chapter 44

1172 Words
Sa sobrang hilo ko ay nagsabi na akong uuwi kay MJ. Looking at her right now ay para bang walang epekto sa kaniya ang alak na kaniyang iniinom at halos dalawang oras pa lang ang nakakalipas buhat nang magsimula kami. Samantalang ako, kaunti pa lang ay sobrang hilo na. “Nahihilo ka na agad? Sabagay, kahit ako nang hindi pa sanay sa alak ganiyan din.” Sabay lagok niya muli sa iniinom niya. Seeing her like that makes me wonder... how old is she when she started drinking? I never asked her about that. I’m not like the others who infiltrates someone’s life. Kaya naman hindi na ako nag-aaksaya pa ng oras para magtanong. “Sa tingin mo ba masasanay din ako sa alak?” tanong ko na siya naman na ikinagilat niya. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko ang katanungan na iyon. Marahil ay pilit kong binabago ang sarili ko at gumagawa ng paraan para magkaroon ng bagong kasasanayan. “I don’t think it’s a right idea, remember you are a singer, baka mapasama ang vocal cords mo if ever.” Nag-aalalang sagot niya sa akin. How could I forgot about me being a singer? Parang kanina lang ay abala pa ako sa kaka-isip ng ipapangalan ko sa voice studio na bubuksan ko tapos ngayon alak na nasa isipan ko at hindi ko pa naisip ang kahihinatnan kapag nagkataon na masira ang boses ko. “Ah!” I shouted with frustrations. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak kaya ko nasabi iyon o baka mya ibang dahilan lang talaga at hindi ko lang mawari pero sa tingin ko I ain’t going to stop drinking from now on but I’m going to drink moderately for my health and job purposes. “Anong ginagawa mo? Lasing ka na ba?” Hindi na mapigilan ni MJ ang matawa sa akin at halata naman na sobra ang kasiyahan niya dahil sa pinagagagawa ko. Tiyak ako na wala akong maaalala sa nagyayari. Ganito iyon gaya sa napapanood ko kapag nalasing na sila kinabukasan ay wala na silang matandaan. “Hoy! Lasing ka nga ata talaga, baliktad na ‘yang baso mo.” Malakas ang pagkakasabing iyon ni MJ na pati ako ay nagulat at kamuntik pang mabasag ang baso na hawak ko dahil nabitawan ko iyon. Mabuti na lang at mabilis nag reflexes ni MJ at nasalo niya ang baso habang tumatawa. “Bakit ka ba nanggugulat, ha?” Maayos kong tanong pero kita ko na tila ba umiikot ang paningin ko habang nakatingin sa kaniya. Ito ata ang sinasabi nilang pagkahilo dahil sa alak. Para bang matutumba ako any minute kapag tumayo ako. “MJ, I think there’s an earthquake,” sambit ko pa. “Nako naman, sasanayin talaga kitang mag-inom.” Iyon na huling mga kataga na narinig ko mula kay MJ dahil nagdilim na ang aking paningin. Naalimpungatan na lang ako dahil para akong dinuduyan. Pagdilat ko ay para akong naglalakad pero nakalambitin ang aking mga paa. Maybe I’m riding a horse right now kaya naman hindi ko maramdaman ang bigat sa mga paa ko. Siguro nananaginip ako dahil maraming ilaw ang nadadaanan ko habang nakasakay sa isang kabayo o hindi kaya baka lumilipad ako sa aking panaginip. “Am I flying?” tanong ko habang humahagikgik sa tuwa. Isa pa ay sobrang pamilyar ng naamoy ko pero sobrang antok ko kaya napapikit akong muli at niyakap ng mahigpit ang tila unan na yapos ko. “Just rest, Imee.” Galing iyon sa isang pamilyar na boses kaya naman mas lalo akong napanatag at tuluyan nang ipinikit ang aking mga mata. Nagising na lang ako na nasa kwarto ko na ako. I looked at my alarm clock and found out that its already past 12 in the afternoon. Sa gulat ko ay napabangon ako at huminga pa ako ng malalim bago ko tignan kung may suot ba akong damit. Thankfully, I still wearing my last night dress at mukhang inalalayan ako ni MJ hanggang dito sa bahay. “Ano bang nangyari kagabi?” tanong ko sa aking sarili. Wala akong matandaan kung paano kami nakauwi ni MJ. Ang tanging tnnda ko ay ang kakaibang panaginip ko na para bang nakasakay ako sa isang kabayo at tila lumilipad pauwi. Weird dream isn’t it. I should call MJ and thank her last night. Masyado ata akong naging pabigat knowing na hinatid pa niya ako rito sa bahay. Teka... nagsuka ba ako? Sana hindi. Nakakahiya na nakakadiri iyon kapag nagkataon. I really should give MJ a call right now. Kaya naman nang makuha ko ang phone sa dala kong bag kagabi ay agad akong tumawag sa babaeng iyon. Hindi pa man nagtagal ay sinagot niya agad ang tawag. “Hello, MJ,” bungad ko sa kaniya. “Ngayon ka pa lang ba nagising? Gusto mo bang dalhin kita ng makakain diyan, pantanggal ng tama?” tanong nito sa akin. Masyado naman talagang maaalalahanin itong si MJ. Nakakahiya na, labis na ang mga naitulong niya sa akin. “Oo ngayon lang pero huwag ka ng mag-abala pa, hinatid mo na nga ako kagabi tapos alam kong naging perwisyo pa ako dahil sa kalasingan kaya naman thank you dahil hindi mo ako pinabayaan,” saad ko. “Hinatid?” natatawa niyang tanong sa akin. “Oo, hindi ba inakay mo ako kagabi? I have a weird dream kasi na prra akong lumilipad pero nakasakay sa kabayo kaya naman baka pinasan mo ko para lang makauwi tayo. Nakakahiya talaga, sana hindi ako ganoon kabigat kagabi,” sagot ko. Sandaling natahimik si MJ sa kabilang linya. May ginagawa ata siya at mukhang nakaistorbo pa ako. “Iyon lang ba ang natatandaan mo kagabi?” tanong niya. “Oo, sa part lang na iyon, the rest wala na,” sagot ko naman. “Wala ka bang ibang napansin sa panaginip mo kuno?” tanong niya pang muli. “Wala na... ay! Isang pamilyar na amoy at boses pero for sure ikaw lang din iyon,” sagot ko naman. “Okay, okay, punta ako diyan,” aniya. Hala siya. I told her na huwag na siyang mag-abala pa sa pagpunta rito pero mukhang hindi talaga siya nakikinig sa akin. Ginagawa pa rin niya ang gusto niya. “Huwag na, abala pa iyon sa iyo,” wika ko. Pero she insisted at may card siya kaya naman hinayaan ko na lang siya sa nais njyang gawin. “Kwento ko sa iyo naganap kagabi,” sambit niya pa. “Talaga? Sige, maliligo lang ako,” turan ko. Ibinaba ko na ang tawag at saka dumiretso sa banyo upang makaligo na dahil nangangamoy alak pa rin ako. Habang naliligo ako ay bigla sumagi sa isip ko na hindi ko naitanong sa kaniya kung sumuka ba ako. “Nakaka-inis! Nakalimutan kong itanong ang pinaka-importanteng bagay kaya ako tumawag!” sigaw ko. Mamaya ko na lang itatanong sa kaniya dahil sabi nga niya ay magkwento siya sa nangyari kagabi. Sana walang video dahil mas nakakahiya kung may ebidensya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD