Chapter 35

931 Words
Hindi ko talaga inakala na dito ako dadalhin ni MJ sa apartment complex kung saan din nakatira sina Rap. Gulat at hindi ako makapaniwala na hindi ko man lang napansin ang mga dinaanan namin kanina habang papunta rito. “Now its settled, maari ka ng lumipat anytime mong gustuhin,” wika ng real estate agent. Talagang pinaghandaan ni MJ ang araw na ito dahil may naghihintay agad sa amin na realtor. At dahil magaling magsalita ang realtor at maganda naman ang apartment na binebenta ay kinuha ko na rin. Hindi dahil napipilitan ako, talagang nagandahan lang ako sa apartment at sa bigay ng presyo. “Here’s your keys, unit 1504,” ani pa nito. Inabot niya sa akin ang susi saka ako nakipagkamay sa agent ko. “Thank you,” sambit ko. Ngumiti lang ang realtor at nang bitawan na namin ang kamay ng isa’t isa ay bigla naman hinablot ni MJ ang kamay ng realtor. Mas tuwang-tuwa pa si MJ sa nangyari. “Salamat!” turan niya sa realtor. “Your welcome,” tugon naman ng realtor. Nang matapos sila ay lumabas na kami ni MJ sa office at dumiretso sa unit na nabili ko. 1507 si MJ kaya naman tatlong unit lang ang pagitan namin. “Yay! Salamat naman at kapitbahay na kita! Alam mo bang marami akong kwento sa iyo? Ay! I cannot wait!” bulalas ni MJ. Niyapos ako ni MJ. Hindi niya talaga maikubli ang kagalakan sa nangyaring deal ko sa realtor. At isa pa, dalawa ang kwarto kaya maaring mag-stay si Alyssa sa akin kung gusto niya. “Ikaw ha, plano mo na ito ‘no? Alam mong may bakante sa inyo kaya mo ako inaya nang araw na nagtapos tayo ‘no?” turan ko. Humagikgik naman si MJ sa sinabi ko. Nako talaga itong babae na ito, napaniwala niya ako na sasamahan akong maghanap ng lilipatan hindi pala. Naisahan niya ako at dinala rito sa kanila. “So, what do you think? Ang tahimik dito ano? Ang linis pa ng kalsada,” turan ni MJ. “Yeah, mapuno pa,” tugon ko. Totoo naman. Eco friendly ang lugar na ito, at mas maganda kung lalagyan ko ng maraming halaman ang tapat ng unit ko para naman mas magandang tignan. “Pasok tayo ulit sa loob ng unit mo,” saad ni MJ. Nakakatuwa lang na makita si MJ na ganito na excited na para bang siya ang lilipat sa unit na ito. Pero bago pa man din ako makapasok salon ay may biglang tumawag sa aking pangalan. “Imee,” sambit ni Rap. Napalingon ako sa likod at nakita na nakatayo lang siya. “Why are you here?” tanong njya ka. Seryoso lang ang mukha njya habang pingmamasdan ko siya. Ilang sandaki pa ay biglang lumabas si MJ mula sa unit. “Lauren, Ano— Rap? Bakit?!” bulalas ni MJ Napapikit ng bahagya si Rap nang marinig niya ang matining na boses ni MJ. Samantalang si MJ naman kumapit sa braso ko at hindi na nakapalag pa. “Iyan nga rin ang tanong mo may Imee, kung bakit siya nandito,” wika ni Rap. “Dito na siya nakatira,” proud na saad ni MJ. Matapos niyang sabihin na dito na ako nakatira ay hinatak niya ako papasok sa unit ko pero hindi ko maiwasan na hindi tignan si Rap mula sa malayo. Nananatili pa rin na nakatayo si Rap sa labas. “Ah, huwag mo palang guguluhin si Lauren,” turan pa ni MJ. Bakit naman kaya nasabi ni MJ iyon may Rap? Isa pa, wala naman dahilan si Rap para manggulo sa akin. “Yeah, I will not,” tugon naman ni Rap. See? Wala nga. Grabe naman si MJ kung makaprotekta sa akin. “Ano... lets be a good neighbor,” saad ko kay Rap. Yes, I still looking at him kahit na someone’s dragging me inside the unit. “Yeah, hope so,” sambit ni Rap. I smile and after that nasa loob na ako ng bahay with a big sound of slammed. MJ slammed the door. “Para saan naman iyon?” tanong ko. I don’t get it. Kabibili ko lang sa unit na ito at baka masira agad ang pinto. Nako! Wala na akong budget para magpagawa ng pinto kapag nasira iyon. “Wala naman, nakakagigil lang kasi,” sagot niya sa akin. Agad kong tinignan ang pinto. Kailangan siguraduhin kong hindi pa ito nasisira. Umiiyak na wallet ko. “Gigil saan?” tanong ko. Mabuti naman at wala pero ang sabi niya ba ay gigil? Kaya ba niya nilakasan ang pagsara ng pinto ko? “Anong saan? Kanino kamo,” sagot niya. “Okay, kanino naman?” tanong kong muli. Don’t tell me kay Rap siya naiinis? They were good friends ever since at alam na alam ko iyon dahil sanggang dikit ang dalwang ito mula pa noon. “Malamang kay Rap, ang lakas ng loob niyang puntahan ka pa rito samantalang nabunggo ka na nga niya kanina, dapat umiiwas na siya kapag ganoon,” sagot ni MJ sa akin. Wow. Ang haba ng sagot niya. Pansin ko medyo may galit na si MJ habang kinakausap si Rap. Hindi na niya ito kinakausap ng malumanay at mag lambing, ‘di gaya noon na talagang napagseselos niya ako kapag magkausap sila. “Bakit?” tanong ko. I was curios. I want to know why. “I just hate him now,” seryosong sagot ni MJ. Hate? Parang nakaraan lang masaya siyang makita ito na bumalik na pero ngayon... bakit nga ba nagkaganito ang relasyon nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD