Chapter 39

1452 Words
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong ginawa ni Rap sa San Juan dahil bago pa man din kami makaabot sa City hall ay ibinaba na niya ako sa McDonald’s kung saan niya ako sinabihan na maghintay muna habang kumakain. Kaya heto ako ngayon, tamang hintay sa kaniya habang humihigop ng Mcfloat na nabibili sa fast food na ito. “Ano bang ginagawa ng lalaking iyon? Ang tagal naman niya,” sambit ko sa aking sarili. Hindi ko talaga maisip kung anong mayroon ngayon. Kung nakapasok pa ba siya sa City hall o hindi dahil nga closed hours na o hindi kaya ay hindi talaga siya roon magtutungo at sa iba talaga ang punta niya. Habang napapaisip ako ay bigla naman akong nakaramdam ng pagnginig mula sa aking mesa. I took my phone and read the screen, it was a message sent by VJ. Syempre umasa ako na si Rap ang nag-text pero masaya naman ako na nagpadala muna ng mensahe si VJ bago siya makalipad. “Oh,” sambit kong muli. Kumuha ako ng isang pirasong fries para kainin habang binabasa ko ang text na mula kay VJ. Napangiti ako nang ma-imagine ko kung ano ang reaksyon ni VJ habang inilalahad niya sa pamamagitan ng text ang nangyari sa airport. “Hey! Did you know that I just bumped into Cheska? What a nuisance coincidence! I thought I would freak out but no, I calmed myself and speak to her like nothing happened before between us!” Iyon ang nakasaad sa kaniyang text kaya naman agad akong nagpunas ng daliri gamit ang tissue para makapag-reply sa kaniya. “Okay? What happened next? Are you with her now? Do you have the same flight?” I replied. I giggle after I send my reply. Sana talaga ay magkaayos na silang dalawa. They deserve to be happy kahit na hindi na sila pwede sa isa’t isa. “Ang bilis naman magreply ng lalaking ito,” bulong ko. Binasa kong muli ang text ni VJ at patuloy pa rin ang pag-ngiti ko. “No, she’s on the other bench. Medyo nagkaka-ilangan pa kami na mag-usap but she’s talking with Yaya, they know each other. And yeah, same flight! Alam mo ba ang mas nakakaloka? Magkatabi ang seats namin at hindi ko alam kong kakalma ba ako sa buong biyahe kapag katabi ko na siya. Last text ko na ito, alas nuwebe na at malapit na ang flight namin. Ingat ka lagi, Lauren. See you soon.” Iyon na nga ang text na ipinadala niya. Ang bait nga naman ng kapalaran at talagang pinagtabi pa sila sa buong biyahe. “Hey! Nakakaloka nga ‘yan! Ingat ka rin! Hope to see you again.” I replied to his text kahit na alam kong hindi na siya magrereply pa. I heave a deep sighed while staring outside of the fast food. It’s pretty late na and Rap still not here. I am wondering now if he’s okay or what because I didn’t receive or hear anything from him. “What are you looking at?” tanong ni Rap mula sa aking likuran. Hindi ako nagulat dahil nakita ko ang repleksyon niya mula sa salamin. Agad akong humarap sa kaniya at napangiti. “Where have you been? You’ve gone for almost two hours! Did you eat?” I asked. Umupo siya sa tabi ko kung saan ito’y bakante at nakitingin din sa labas na kanina ay pinagmamasdan ko. “To my old acquaintance, did I took that long? No, I haven’t,” he replied. Talagang sinagot niya ako base sa pagtatanong ko kanina. Napakagaling talaga ng lalaking ito. “Then you should grab your meals, wait... I’ll order for yo— w-why?” turan ko. He grabs my wrist bago pa man ako makaalis kaya naman nagtaka ako. “Let’s go somewhere else,” aniya. “Ha?” tanong ko. Para akong timang na bigla na lang niya hinila palabas ng walang pali-paliwanag sa nangyari. Naguguluhan talaga ako ngayon sa ikinikilos niya. Miss na ba niya ang kaniyang asawa at hanap na niya ang presensiya nito? “W-Wait, Rap... a-ano... sandali lang,” wika ko. Huminto siya at binitawan ako. Humarap siya sa akin at tinitigan ako na tila ba naghihintay ng aking sasabihin. “You’re not Rap, who are you?” tanong ko. Nang sabihin ko iyon ay bigla na lang siyang humagalpak sa tuwa. “Then who I am?” tanong niya pabalik sa akin. “You are Ralph, Cheska’s husband,” sagot ko. I am jusk joking around about he’s not Rap or what but his face turns out emotionless. “I see, I am no longer the Rap you used to know... because he died a long time ago,” wika ni Rap. Ano ba naman ‘yan. Napaka-seryoso naman niya masyado. “I’m just joking, don’t get—” “Well, I am serious, I’m the new me, I killed myself just to be born again,” saad niya pa. I don’t get him. I don’t know what he was talking about. “Rap.. I was just joking around,” sambit ko. “And I played along, why? Am I too good for acting?” turan niya. Tumango ako. He’s definitely good kung hindi ko sinabi iyon dahil mukha siyang walang balak na sabihin din iyon. “Yes, you are, nadali mo ako nang sandaling iyon, bakit hindi ka na lang kaya umarte sa telebisyon?” tugon ko. Umupo na ako sa tabi niya at muling kumuha ng fries na kanina ko pa pinapapak habang naghihintay sa kaniya. “Talaga ba? Ayaw kong umarte, baka kapag nakita nila ang galing ko ay ma-inlove pa sila sa akin, and besides, hassle lang iyon para sa akin,” aniya. Hassle? Sabagay, mas masaya siya kapag siya ang kumukuha ng litrato ng ibang tao kaysa ang siya ang kinukuhaan. “Teka, maiba nga ako,” wika ko. “Maiba ka? Okay,” aniya. Hindi na talaga ako natutuwa sa lalaking kausap ko. Lagi na lang niya akong binabara. Killed himself, huh? Then born again? Lakas ng tama.. “What are we doing here?” tanong ko. “Doing where? Here at McDonalds?” turan niya. He’s getting on my nerves. He’s definitely not Rap, ibang-iba na ang tao na kausap ko ngayon. “Nah, in this City of course!” tugon ko with hampas ng malakas sa mesa. He just laughed off. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko. “Baka masira mo ‘yang mesa o hindi kaya ay ma-iskandalo ka sa pag-iingay mo,” wika niya. Napatingin ako sa paligid at ang mga tao ay nakatingin na sa dako ko. Tumayo ako at humingi ng paumanhin sa ingay na nagawa ko. Nakakahiya! Paano kung may mag-post nga sa isa kanila na narito ngayon at tuluyang masira ang pangalan ko dahil sa iskandalo na iyon? Wala na. Finish na kapag nagkataon. “So, tell me, you really didn’t go to City hall, right?” tanong ko. “Syempre, hindi na ‘no! Hanggang alas singko lang sila bukas at hindi ba sinagot din kita kanina na galing ako bahay ng kakilala ko?” sagot niya. “Yes, you told me that thing, but who is that person?” tanong ko. The thing is... mang-aasar lang si Rap kapag nagtanong ako ng ganito. Alam ko iyon pero tinanong ko pa rin talaga. “Kung girlfriend lang kita, iisipin ko na nagseselos ka ngayon dahil sa tanong mo,” aniya. Sabi na nga ba’t iyon ang nasa isip niya. Wala naman akong magagawa kung ganoon pero syempre dedepensahan ko ang aking sarili. “Ha! I’m just curious ‘no! Huwag ka ngang ano diyan,” saad ko. “Yeah, yeah, as you say so,” aniya. “So sino nga iyon?” tanong kong muli. “An old acquaintance nga,” sagot niya. Who is that old acquaintance of him? Lalo akong naiintriga. “Name him,” wika ko. “No need to tell you his name,” aniya. Nakakainis naman ‘to.. name lang naman. “Sige na, hahatid na kita sa inyo, mukhang ayaw mong kumain ng matinonat okay na sa iyo ‘yang fast food,” saad niya. Nang sabihin niya iyon ay bigla na naman siyang tumayo at nauna nang maglakad sa akin. Syempre hinabol ko siya at sumunod ako. Sumakay na siya sa taxi at ganoon din ako but to my surprised, imbes na sa back seat siya ay naupo siya sa unahan. Saglit lang din kami sa taxi dahil bumaba na kami sa tapat ng restaurant. Kakain pa rin pala kami kahit na sinabi niyang ihahatid na ako. Siguro nagugutom na talaga siya at nahihiya lang sabihin sa akin kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD