Chapter 40

1792 Words
Nang matapos na kaming kumain ay nagpahinga muna saglit si Rap. Sa totoo lang, sobra talaga akong naninibago sa kaniyang ikinikilos. Habang pinagmamasdan ko siya ngayon... ang laki pala ng ipinayat niya. Akala ko noong una ko siyang makita pagkaraan ng isang taon ay nagpapayat lang talaga siya pero ngayon bakas sa kaniya ang hindi pang-karaniwang pagbaba ng timbang. “Huwag mo akong masyadong titigan, baka matunaw ako at saka nakakailang,” wika niya. Agad akong umiwas ng tingin at dumako na lang ang aking paningin sa ibang mga narito sa parke. Karamihan sa narito ay puro couples, lovey dovey at may iba na kasama ang kanilang pamilya. “S-Sorry,” sambit ko. Hindi ko alam na napansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Nakakahiya at nakakailang ngang talaga. Ano ba ang pwede naming pag-usapan ngayon? Wala na akong maisip. Kung noo’y sobrang dami, ngayon ay wala ng natirang maiikwento pa sa kaniya. “Rap...” pagtawag ko sa kaniyang ngalan. Hindi ko alam kung bakit ko biglang sinambit ang pangalan niya, kahit ako mismo ay nagulat kaya naman bigla kong napahawak sa aking bibig. “Oh,” aniya. Nako po! Wala akong maisip na sasabihin, bakit naman kasi bigla na lang nagsasalita ng kusa ang bibig ko?! “A-Ano...” sambit ko. Mag-isip ka, Imee! Naghihintay si Rap ng sasabihin mo! Ano ba! “Kung wala kang sasabihin, tara at ihahatid na kita,” saad pa ni Rap. Tumayo na siya at naunang humakbang ng tatlong beses saka huminto. Nakatalikod lang siya sa akin at hindi man lang humarap. “Tara na! Magagalit na naman ang Mama mo sa iyo dahil alas diyes na pasado tapos wala ka pa sa inyo at hindi ka pa nagsasabi sa kaniya kung saan ka ngayon,” turan niya pa. Nananatili akong nakatitig sa kaniyang likuran. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya, naaalala niya pa rin pala ang ugali ni Mama... akala ko nilimot na niya ng tuluyan. Tumayo na rin ako at tumakbo para maunahan siya at harangin. “I already told her na gagabihin ako ngayon,” magiliw kong tugon. Masaya akong humahakbang ngayon. Akala ko lungkot lang ang hatid ng mga alaala ko kasama siya hindi pala dahil may dulot din palang saya iyon kapag naalaala mo. “Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon,” aniya. Naglakad ako patalikod para makita ang itsura ni Rap. Mas light na ang reaksyon niya kaysa kanina na para bang naginhawaan ito sa narinig o nakita kaya naman umayos na ako sa paglalakad at inilipat ang aking tingin sa daan. “And besides, If I call her right now sasabihin ko agad na kasama kita par—” and he just interrupted me. “—please don’t,” sambit niya. May kung ano sa tono ng kaniyang pananalita na nagbigay intriga sa akin kaya naman nilingon ko siya. Nakita ko ang lalaking kasama ko na naiinis. Dahil ba sa akin? “A-Are you mad at me?” tanong ko. Imbes na harapin niya ako ay bigla na lang siyang yumuko kaya hindi ko na makita ng buo ang kaniyang mukha. “No, basta... don’t tell them about tonight,” sagot niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang kaniyang ibig sabihin. Wala naman masamankung sabihin ko iyon tutal naman kilala naman siya nila Mama. At baka nga matuwa pa sila na may naghatid sa akin pagkagaling sa paghatid kay VJ sa airport eh. “But it will be great if I tell them, lalo na’t kilala ka na nila, mas panatag pa nga ata sila na ikaw ang kasama ko kaysa sa ibang tao,” turan ko. “Kahit na anong sabihin mo sa kanila, it will never be an excuse, I am a married man now at hindi magandang tignan na magkasama sa dis oras ng gabi ang isang dalagang gaya mo at tulad ko na kasal na,” tugon niya. I closed my eyes. Sinabi niyang married man na siya... ibig sabihin mahal na mahal niya si Cheska at ayaw niyang masira ang kanilang relasyon dahil lang sa akin. Ayaw niya ng gulo kapag may ibang nakakita na magkasama kami. “Tama ka, hindi nga maganda ang ganitong set up, pasensiya ka na, nadala lang ako ng sandaling ito,” saad ko. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa strap ng bag ko. Tama naman siya, hindi talaga magandang makita ng ibang tao ang ganitong sitwasyon. Ilalagay ko lang si Rap sa matinding intriga kapag nagkataon na may maka-tyempo sa aming dalawa ngayon. “Pakiusap, kalimutan mo na ako,” wika ni Rap. Napahinto ako. Natatakot ako sa susunod na sasabihin niya pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “Its time to let go of that feelings,” aniya. I don’t want to hear it. Mababagabag lang ang aking sarili sa susunod na maririnig ko, nararamdaman kong hindi maganda ang kasunod na mga salita na magmumula sa kaniya. Pero nagkamali ako... “Please love someone without hesitation, love with all your might like what you did to us, oras na para tuluyan nang mawala ang natitirang pagmamahal na tinatago mo diyan,” saad niya habang nakaturo sa pwesto ng aking puso. Akala ko hindi magandang salita ang lalabas mula sa kaniya, siya pa rin pala ang dating kilala ko. Hindi kayang magsalita ng masasakit sa kapwa lalo na sa mga taong mahal niya. “I wish you all the best, Imee, I want you to fall in love again, I want you to feel how others’ feel when they’re in love. When you does, please stop comparing our love with your new one, instead... build a stronger love that’s enough not to break,” turan pa ni Rap. “Ralph...” sambit ko. He... he is crying... I want to wipe those tears but I can’t move. “Please stop loving me, nahihirapan na ako dahil sa pagmamahal mong iyan,” aniya. Hindi ko maintindihan ang kaniyang ibig sabihin pero mukhang hanggang ngayon alam niyang mahal ko pa rin siya at hindi iyon tumitigil. “Rap, I can’t stop loving you!” sigaw ko. I said it, finally. “I’m aware that you’re in love with your wife but even though I know that my feelings won’t stop, for everyday... I-I struggle and forbid myself not to see you but that what makes my love even stronger kapag tinitiis kong hindi ka makita, pero ang ending ay hindi naman sinasadya na makita kita,” saad ko. I want to cry, I want my feelings to be out in once, but I need to control myself. I am a strong woman, and I will not cry in front of everyone including Rap. “Let me handle my own feelings, I love you and no matter what you’re going to say to me... I will still love you,” turan ko. Then I saw Rap’s face. He’s so serious right now, kind a mad. “Don’t be selfish, Imee,” tugon ni Rap. I smile. I admitted it, I’m selfish. Masyado na akong nilamon ng pagmamahal ko sa kaniya na hindi ko na iniisip na niloloko ko na ang mga taong nasa paligid ko tungkol sa tunay kong nararamdaman. “Yeah, I am selfish when it comes to love,” sambit ko. Nilapitan ako ni Rap at hinigit ang aking braso. Kaunting espasyo na lang ang layo ng kaniyang mukha mula sa akin at malapit na magdikit ang aming mga mukha. “Paano naman ang ibang tao na lihim kang minahal? Hindi nila masabi sa iyo dahil alam nilang ako pa rin ang minamahal mo, please be considerate sa situations,” saad niya. I looked away, hindi ko kayang titigan ng malapitan si Rap sa sandaling ito. Duwag ako. Alam ko iyon. “But I really don’t think there is someone like you mentioned,” turan ko. Bigla na lang niya akong binitawan habang nagsasalita siya na para bang may naisip siyang tao habang sinasabi iyon. “There is... but its not the issue here! I want you to stop it, hindi man biglaan pero sana kahit paunti-unti man lang, sinasabi ko sa iyo na mas makakabuti kapag ganoon, mas magaan sa pakiramdam,” tugon niya. How do he know? Sabagay, nagmahal nga siya ng ibang babae kaya siguro alam na niya ang pakiramdam ng sinasabi niya sa akin. “Ayaw ko ng makipagtalo pa, panalo ka na, susubukan ko at pipilitin ko ang aking sariling huwag ka ng mahalin pa. Tama ka nga sa sinabi mo kanina na I should love someone rather than you, but before that I should settle first my feelings para naman hindi na maulit ang nangyari sa amin ni VJ nitong nakaraan,” saad ko. Nananatili pa rin ang ngiti ko sa harapan niya. Nakakainis. Hindi man lang maalis ang ngiti ko na dapat ay kanina pa wala. “But first, I want to thank you, I’ve had fun tonight and...” sambit ko. Tumalikod akong muli at humakbang. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya iyon ng harapan kaya minabuti kong maglakad na lang palayo habang sinasabi iyon. “Please let me say this words to you once more... I love you, Ralph Robin, thank you for those memories we’ve been shared,” saad ko. “I-Imee...” aniya. “I hope to get along with you soon, neighbour! See you!” bulalas ko. Oo, tumakbo ako. Tumakbo ako palayo kay Rap. Hindi ko na kasi kaya at malapit na akong umiyak. Aminado akong kinakabahan ako kanina habang sinasabi iyon. Well, at least, nasabi ko na ang matagal kong hindi nasabi sa kaniya. Sakto naman na biglang may huminto na taxi sa harapan ko. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya kaya naman sumakay na ako. Wala na akong paki kung dis oras na ng gabi, matanda na ako para pagalitan pa. “Bakit ka umiiyak?” tanong ng driver. Ang boses na iyon hindi ako maaring magkamali, siya ang sinakyan ko kanina nang papunta ako sa airport. “Manong, ikaw ba iyan?!” gulat kong tanong sa driver. “Ay opo, bakit ka nga po umiiyak? Dahil sa hinabol mo sa airport?” tanong ng driver. “Hindi po, I am crying kasi I had an argument with my first love,” sagot ko. Can I told him once more my story? Sana oo. Sana hindi niya ako husgahan gaya kanina. “First love... may kasabihan ngang first love never dies, ‘di ba?” turan niya “Oo nga po, at mukhang totoo iyon,” tugon ko. “Sige na, magkwento ka na habang nasa biyahe,” saad ni Manong. Nagulat ako kasi naman si Manong na mismo ang nagsabi na magkwento ako sa nangyari kaya naman talaga naman na sinabi ko sa kaniya ang every details sa kwento ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD