Chapter 37

1006 Words
Nagmamadali akong lumabas sa subdivision na timitirahan nila MJ. Nang may makita akong hihinto na taxi ay agad ko itong sinakyan kahit na hindi naman ako ang nagpara rito. “Sorry! May hinahabol lang po ako!” bulalas ko. Sabay abot ng papel sa babaeng inunahan kong makasakay. Sa taranta ng babae sa inabot ko ay kinuha rin niya iyon. Pipigilan pa niya sana ako kaso nabasa niya ang nakasulat sa maliit na papel. “T-Teka— address?” aniya. It was my business card. Balak kong bayaran ang babae sa pag-abala ko sa kaniya. “O-Opo! Pasensya na talaga, paki-contact na lang po diyan dahil sa nangyaring ito, talagang desperado lang ho ako ngayon,” wika ko. Hindi ko na inalam pa ang isasagot ng babae sa akin at hinarap ko na agad ang driver. Sinabi kong sa airport niya ako dalhin at sana sa mas mabilis ang daan namin dahil may hinahabol akong tao. Tinugunan naman iyon ng driver at nagmadaling pinaandar ang sasakyan. Pero baho iyon ay tila may sinabi pa ang babae na nagpara sa taxi kaso hindi ko masyadong narinig dahil sa ingay ng makina at sa hina ng kaniyang pagkakasabi. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at tinuon na lang ang isipan sa sa mangyayaring huling pagkikita namin ni VJ. Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng text message mula kay VJ na nagsasabi na malapit na silang makarating sa airport at tinatanong kung saan na raw ba ako banda. Dahil nga sa dinaan ng driver ang kaniyang taxi sa fastest route na alam niya kaya ngayon ay nasa high way na kami. “I think nasa high way? I don”t know but maybe in an hour ay makakarating na ako sa airport,” sagot ko. “Okay, call me if anything happens,” turan ni VJ. “Okay, okay,” tugon ko. Tapos natapos na ang tawag. Naisipan kong sumilip sa bintana at nakita na madilim na ang kalangitan. Alas sais na pala pasado. Ang bilis ng dumaan ng oras kapag talaga nagmamadali ka. “Ma’am? Boyfriend?” tanong bigla ng driver sa akin. Tumawa ako kahit na naiilang sa biglang tanong na iyon. “Hindi po, ex na po,” sagot ko. Tinignan ko ang driver mula sa salamin. Bata pa ang facial features niya at hindi siya gaya sa mga batikan na sa larangan ng pagtataxi na mga matatanda. “Siya ba ang hahabulin mo?” tanong pa nito. Bakit kaya nagtanong pang muli ang driver na ito? Ayaw ko naman na maging bastos kaya sasagutin ko pa rin ang tanong niya. Dahil naman sa mga route na dinaanan namin ay mas napabilis ang biyahe kaysa kapag nasa mismong way kami dumaan na provided ng some direction maps. “Opo, para magpaalam,” sagot ko. Bigla naman na nag-vibrate ang phone ko. Akala ko si VJ ang nag-text pero si MJ lang pala. Habang binabasa ang ko ang text ay muling nagsalita ang driver. “Mahal mo?” tanong nito. Sa pagkakataon na iyon ay tumingin ako sa driver at mabilis na sumahot sa tanong na iyon. “Well, paano ko ba sasabihin ito... actually I’m still in love with my first love but apparently the one in the airport, he never leave kahit na alam niya na hindi ko siya gusto or what— siguro ang isasagot ko sa tanong mo Mamong ay... I don’t love him but I have some feelings for him,” mahabang explanation ko sa simpleng “oo o hindi” na dapat sagot. “Ah, ganoon ba, mahal mo pa pala ang una mong pag-ibig,” wika ng driver. “Oo, kaso nag-asawa na siya kaya naman pinipilit ko na siyang kalimutan ang kaso... mapaglaro ang tadhana, kapitbahay ko na ang una kong pag-ibig ngayon,” saad ko. “What?!” bulalas ng driver. Nagulat naman ang driver sa sinabi ko. Masyado atang nabighani sa fate incidents eh. Sabagay, kung alam mong magiging kapitbahay mo ang ex mo dapat hindi ka na tumuloy sa pagbili ng apartment o bahay. “K-Kapitbahay?” tanong pa nito. Kasasabi ko lang ‘di ba? Itong si Manong, nabibingi na ata kaya gustong ipaulit ang sinabi ko eh. “Y-Yes, kapitbahay ko na, I bought one apartment from their subdivision and luckily... literal na kapitbahay ko siya dahil katabi lang ng bahay niya ang nabili ko,” sagot ko. “Nakakagulat naman ang usapan na ito,” saad ng driver. “I know right? Kasalanan ko rin naman kasi at panay sunod lang ako sa isa sa kaibigan ko na nagplano nito para maging kapitbahay ko sila, tapos idagdag mo pa ang realtor na ang galing-galing magsalita, sobrang mabulaklak ang lumalabas sa kaniyang bibig kaya naman napa-deal ako,” turan ko pa. “Kaya pala, are you happy?” tanong pang muli ng driver. “Happy? What do you mean by happy po?” tanong ko rin. Hindi ko kasi alam kung ano ang tinutukoy niya. Ang pagkakataon ba na makakapag-paalam ako sa ex ko o ang tadhana na maging kapitbahay ko ang unang pag-ibig ko. “Sa sitwasyon mo ngayon? Basta... masaya ka ba ngayon?” turan ng driver. “Kung pagbabasehan ang kalagayan ko ngayon... masasabi kong... sobrang saya ko, kahit na dumaan ang pagsubok ay nakaya ko dahil iyon sa suporta ng mga nakapaligid sa akin lalo na ang nga kaibigan at si VJ,” tugon ko. “VJ?” tanong ng driver. Mukha naman na hindi ako nakikilala ni Manong driver. May kasabihan nga na mas magandang magkwento sa estranghero dahil hindi ka nila huhusgahan. “Opo, VJ ang pangalan ng ex ko na pupuntahan ko sa airport,” sagot ko. “Ganoon pala— oh, narito na tayo,” wika ng driver. Sumilip ako at nakita na nasa airport na nga kami. I gave 1,000 pesos bill kay Manong para sa abala na inabot ko sa kaniya. “Thank you, Manong!” bulalas ko. Sabay takbo papasok sa loob upang hanapin si VJ na naghihintay din sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD