Aaminin ko na gumaan ang pakiramdam ko nang mailabas ko lahat ng gusto kong ikwento sa mga malalapit na tao sa akin. Malaking pasasalamat talaga na hinayaan ako ng driver na iyon na mag-kwento kahit na hindi kami magkakilala. Isang linggo na nga ang lumipas buhat nang mangyari iyon at hindi ko na muli pang na-tyambahan pa ang taxi driver na iyon.
“Ate, patulog naman,” wika ni Alyssa.
Nagulat ako nang sabihin niya iyon dahil kumakain kami ng meryenda namin dito sa apartment. Out of the blue ang pagsabi niya and besides, three days pa lang naman mula nang bumukod ako sa bahay.
“Gusto mo bang masermonan ni Mama ng malala?” tanong ko.
Naalala ko na naman ang gabing iyon. Isang nanlilisik na mga mata ang bumungad sa akin pagpasok ko sa bahay. Paano ba naman kasi, lahat ng ilaw nakapatay tapos si Mama pumwesto pa talaga ng upo sa tapat ng pinto kaya naman grabe ang gulat ko sa kaniya. Akala ko magkakaroon ako ng sakit sa puso eh. Anong oras na din kasi tapos wala pa akong paalam na gagabihin ng sobra sa daan kaya maraming sermon ang narinig ko mula sa nanggagalaiti at nag-aalala kong Mama.
“Ano ba iyan! Isang gabi lang naman, Ate,” aniya habang nangungulit sa akin at nakangiti ng sobrang lawak.p
Tinalikuran ko siya tapos ilang sandali pa ay niyakap niya ako nang hindi ko siya pinansin.
“Huwag mo nga akong yakapin, nakakadiri,” biro ko.
Hindi niya pa rin ako binibitawan sa pagkakayakap. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayapos.
“No, I won’t until you say “yes”, Ate,” aniya.
Napabuntong hininga ako. Mas lumala ang pagiging mangungulit niya kumpara noon na nasa iisang bubong lang kami nakatira.
“Ano pa nga ba? Ang kulit mo, ipapaalam na kita,” saad ko.
Ako pa rin talaga ang unang bibigay sa aming dalawa.
“Talaga?!” bulalas niya na talaga naman na manghang-mangha at binitawan na rin niya ako sa wakas.
“Oo, kailan mo ba gusto para naman ahead of time ko masabi kay Mama,” turan ko.
“Teka...” sambit ni Alyssa.
Mukhang nag-iisip pa siya ng magandang araw. Mas maganda na kasi kung sa mga susunod pang araw para naman talagang walang masabi si Mama kapag ipinaalam ko si Alyssa sa kaniya.
“Alam ko na!” bulalas na naman ni Alyssa.
“Ano?” tanong ko.
Hindi ko na tinignan pa si Aly dahil abala ako sa pinapanood ko na wala naman na sounds dahil naka-mute habang kumakain ng ensaymada na nabili namin kanina sa bakery.
“Mamaya na agad!” magiliw nitong sagot.
Muntik ko ng mailuwa ang kinakain kong tinapay habang nakatitig sa aking kapatid. Kasasabi ko lang na dapat ahead of time ang paalam namin kay Mama para payagan siya pero mukhang hindi niya naintindihan.
“I said ahead of time, Aly,” wika ko.
“Oo nga but I missed your presence na Ate sa bahay,” aniya.
“Pero baka naman hindi pumayag si Mama kapag mamaya na agad?” turan ko.
“Oo nga eh, pero subukan lang natin,” tugon naman niya sa akin.
Mukha naman talagang gusto niya na dito matulog kaya naman kinuha ko na lang ang phone ko at tinawagan si Mama.
“Fine, hindi niya pa sinasagot,” sambit ko.
Nakakailang ring na pero mukhang busy si Mama at hindi magawang masagot ang tawag ko. Nang ibaba ko na ay biglang nanginig ang phone ko na ibig sabihin ay may nagsalita mula sa kabilang linya kaya naman muli kong itinatapat ang cellphone sa aking tainga.
“Hello, Ma?” turan ko.
“Oh,” tugon nito.
Iritable ang tunog na ginawa ni Mama. Mukhang busy nga siya at naistorbo ko pa siya sa kaniyang ginagawa. Kailangan ko ng sabihin ang dapat na ipaalam ko sa kaniya bago pa man niya ako babaan ng tawag dahil base sa kaniyang tono ay naiirita si Mama.
“Ano kasi, Ma... saabi ni Aly na gusto niyang matulog na muna dito sa place ko ngayong gabi and... and gusto kong ipaalam siya,” saad ko.
Narinig ko na bumuntong si Mama mula sa kabilang linya bago siya magsalita.
“Wala naman akong magagawa kung gusto ng batang iyan diyan,” wika ni Mama.
Wala? Bakit wala? Parang noon lang sobrang galit sa akin kapag may sleepover ang kami ng mga kaklase ko tapos ngayon parang wala na paki sa bunso niyang anak na hindi matutulog sa bahay sa unang pagkakataon.
“M-Ma, si-sigurado ka ba d-dyan?” nauutal kong pang tanong
Syempre talagang nakakagulat ang mabulis na pagpayag ni Mama na siya naman na nakakapagtaka.
“Nako, oo nga, kung gusto niya rin ipapahatid ko na ang mga gamit niya para diyan na siya sa tuluyan manirahan,” sagot ni Mama sa akin.
Bahagya akong tumawa.
“Sige na po, Ma, thank you,” wika ko.0⁰
“Sige,” sambit naman ni Mama sa akin bago niya tuluyang ibaba ang tawag..
Suminghap ako dahil may pumasok sa isipan ko na talaga naman na ikatatampo niya.
“Ano? Anong sabi nj Mama?” tanong ni Alyssa.
Humarap ako sa kapatid ko na na may full convincing face para talagang mapaniwala kp siya sa kalokohan ko.
“Well,ganito kasi... ang sabi kasi ni Mama ay ganito...” sagot ko.
“Ano? May pa suspense music ka pa diyan eh!” turan ni Aly.
“Well, para mas magimg interesante ang sasabihin ko,” tugon ko naman.
Bigla ko na lang naisipan na maglagay ng sounds kanina at good thing na ajn⁴
“Ate, ano ba! Patagal ³ talaga bago sabihin ha,” turan nito.
Tumawa ako. Nakakatawa naman kasi ang itsura ni Aly. Gustong-gusto na niyang marinig ang sinabi ni Mama nang ipinaalam ko siya.
“Well, actually, sabi ni Mama kung gusto mo ba raw na ipadala niya rito ang lahat mong gamit para daw hindi na palipat-lipat ng gamit,” turan ko.
Umiling-iling si Aly at sabay patunog sa kaniyang dila.
“Mukha ng nasa bad mood si Mama ngayon, pero sige sleep pa rin ako rito mamaya,” masayang tugon niya.
Napalitan agad ng masaya at maaliwalas na mukha ni Aly. Looking forward talaga siya na matulog sa apartment ko kahit na ramdam niya na wala sa mood si Mama kanina.
“Tara na, Ate, kuha tayo damit ko para mamaya at bukas ng umaga,” saad ni Aly.
Hinila niya ako para makatayo sahil tinatamad ako.
“Come on, Ate! Let’s go na para hindi naman tayo maipit sa trapik,” turab pa ni Aly.
“Fine,” tugon ko.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo sa aking sarili kahit na tinatamad ako. Good thing na malapit lang ang nakuha kong apartment mula sa bahay ng parents ko. Iniisip ko rin kasi ang trapik dahil malapit na mag alas singko ng hapon at alam na, rush hour, dahil maraming magsisi-uwian na mga tao sa kani-kanilang bahay.
Nang makarating kami sa bahay ay personal na nagpaalam si Aly kay Mama na abala sa pagluluto. Medyo marami ang niluluto niya kumpara sa normal na araw kaya naman napatanong ako ng okasyon.
“Anong mayroon, Ma?” tanong ko.
“Wala naman,” sagot ni Mama sa akin.
Pilit kong inisip kung anong ganap ngayon pero wala talagang sumasahi sa isipan ko. Nothing special sa pagkakatanda ko and even Aly dahil tinanong ko rin siya about sa date ngayon...
“Ma, una na po kami, hahatid ko na lang siya bukas,” wika ko.
“Sige,” sambit ni Mama.
Hindi na kami nakapag-paalam kay Papa dahil nasa work siya ngayon at siguro ay pauwi pa lang kaya naman bumalik na kami ni Aly sa apartment ko para ‘di maabutan ng trapik sa daan.