Medyo humihina ang raket ko bilang mang-aawit kaya naman napag-pasyahan kong gumawa ng sariling negosyo. Hiningi ko ang opinyon ng mga taong nakapaligid sa akin kabilang na doon ang aking mga magulang para sa gabay.
We all ended up in one suggestion—A vocal studio in which I will teach young ones who aspires to be a singer. Dahil doon din naman ang magiging ending ko at saka sayang naman ang major ko noong college kung hindi ko magagamit.
So, we prepared everything. Naghanap ako ng isang commercial building kung saan maari kong maging office at maging classroom ng mga magiging mag-aaral ko kung sakali man na malapit sa high way para sa kanilang convenience.
I’m glad na hindi ako nahirapan dahil na rin sa tulong ni MJ na talaga naman na walang kapaguran sa kahahanap buong araw. Nang makapag-kasunduan na namin ng owner ang renta para sa commercial space na iyon ay agad akong gumawa ng page para maraming makaalam ng aking studio. Nahirapan lang ako sa part na ipapangalan ko sa studio kaya naman naudlot ang paggawa ko sa page.
“I can’t think of a good name,” I said in frustration.
Sinasambunutan ko na ang sarili ko dahil wala talaga akong maisip na kakaiba pero magandang tunog na ipapangalan ko sa studio.
“Rely on your memories? Maybe it can helps you,” wika naman ni MJ habang may dalang hiniwang hilaw na mangga galing sa kusina.
Nang makita ko ang dala niyang mangga na talaga naman na maniba ang kulay at ramdam kong malutong iyon kahit na hindi ko pa man natitikman ay nangasim ako.
“Ano ba ‘yan! Nangasim tuloy ako sa mangga na iyan,” saad ko habang tila kinikilig pa sa asim.
Inilapag na muna niya ang mangkok na mangga at talagang suka na may halong asin ang sawsawan niya. Mas lalo akong nangasim nang maisip ko iyon at maamoy ang asim.
“W-Wa-Wait!” bulalas ni MJ nang maupo siya sa tabi ko.
“What?” tanong ko.
Syempre pasimple na akong kumuha ng isa at nangasim ang buong katawan ko. Dahil sa pinagsamang asim ng mangga, asim ng suka, at alat ng asin.
“What if... “Ay may boses”? but instead of using ‘ay may’ we can change it into your first name, sounds similar, right?” aniya with matching pasigaw pa sa pangalan ko.
Binigyan ko lang siya ng tingin na makahulugan. Seryoso ba si MJ sa naisip niya? Ay may boses talaga? Pero teka. Habang naiisip ko iyon, mukhang pwede nga, “IMEE—boses tayo!” lalagyan ko lang ng ‘tayo’ para swak.
“IMEE—boses tayo? What do you think?” tanong ko with emphasizing my name habang binabanggit ko ang naisip na name ng studio ko ni MJ.
Pero imbes na sang-ayunan ni MJ ang suhestiyon ko ay umiling lang siya at pinalitan iyon.
“No, but it would make better if you’ll put it “Ka” than “Tayo”, hindi ba?” sagot niya.
Ibig ba niyang sabihin ay tinutukoy ng studio ay ang mga nagbabalak na mag-aral ng tamang pagkanta? Ang mga magiging mag-aaral?
“You mean the students voice?” tanong ko.
“Iyon! Nadali mo!” bulalas niya habang may pagpalakpak pa.
Parang bata talaga ‘tong babae na ito. Naalala ko tuloy hindi kami natuloy sa pagkikita sana namin ng nagugustuhan niyang babae na nagtatrabaho ‘di umano sa isang mall. Hindi ko na tanda kong anong dahilan pero alam komg hindi ako ang may sala that time.
“Maiba nga tayo,” wika ko.
Umungol lang siya bilang tugon sa akin dahil abala ang bibig niya sa paglantak sa mangga. Napailing na lang ako saka bahagyang napangiti at itinutok na anv paningin sa screen ng laptop.
“Kumusta kayo ng nagugustuhan mo?” tanong ko.
Hindi kumibo si MJ kaya naman naisipan kong lingunin siya. Hindi na siya kumakain ng mangga gaya kanina pero mukhang may tinitignan sa kaniyang cellphone. Hindi na ako nag-usisa pa sa kaniya at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Mukha kasing ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.
“Look,” wika ni MJ.
Itinigil ko ang pagta-type at saka tinignan ang tinutukoy ni MJ. It was her crush na nag-work sa nasabing mall pero something is sketchy in the picture kaya naman hiniram ko ang phone at zinoom pa talaga para malaman kung ano iyon.
“There’s someone else hand behind the girl,” talagang tinititigan ko ang litrato at hindi kumurap.
Hindi ako maaring magkamali sa nakita ko. May braso talaga na nakasingit o na nakahawak I mean sa likuran ng babae.
“Yeah, I think she got herself a boyfriend,” nakangiti niya iyon na sinabi sa akin pero maalintana sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.
Kawawa naman ang aking kaibigan. Broken na agad hindi pa man nagiging sila. How am I supposed to cheer her up when she’s trying to do it by herself? Super brave niya.
“Mikko...” inakbayan ko siya at binigyan ng isang ngiti.
“Oh,” natatawa niyang tugon.
“Ladies night?” tanong ko.
“Ladies?” inalis niya ang pagkaka-akbay ko na tila nagtataka sa sinabi ko.
