Chapter 38

1506 Words
“Lauren!” sigaw ni VJ mula sa kabilang direksyon. Napalingon ako kung saan iyon nagmula at nakita ko si VJ na tumatakbo papalapit sa akin. “Finally! Naabutan mo pa kami,” sabi nito habang yakap ako. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang kaniyang mga kasambahay upang personal na magpaalam sa akin. Binitawan na ako ni VJ at hinarap ko ang iba pa. “Mag-iingat po kayo doon, see you soon po!” wika ko. “Ikaw din, ingat ka at baka masangkot na naman ang pangalan mo sa fake news,” saad ng driver ni VJ. Natawa ako. Tama siya, malaking problema na naman kapag nagkataon. “Gusto ko lang talagang makita kayong lahat bago umalis,” wika ko pa. Kasabay niyon ay inaya na sila papasok sa waiting area kung saan doon na sila maghihintay ng oras para sa kanilang pagsampa sa eroplano. Nauna na ang mga kasambahay niya at nagpahuli siya. “Lauren,” aniya. “Oh,” tugon ko. Nananatiling nakatalikod si VJ at hindi pa rin ako hinaharap. “Babalikan kita kapag nakita ko na ang sign na hinihintay ko, napakalaking gago ko na iwan ka para sa isang babae na hindi na ako ang mahal,” saad niya. Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o nagpapaasa lang. Hindi ko kasi makita ang kaniyang reaksyon habang sinasabi ang mga katagang iyon. “If ever, makita ko ang bagay na iyon sa iyo, agad akong lilipad pabalik dito sa Pilipinas upang muling manligaw sa iyo,” turan niya pa. Nabigla ako. This is the second time na sinabi niya iyon sa akin. The last one is from his house during our dinner date. Hindi ko akalain na muli niyang babanggitin ito. “I’ll come back if you’re still single by that time,” wika niya pa. “P-Pero...” sambit ko. Humarap sa akin si VJ at hinawakan ang aking ulo. Marahan niyang hinaplos ang aking ulo at nakangiti niya itong ginagawa. “I’m sorry, I’ve caused you troubles lately,” aniya. “V-VJ...” sambit kong muli. “And thank you for giving me a chance to loved you kahit na alam mo sa sarili mo na hindi mo talaga ako gusto nang simula pa lang,” wika niya pa. Umiling ako. Natutunan ko rin siyang gustuhin, at sinusubukan ko siyabg mahalin kaso biglang ganoon ang nangyari sa aming relasyon—hindi na muling matutuloy pa. “Ah! Tama! I was so overwhelmed to hear you saying those words during our anniversary, saying “I love you” to me was so powerful that I lost my mind thinking what should I reply to it, but then, you said that you’d protect me and will never hurt me and you actually did it...” saad ni VJ. Tumigil na siya sa paghimas sa ulo ko at hinawakan ang aking kamay sa huling pagkakataon. “You never harm nor hurt me, because you’re true to yourself, but here I am, the one who hurt you,” turan pa niya. “No! You didn’t hurt me,” tugon ko. Tumawa lang si VJ saka tumalikod at handa nang humakbang palayo sa akin. “Yes, I did, idinawit kita sa isang iskandalo at ikaw pa ang napasama dahil doon, pero this is it, I love you, Imee Lauren, and thank you for loving me too, goodbye...” saad niya. Sinubukan ko siyang habulin ngunit ang mga paa ko ay tila nakadikit sa pagkakaapak sa sahig. Nakita ko siyang tuluyan na nakapasok sa loob ng waiting area. Isa lang ang natitirang paraan na maari kong gawin sa ganitong sitwasyon. “Thank you for loving me, VJ! I will treasure everything you’ve done to me and cherished every moments we’ve been together! Goodbye! See you whenever we can!” sigaw ko. Nilakasan ko lang ang loob ko kahit na hindi naman talaga ako ganoon. Lahat ng taong naglalakad at may ginagawa ay napatigil dahil sa malakas kong boses at pinagtitinginan nila ako. Kahit na maraming mga mata ang nakatingin sa akin ay hindi ko nilubayan ang pagsubaybay kay VJ na napahinto nang marinig ang sigaw ko. Nilingon niya ako sa huling pagkakataon at nakita kong ngumiti siya habang kumakaway sa akin bago tuluyang maglakad papunta sa kaniyang mga kasamahan. Napaupo na lang ako. Nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba nang sumigaw ako na para bang inubos nito ang buong lakas ko at hindi na ako makakalakad pa. Tanging pagpatak ng mga luha lang ang nagawa ko, luha ng kasiyahan dahil maayos ang naging paghihiwalay namin ni VJ. Masasabi kong wala kaming samaan ng loob sa isa’t isa. “Can you stand?” tanong ng isang lalaki. Isang kamay ang bumungad sa aking harapan kaya naman tumango ako at inabot ang kamay na iyon. Para bang may kung ano sa akin nang hawakan ko kamay ng lalaki, biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Dahil ba malamig ang palad niya? “Thank you,” sambit ko. Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang mukha ng taong tumulong sa akin na makatayo. Why? Bakit hindi ko natandaan ang boses niya? May mali sa pagsasalita niya. Iniba niya ba ang boses niya para hindi ko agad malaman na siya ang nasa harap ko? Imposible iyon! “Rap...” bulong ko. Napakamot pa sa ulo si Rap. Ngunit sa pagkakataon na ito ay ang kabisado kong boses niya ang muli kong narinig. “Akala ko kung sino ang sumisigaw, ikaw lang pala,” wika nito. Para bang naiinis siya nang ako ang tinulungan niya. This is the third time na nagkita kaming dalawa ngayong araw. “W-Why are you here?” tanong ko. Ano nga ba ang ginagawa ng isang gaya niya sa paliparan? Don’t tell me, babalik na siya sa States together with his wife? “Ah, I am here to see Cheska off, she’ll go back to her family for vacation, home sick, I guess?” sagot niya. Pero wala naman akong nakikita na Cheska sa paligid. Kahit na bagahe ay wala rin. “Where is Cheska?” I asked out of curiosity. “She’s in the waiting area,” he replied. Bakit hindi siya kasama? Tanging si Cheska lang ang babalik sa Amerika? Pero ibig din sabihin nito ay may pagkakataon na magkasama sa iisang eroplano sina VJ at Cheska. “And you’re not coming with her?” tanong ko. “Obviously, may mas dapat akong gawin dito kaysa bumalik doon,” sagot niya. Ano kaya ang ibig sabihin niya? Mas importante pa kaysa sa asawa niya? Gusto kong malaman ang gagawin niya ngunit hindi naman ako maaring mangialam sa kaniya dahil unang-una, walang kami. “Mukhang sabay pa sila sa flight ng ex mo,” turan nito I smile. May pumasok sa isipan ko na magandang ideya. I want them to reconcile but not to the point na muling aahasin ni VJ si Cheska mula kay Rap. I just want them to be friends, again. “Oo, mukha nga,” tugon ko. That same flight will give both of them some time para magka-ayos. Lalo na ngayon na mula lang naman sila sa iisang lugar sa States at ramdam ko na magkakasalubong sila kahit na hindi nila gustong mangyari iyon. “Uuwi ka na ba?” tanong ni Rap. Bigla-bigla naman siyang nagtatanong ng ganiyan. Nakakabigla. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. “Ha? Y-Yes,” sagot ko. Nauutal pa akong sumagot. Hindi na talaga ako sanay sa presensya niya o dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaniya mismo? “Sumabay ka na sa akin, delikado kapag mag-isa ang babae sa taxi lalo na kapag madilim na,” wika pa ni Rap. Napalunok ako. Muli kong makakasabay si Rap sa iisang taxi? No. Erased. He is married. I’m not a home wrecker. I shouldn’t think that unimaginable things. He is just offering a good deed dahil may nakaraan kami. Iyon lang iyon, self. Don’t fantasize about something that would never be happened again. “O...o, salamat,” sambit ko. Nauna nang maglakad si Rap at sumunod na ako sa kaniya. Sumakay siya agad sa isang taxi kaya naman sumakay na rin ako. Magkatabi kami ngayon sa passenger seat sa likod. Tila ba umiinit ang pakiramdam ko at para bang sumisikip ang pwesto namin kahit na may uwang pa. “Saan po tayo?” tanong ng driver. Bigla ko tuloy naalala ang sinakyan ko kanina na taxi. Ang bait ng deiver na iyon na hinayaan akong magsabi ng kaunting impormasyon tungkol sa pagkatao ko. “Sa tapat lang ng munisipyo ng San Juan,” sagot ni Rap. San Juan? Anong gagawin namin doon? “Bakit doon?” tanong ko. “Basta, ihahatid naman kita sa inyo mamaya,” sagot niya. Hindi ko alam kung anong mayroon sa San Juan. Wala naman akong maalala na may kamag-anak sila roon o kaibigan man lang. “S-Sige, kung iyon ang gusto mo,” wika ko. Hinayaan ko na lang tutal nagsabi naman siya na ihahatid ako sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD