Well, alam kong hindi ako sanay sa ganitong kasuotan pero nabighani talaga ng istilo at kulay nito ang aking paningin. Hindi ko alam kung hindi ba kaaya-aya sa iba ang hitsura ko dahil pinagtitinginan ako ng mga nadadaan namin na mga tao. Hindi ko talaga alam, literal. If it was my dress or my make up which is not so heavy dahil hindi naman talaga ako naglalagay ng makapal even if I’m performing.
“Chin up,” sambit ni MJ habang patungo kami sa vip room na kinuha niya which is nakapagpa-reserve na siya agad in that short time kanina.
Wala na huli ka na. Kanina pa bumaba ang aking confidence. Naiilang ako na ewan dahil hindi ko talaga mawari kung bakit ako pinagmamasdan ng mga narito sa club.
“Grabe naman kasi, halos lahat ng nadaanan natin napapahinto tapos napapatitig sa akin, naiilang ako kapag ganoon,” saad ko dahil hindi ko talaga mapigilan habang siya ay taas noo lang na naglalakad na tila ba hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa lugar na gaya nito.
I stopped for a moment, bow my head a little bit, and heaved a deep breatg before I smile at MJ whose now looking at me with pride. Sana talaga ganoon kataas ang kumpiyansa ko gaya sa kaniya.
“Lets do it,” pinauna na niya akong maglakad hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa pero napansin ko na ang tingin pala ng mga tao sa akin ay pagkamangha at hindi pagtataka kaya naman naglakad lang ako ng normal gaya sa ginagawa ko sa araw-araw hanggang sa maabot na namin ang vip room.
Nang makapasok na kami sa loob ay napa-bulalas na lang ng “oh my God!” sa hindi ko akalain na sandali na iyon. Dali-dali kong inilabas ang aking phone para itapat sa akin ang camera at matignan kung dahil ba sa suot ko na dress or dahil sa make up o baka dahil lang na namukhaan nila ako. But to my surprised, MJ took a photo of me while looking at my own reflection sa aking phone.
“MJ!” I shouted while trying to get her phone.
Pero dahil matangkad ang babaeng ito ay hindi ko maagaw sa kaniya khair na nakasuot ako ng mataas na takong. Hirap maging maliit kapag may kapre kang kasama.
“No, no, no, you look absolutely stunning right now and I want to have this kind of evidence in my gallery,” nakangiti lang siya habang umiiling kasabay ng pagpapatunog niya gamit ang kaniyang dila.
Stunning... Am I looking that good with this outfit and make up? I’ve never been doing this before and basically iba ang sitwasyon kapag nasa stage ako while performing.
“You’re blushing, so cute... I have to post this on my i********: so everyone would see you too,” halata ang pagkasabik ni MJ sa binabalak niyang gawin.
I don’t have i********: neither twitter, so basically I only know sss and f*******: to interact with some of my fans. Yes, I have fans kahit na hindi ako gaano kasikat gaya ng iba. Mas dumami nga lang iyon nang maging kami ni VJ, and speaking of him... I haven’t heard any single news about him or any of his crew since that day. We totally lost our communication. I don’t know why or if possible, he do it on purpose.
“I can’t find your username, I want to tag you,” nagtataka niyang sambit habang pilit na hinahanap ang account ko sa social media na iyon.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi pa rin niya ata naiintindihan na wala akong ganoon na account at tanging sa f*******: lang ako tumatambay.
“Hey, what’s your username?” tanong niya sa akin.
“Well, didn’t I mentioned before that I only have an account on f*******:?” turan ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Kamuntikan niya pang maihagis ang kaniyang cellphone sa ere at mabuti na lang na nasalo niya ito agad.
“What?!” sigaw niya at sabay hawak sa magkabilang braso ko at sinimukan na niya akong alug-alugin na para bang gunagawa lang siya ng mixed drinks gaya sa napapanood ko sa mga videos.
I frantically let her while saying na sayang lang sa oras iyon at tanging sa f*******: lang ako naka-focus at sa sss which contains important emails coming from the producer or director for casting me in concerts. She then stopped and helplessly sit in the couch.
“You are too behind the age, Lauren,” she said in disappointed tone.
Ilang sandali pa ay may pinindot si MJ na button at doon ay nag-order siya ng inumin. Hindi ko alam kung anu-ano iyon pero mukhang malakas ang tama kapag hindi sanay sa inuman gaya ko. Mukhang mapapalaban ako sa laro na ako mismo ang nagpasimula.
“Can you help me make one?” tanong ko.
She just stared at me like trying to think what I’m trying to mean kaya naman ipinakita ko ang aking phone which is now downloading i********: to her. Her face turned excited again as she saw what I meant.
“Easy peasy, Lauren, let me handle it,” buong pagmamalaki niyang sagot sa akin.
Talaga nga naman na masyadong kampante sa sarili itong si MJ pero hindi ko siya masisi, we lived in a technology worlds, where everything might see through internet. And besides, I’ve come up with a great idea which may be useful to promote my business.
“Okay, okay... lalabas ba tayo mamaya para magsayaw?” tanong ko.
Come to think of it, we are in a vip room with of course a see through glass which we can see people walking, dancing, flirting, or even making out in their table. As I said that, I saw a couple not far from our room, literally just went off inside the bar and not paying any attention in their surroundings but only focuses in their mating. Yuck, disgusting, and too liberated na tila nanonood ako ng porn in the making and we the people are the staff in that production. I can clearly see that girls’ bare skin but to my surprised, no one was ever approached them make them stop from what they’re doing. Mukhang they’re minding their own business sa loob dahil kahit ang mga bouncer ay walang pakialam eh.
“Stop staring at them, Lauren, someone from the staff will stop them in the middle of that act para mabitin sila,” patuloy pa rin sa pagtawa si MJ na para bang sanay na siyang makakita ng ganoon sa ganitong klase na lugar.
Pero bago pa man din ako makapagsalita ay may kumatok at isa iyon na waiter kaya naman umayos na ako sa pagkaka-upo at hindi na naki-nood sa nangyayari sa labas. He brought us the drinks that MJ ordered and surprisingly, he can’t take away his eyes off in MJ. Naawa ako sa guy knowing that my friend, MJ, is not into like him.
“Hey, don’t tell me you like that waiter? Kanina mo pa siya tinitignan eh,” mapang-asar na sambit sa akin ni MJ nang makalabas na ng silid ang waiter.
“No, of course not! Tinitignan ko siya dahil kanina ka pa niya tinititigan na para bang na love at first sight siya sa iyo,” pagdedepensa ko sa aking sarili.
Bigla naman na humagalpak sa tuwa si MJ. Mangiyak-ngiyak pa siya habang tinatawanan ang sinabi ko.
“Silly! Of course he will do that,” ngumiti si MJ sa akin at nagsalin ng alak para sa aming dalawa.
Is that waiter really into MJ? Lagi bang natetyempuhan ni MJ ang waiter na iyon kapag nagpupunta siya rito? Grabe! Ang lakas naman pala ng appeal ng babaeng ito.
“He will?” tanong ko.
“Yes, of course! Kamukha ko ba naman ang may-ari sa bar na ito talagang mapapa-double look ang mga staff kapag nakita ako,” sagot niya sa akin bago niya lagukin ang alak.
Napanganga ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung ano ang sunod kong sasabihin. Magkamukha sila ng may-ari? Ibig sabihin nakita na rin niya ang taong iyon dahil she sounds so sure about that thing.
“Ano ba naman na itsura ‘yan!” muli na naman siyang tumawa na para bang walang katapusan.
“B-Bakit?” tanong ko.
Imbes na sagutin niya ako ay sinenyasan lang niya ako na lumapit sa kaniya dahil nasa kabilang couch siya nakaupo at nang nakalapit na ako ay inilapat niya ang kaniyang dalawang kamay sa aking tainga at doon ay may sinabi siya sa akin na nakakagulat.
“What?!” napataas ang boses ko sa bigla nang ibulong niya iyon sa akin.
“Oo nga, mukha bang hindi ko kaya?” tanong niya sa akin habang tila hinahamon ako.
“H-Hindi naman sa hindi ako naniniwala, ang sa akin lang ay hindi ko inaasahan na ganoon pala,” sagot ko.
Tama, hindi ko talaga inaasahan iyon. Kaya pala sobrang ganda ng room na nakuha niya in just a short time. At kung ililibot ko ang paningin ko sa loob ng silid na ito ay masasabi mong hindi lang ito isang ordinaryong vip room.
“Well, I started this business when I was 19, I guess? And, hindi ko rin inaasahan na sisikat ‘tong bar na itinayo ko, worth it ang pagod ko during college days,” proud na proud niyang sabi sa akin.
Hindi ko talaga inaasahan na siya mismo ang may-ari ng bar na ito. And to think na 19 years old siya nang sinimulan ito ay talagang mahirap iyon. At kahit hindi ko itanong ang ibang detalye ay kusa nang sinabi ni MJ ang kaniyang pinagdaanan habang nagsisimula pa lanh itong kaniyang business. Talaga nga naman na namangha ako sa kaniyang katatagan at determinasyon na ipagpatuloy ito kahit na maraming kumu-kontra at pilit siyang ibinababa. I really admire her, now.