Hindi ko alam kung maraming kahulugan ang salitang iyon pero isa lang ang nasa isip ko nang sabihin ko iyon.
“Yeah, lets enjoy our night tonight,” nanantili pa rin ang pagngiti ko sa harapan niya.
“N-Night?!” napatayo siya sa gulat at naiwan ako nakatulala sa kaniyang inasal.
Hindi ko alam kung anong nasa isip niya kaya naman kailangan ko pa atang ipaliwanag ang ibig kong sabihin sa kaniya. Mukhang magkaiba kami ng nasa isip.
“What do you mean by that?!” gulat pa rin siya at tila ba naguguluhan sa aking sinasabi.
“Hoy! Ano bang nasa isip mo?” kalmado kong tanong dahil maging ako ay naguguluhan na rin.
“D-Don’t tell me... no! Hindi maari iyon...” aniya.
I rolled my eyes. Mukhang iba nga talaga ang kahulugan ng sinabi ko para sa kaniya.
“Loko! Ang ibig kong sabihin is like party, chilling at the bar,” natatawa kong sabi.
I can’t help it but to laugh dahil sa naging reaksyon ni MJ. Akala niya ata ay nahihilig na ako sa kapwa ko babae gaya niya.
“Oh, that is what you meant,” napasinghap siya ng maluwag nang sabihin ko iyon at natawa rin sa kaniyang sarili.
“Yes, that is what I mean and I want to enjoy my freedom without my Mom’s worries,” saad ko.
Muli ko na lang ibinaling ang tingin ko sa harap ng laptop. Bigla ko kasing naalala na wala man lang ako naging kasiyahan ng teenager ako maliban sa pag-iibigan namin ni Rap. Puro school at pagkanta lang ang inatupag ko dahil kay Mama. Ngayon na independent na ako, balak kong gawin at maranasan ang mga hindi ko nagawa noon ng malaya at walang nagbabawal.
“Then, maghahanda na ako kaya uuwi na muna ako, tapusin mo na muna ‘yang business page mo and I’ll pick you up at 10,” halata sa kilos at pananalita ni MJ ang pagkasabik sa magaganap mamaya at hindi man lang niya ako hinayaan na makasagot sa kaniya dahil dali-dali siyang naglakad palabas.
Natatawa na lang ako habang napapa-iling.
“10 P.M. huh,” sambit ko habang nakatanaw pa rin sa may pinto na nakalimutang isara ni MJ sa kaniyang pagmamadali.
Tumayo ako para isara ang pinto nang mahagip ng paningin ko si Cheska. She’s already here? Tapos na ata ang bakasyon niya with her family. And speaking of her husband, I haven’t seen him for a while mula nang insidente namin sa San Juan.
I closed the door and get back to work. I need to finish my business page now before I spend my night partying. Kailangan ko na rin mag-isip ng magandang interior sa magiging studio ko para naman maging maaliwalas ang loob at labas nito sa mata ng mga tao. Tiyak na kasi ako na once na kumalat na sa internet ang business ko ay nandiyan na naman ang mga reporter. Kailangan maging maganda at talagang mapaghandaan ko ng husto ang magiging una kong business s***h class.
I spent almost 6 hours sa harap ng laptop at ang tanging nagawa ko lang ay maghanap ng magaling at magandang mga furniture at appliances na mailalagay ko sa studio. Hindi ko man lang nagawa ang business page ko dahil hindi pala ako marunong gumawa.
Huminto na ako dahil kumakalam na ang sikmura ko. Habang nasa kusina ako ay napansin ko ang oras, alas nuwebe na pasado at ang usapan namin ni MJ ay alas-dyes kaya naman nagmadali akong umakyat sa kwarto ko upang maligo at ihanda ang susuotin. Pagtingin ko sa closet ko ay napaatras ako. Wala pala akong masusuot na babagay sa una kong pagpasok sa isang bar.
“I need to call MJ,” sambit ko sa sarili ko.
Kaya naman tinawagan ko si MJ. Naginhawaan ako nang malaman ko na marami siyang damit na isinusuot njya kapag nagpupunta sa mga bar para magliwaliw. Kaya naman nagpaalam na ako na maliligo na muna at pumasok na lang siya kapag nasa tapat na siya ng bahay.
Pero itong si MJ, hindi pa man umaabot ng lagpas sa sampung minuto buhat ng magkausap kami at maligo ako ay nandiyan na siya. Dire-diretso sa akinh kwarto at tinatawag ang aking ngalan.
“Lauren, yoho!” tawag niya sa akin.
“Teka! Malapit na akong matapos!” sigaw ko naman mula sa loon ng banyo.
“Ilalatag ko na ang napili kong limang damit, ikaw na ang bahala kung alin dito ang bet mong suotin, magpupunta lang ako sa sala at titignan ang ginawa mo,” wika ni MJ.
Lima? Grabe naman. Hindi pa naman ako sanay na pumipili. Sana siya na lang ang namili ng ipapahiram njya sa akin dahil alam ko naman na hindi na sayang sa oras iyon.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong may limang dress na nakalatag nga sa ibabaw ng higaan. Magaganda ang mga style ng dress at patok sa taste ng generation na ito. Pero isa ang pumukaw aa akin. Agad ko iyon na kinuha saka inilapat sa aking harapan habanag nakatingin sa salmin.