahil sa work niya ay napansin kong medyo lumaki ang katawan niya kumpara noong huling pagkikita namin last month. “Ram, you’ve made it!” bulalas ko nang makita ko siya. “Of course, I am one of your friend kaya dapat masaksihan ko itong masayang parte ng buhay mo.” Biglang ngiti niya sa akin. “Ang sweet, bagay sila.” Wika naman ni Claire kaya naman bigla akong namula sa hiya at hindi na makatingin ng diretso kay Ram. “G-Grabe naman.” Pagdedepensa ko sa aking sarili. I really can’t imagine na bagay kami ni Ram. I only see him as my ex bestfried kaya naman napaka-imposible ng sinabi ni Claire sa amin. “Oo nga, Babe. Hindi naman sila bagay tignan. Ang pangit kaya nitong si Ram tapos ipaparehas lang kay Lauren? No way.” Hindi ko alam kung seryoso ba si MJ sa sinabi niya o nang-lalait na naman kay Ram. Wala talagang sinasanto ang dalawa na ito kapag nagsama. Laging nagbabangayan mula pa noon. “Talaga? Ang gwapo kaya ng kaibigan ninyo.” Turan naman ni Claire. “Thank you.” Tugon ni Ram. Kahit na hindi na magsalita si Ram ay kita na sa mukha niya na natàtawa siya dahil hindi sinang-ayunan si MJ ng girlfriend nito at sa halip ay pinuri pa siya. “Oh my God! Don’t look at him. Baka mamaya mainlove ka sa lalaking iyan at iwan mo ako. Ayaw kong mangyari iyon, kaya naman Ram... lumayas ka na muna sa table na ito at maghanap ng ibang table.” Af talagang pinapaalis nga ni MJ si Ram. Pilit niya itong pinapatayo sa upuan upang idispatsya sa ibang lamesa. “Guys, enjoy na muna kayo. Magiging abala muna ako.” Nagmamadali kong paalam sa kanila. Parang nakita ko kasi si Rap sa labas na nakatingin sa amin kaya naman dali-dali akong lumabas sa studio ngunit paglabas ko ay wala na ito sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ako maaring magkamali... that is Rap. But why he didn’t enter? As far as J remembered, inimbitahan ko rin siya pero he declined it and said na may iba siyang pupuntahan sa araw na ito kaua nama hindi na ako umasa pero ngayon... I saw him... I clearly saw him. Speaking of him, MJ told me about that night na I have those weird dream turns out that it’s not really a dream but a reality. Instead of riding a horse is I am actually in Rap’s back. He piggyback me all the way to a cab and yo my room. Sabi na nga ba at pamilyar ang amoy na iyo. Pero hindi ko inaasahan na kay Rap pala ang amoy na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD