Chapter 36

1585 Words
Hindi ko alam kung bakit siya naiinis kay Rap. Samantalang noon ay panay dikit siya rito dahil tinuturing niyang best friend si Rap. Ang hirap lang manghula ng dahilan sa ganitong sitwasyon. “Anyways!” bulalas ni MJ. Medyo nabigla pa ako sa biglang pagbabago ng mood ni MJ, siguro ayaw niyang pag-usapan ang tungkol kay Rap kaya ganoon. Napapaisip na tuloy ako sa nangyayari. Tinignan ko si MJ. Mukha naman siyang masaya na hindi kontento sa nakikita. Nililibot niya kasi ang paningin sa buong sala eh. “Kailan ka mamimili ng gamit?” tanong niya. Speaking of that. I haven’t start thinking about that. “Maybe tomorrow?” hindi ko siguradong sagot. Hindi ko talaga siya sure dahil hindi ko pa naiisip ang tungkol doon. Lately kasi ang daming gumugulo sa isipan ko kaya nawala na sa akin ang tungkol sa malilipatan na bahay. “Samahan kita?” tanong niya. Pursigido talaga siya na maging kapit-bahay ako pero ‘yong isa mukhang hindi masaya at tinanong pa ako kung bakit ako narito eh. “S-Sige, kasama natin si Alyssa bukas,” sagot ko. Tutal dalawa lang kami ni Alyssa ang mamimili mas masaya siguro kung tatlo na kami. Ika nga ng iba, “the more the merrier,” kaya tiyak magiging adventure ng ‘di sinasadya ang mangyayari bukas. “Kasama si ganda? Kung hindi mo lang siya kapatid baka nilandi ko na siya, sayang!” turan pa ni MJ. Matapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang tumawa. Siguro dahil sa naging reaksyon ko. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla nang biglang sabihin sa iyo ang ganoon? Tapos ang topic ang nakababatang kapatid mo pa? Pero alam ko naman na joke niya lang iyon, nabigla lang talaga ako. “Joke lang, ikaw naman! Besides, ang bata niya ‘no! Three years ang tanda ko, mas bet ko kapag mas matanda sa akin,” saad pa niya. “I know, nabigla lang talaga ako,” sambit ko. Bigla akong inakbayan ni MJ. “Sa madaling sabi, hindi ka sanay sa ganoon na topic,” aniya. “Oo, hindi talaga, pero mukhang masasanay na ako, kapit-bahay ba naman kita tiyak na daldalan toda max ang mangyayari sa atin,” turan ko. Napahagikgik ako. Nakakatuwa at ngayon ko lang naging close ang babaeng ito. Sobrang selos kasi niya nang malaman na nililigawan ako ni Rap noon kaya hindi siya masyadong nakikisama sa amin. “You got it right! Plano kong maging masaya ang rest of the days mo rito sa apartment complex na ito,” tugon niya. “Rest of the days talaga? Para namang mamatay na ako,” wika ko. Biglang naging seryoso ang ihip ng hangin. Nakayuko lang si MJ nang banggitin ko iyon. “Baka kasi maging malungkot ko sa mga susunod na araw, hindi mo nama masasabi ang mga susunod na pangyayari,” aniya. Hindi ko maintindihan ang kaniyang ibig sabihin. Bakit naman ako malulungkot? Dahil ba aalis na si VJ? Alam niya ba? Sinabi ko ba? Binalita ba? Habang nag-iisip ako ng mga posibilidad ay biglang hinarap ako ni MJ ng may ngiti sa kaniyang mukha. “Syempre sa stress ba! Ano ka ba! Mahirap ‘yang larangan na pinasok mo, mas mahirap pa sa pagiging empleyado ng isang malaking kompanya,” saad pa ni MJ. Iyon pala. Dahil pala sa pagiging mang-aawit ko. Hindi pa naman ako full time singer at may balak din akong maghanap ng ibang work o ‘di kaya ay magtayo ng sariling negosyo. “Akala ko naman kung ano, pero medyo malulungkot nga ako dahil aalis na sj VJ at babalik na sa States mamaya,” turan ko. “Mamaya? Dapat magpaalam ka sa kaniya, hindi ba’t tinulungan ka niyang linisin ang pangalan mo? Go! Alis ka na, makakahabol ka pa!” tugon ni MJ. Ipinagtutulakan na niya ako palabas sa sarili kong apartment na kanina ko lang nabili gamit ang naipon kong pera mula sa pag-awit. “T-Teka... sandali...” sambit ko. May plano naman talaga kaming magkita ni VJ ngayon ang kaso lang ay nagsabi na ako na baka hindi ko siya makita sa huling pagkakataon dahil nakapangako ako kay MJ na sasamahan niya akong maghanap ngayong araw. Hindi ko naman alam na ganitong araw din ang nakuhang flight ni VJ. “Go! Don’t waste your time here! This is your last chance before he leave tonight, I’m sure he will be happy because he’s in love with you, right?” turan ni MJ. Ganito rin iyon, ang nangyari last year. Si MJ din ang dahilan kung bakit ko naabutan si Rap sa airport. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko makikita ang huling ngiti at yakap ni Rap para sa akin. “Oo na but I going to make some things clear—he’s not in love with me, he just loved me once, okay?” tugon ko. Humarap ako kay MJ dahil itinigil na niya ang pagtulak sa akin. Hinawaka ko ang kaniyang kamay, ang init nito kumpara sa iba. “I am going to see VJ before his flight, I need to see him off, he has a part of me for the past year, thank you, Mikko--- este MJ, for clearing my thoughts,” tugon ko. Ayaw nga pala niya na tinatawag siyang Mikko, nakalimutan ko na. Baka mamaya masapak ako ng babaeng ito. Namula ang pisngi ni MJ. Agad din siyang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kamay niya at umiwas ng tingin. “Sige na nga, may exception sa pagtawag ng Mikko sa akin at ikaw lang iyon... maliban kay Rap at Ram,” saad niya habang nakanguso. Ibig bang sabihin ay tinuturing na niya akong isa sa malapit niyang kaibigan na hahayaan akong banggitin ang unang pangalan niya? Nakakataba ng puso. Hindi ko mapigilan ang hindi matuwa. “Hindi ko sinabi iyon dahil gustong-gusto kita, sinabi ko iyon dahil nagsasawa na ako sa dalawa na laging tumatawag ng ganoon sa akin,” paliwanag niya pa. Tumawa ako. Oo, literal na natawa ako. Ang lame ng excuse niya pero masaya ako. Pakiramdam ko talaga ay napaka-swerte ko na nagkaroon ako ng pagkakataon na maging kaibigan ang isang katulad niya. It was all thnaks to Rap, I owe him MJ’s presence. “Tatawagan ko lang si VJ para magsabi, baka mamaya pagpunta ko sa airport ay nakaalis na sila,” sambit ko. Tumango naman si MJ. Kinuha ko na ang cellphone ko sa bag at tinawagan na si VJ. Isang ring pa lang ay sinagot na agad nito ang tawag ko. “Yes, my dear?” bungad nito. Panigurado mami-miss ko talaga ang lalaking ito lalo na ang mga bungad niyang salita kapag magkausap kami. “Dear your face, VJ,” sambit ko. I wonder what his reaction is. Siguro nagpipigil siya ng tawa ngayon. I badly want to see his face for the last time. “Where are you? Still at your house? What time is your flight?” tanong ko. Oo, sunud-sunod na agad para isang sagutan na. Sayang oras ‘no kapag pinatagal pa ang usapan. “Whoa! Chill, one question at a time p’wede? Para kang reporter kung magtanong ha,” aniya. Based sa background noise ay nasa sasakyan siya at nakikinig ng music habang nasa biyahe. Papunta na ata sila sa airport. “I’m sitting in the passenger seat of my car... what is her next question?” wika niya. Tama ako. Pero hindi naman niya kailangan pang bumulong kapag iniisip ang sunod na tinanong ko sa kaniya kanina. “Ah! Tama! Dahil nasasakyan ako, wala na ako sa bahay, and my flight will be at 9 something,” sagot niya pa sa tanong ko kanina. “Good!” bulalas ko. “Why? Did something wrong?” tanong ni VJ. “Wala naman, I’m planning to see you before you go,” sagot ko. And suddenly... biglang tumahimik ang kabilang linya. Ang tanging naririnig ko lang ay ingay na nagmumula sa makina ng saskayan, at music na kanina pa tumutugtog. “Hello?” tawag ko. Wala talagang nasagot. Mukhang may pinagkaka-abalahan ang lalaking iyon. “If you’re busy, I'll see you at the airport then, ingat!” sabi ko pa. Tapos ibinaba ko na ang tawag. Nang lingunin ko si MJ ay para siyang aso na naghihintay ng hudyat mula sa akin pero ang sa kaniya ay naghihintay lang ng tsismis. “Magkikita kami, una na ako,” saad ko kay MJ. Tumango-tango lang siya. “Salamat sa araw na ito, sa pagtulong mo sa akin na makahanap ng malilipatan, bukas ulit,” sambit ko pa. “Wala iyon, anything for you, you’re one of my closest friend na,” aniya. Closest friend. Big word na ngayon ko lang narinig na sinabi sa akin. Naiiyak ako. “B-Bakit? May nasabi ba akong masama?” tanong niya pa. “Wala, na-touch lang ako nang bahagya dahil sinabi mong closest friend ako,” sagot ko. Oo, mababaw na kung mababaw but that word hit me so hard. Tapos ito pa ngayon, inakbayan niya ako at pinipisil-pisil pa ang braso ko. Mas lalo akong naiiyak dahil masakit ang pagpisil niya. “Hatid na lang kaya kita sa airport?” tanong ni MJ. “Huwag na, abala pa sa iyo iyon, I’ll take a cab na lang,” sagot ko. “Sige sige, see you tomorrow! Text ka na lang kung saan tayo mamimili ng mga gamit at kasangkapan mo para bukas,” turan niya. Tumango ako. Kailangan ko ng mahabol si VJ para personal na magpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD