Chapter 34

1205 Words
“Grabe! Nagulat ako sa balita, girl!” bulalas ni MJ. Araw ng Linggo at ngayon ang napag-usapang oras ni MJ para samahan akong maghanap ng malilipatang bahay. Pero mukhang tsismis ang ending ng paghahanap namin eh. “Balita?” tanong ko. May bago na naman bang balita? I refrain myself sa news, dahil sa nangyari kamakailan lang. “About sa inyo ni VJ, and to that secret college guy,” sagot ni MJ. Iyon lang pala. Akala ko naman kung anong balita ang sinasabi niya. Wala naman kasi akong pinagsabihin sa nangyaring interview na iyon maliban kay Alyssa. “Mabuti nga at nawala na ang isyu na iyon,” saad ko. “Oo, mabuting mabuti iyon dahil nagbago na ulit ang tingin nila sa iyo, pero maiba ako... sino ba ang secret guy na sinasabi sa balita?” turan niya. Si Mr. Meowy, hindi niya inilabas ang pictures namin ni Ram. Hindi niya rin ito binenta sa ibang kapwa niya mamamahayag. Kaya naman ang lumalabas ay may secret college guy sa balita dahil walang pruweba. “Ah, si Ram iyon, someone took that photo in the school cafeteria,” tugon ko. Biglang napahinto sa paglalakad si MJ kaya naman huminto rin ako saka ko siya tinignan. Nabigla ata nang marinig ang pangalan ni Ram na idinadawit sa akin o baka may ibang iniisip na kalokahan at kasali si Ram. “What? When? Why?” tanong niya. Seryoso? Walang emosyon ang pagkakasabi niya. Pati nga reaksyon sa mukha ay wala rin. Plain lang, sobrang plain! “Anong what, when, why, ang pinagsasabi mo? Si Ram kako ang secret guy na ayaw kong pangalanan, tapos nangyari ang picture na iyon nang araw na bumalik si Rap which is nasa cafeteria tayo at biglang hinawakan ni Ram ng kamay ko nang pinipilit kong umalis,” sagot ko. Hiningal ako roon. Walang hinto-hinto ang pagsagot ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, magkakasunod din naman kasi ang tanong niya kaya naman nararapat lang na magkakasunod din ang sagot doon pero sana inisa-isa ko na lang, nakakapagod magsalita ng walang humpay. “ANO?!!!” sigaw ni MJ. Hindi ko alam kung saang part ng sinabi ko ang nakakagulat na nagsanhi ng pagsigaw niya at hindi ko rin alam kung bakit niya ako inaalog. “Bakit kayo magka-holdings sa picture?!” tanong nj MJ... “Hindi ba’t sinabi ko na nga ang tungkol doon? Bigla na lang akong pinigilan ni Ram sa pagtayo,” sagot ko “Hindi iyon, ang ibig kong sabihin kung bakit ka niya hinawakan sa kamay,” turan ni MJ. “Ewan ko rin, hindi ba’t kasama ka namin noong araw na iyon?” tugon. “Oo pero hindi ko nakita ang ginawang paghawak ni Ramiro, malilintikan talaga sa akin ang lalaking iyon!” sambit ni MJ habang nanggigil. Natawa ako. Sina Cheska at Rap lang pala ang nakakita sa paghawak ni Ram sa kamay ko nang araw din na iyon. “Oo nga pala, hindi ba’t magkakapit-bahay pa rin kayo?” tanong ko. The last time I went to their place is when we were in high school. Literal pa nga na magkapit bahay ang tatlo dahil magkakadikit ang kanilang bahay. Apartment ang bahay nila na magkakadikit pero solo nila ang isang buong bahay. “Yes, walang nagbago,” sagot niya. “Even Cheska?” I asked out of curiosity. Tinitigan lang ako ni Cheska at hindi muna nagsalita. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon at parang naguguluhan siya. “Cheska? Bakit naman nasama sa usapan natin ang babaeng iyon?” inis na tanong ni MJ. “W-Wala naman, ito naman galit agad,” sagot ko. Napasinghap lang si MJ at saka naglakad muli. “May alitan ba kayong dalawa?” tanong ko. “Wala naman, nagtatampo lang ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang pag-iwan sa aming tatlo,” sagot ni MJ. Siguro iyon ang time na umalis si Cheska kasama ang pamilya para manirahan sa ibang bansa. “Pero hindi ko naman kasi mapipigilan iyon, family niya ang nagdecide kaya wala kaming magagawa about doon, ang sa akin lang bigla siyang umalis nang hindi nagpapaalam,” saad pa niya. Iyon pala ang kwento nilang apat. Kaya pala parang may kirot sa kanila nang muli silang magkita-kita. “Hayaan na nga natin ang babaeng iyon, iniiba mo ang usapan e,” turan pa ni MJ. Agad naman akong tumanggi sa paratang niya. Hindi naman sa ayaw kong pag-usapan ang naging balita sa akin, talagang curios lang ako sa nangyari sa kanila. “Hindi ‘no! Curios lang ako,” tugon ko. Tumawa na lang bigla si MJ. “I have a crush,” aniya. Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya bigla iyon. Girls talk ba ito? Usapan tungkol sa love life? Hindi ako sanay dahil wala na akong naging kaibigan mula nang maging mang-aawit ako. “T-Talaga?” tanong ko. “Oo, and I’m about to tell her that I liked her sooner,” sagot niya. Her? Babae pa rin pala ang nasa puso niya. “Hindi ko pa alam ang name niya but I always saw her in the mall, she works there,” saad pa ni MJ. Mall? What mall? “Mall?” tanong ko. “Oo, sa SM Manila,” sagot niya. Ang layo ng nararating ng babaeng ito, sa isip-isip ko. “Do you want to come with me tomorrow? Ituturo ko lang sa iyo,” aniya. Tomorrow? May schedule ba ako bukas? Matignan nga. Lately kasi, hindi na ako masyadong nakakatingin sa schedule na ginagawa ni Mama. “Teka, titignan ko lang kung may lakad ako bukas,” saad ko. “Ano? Mayroon ba?” tanong ni MJ. “Wala, tanging pag-liligpit lang ng gamit,” sagot ko.. Actually, mayroon talaga. Balak namin na magkita ni VJ bago siya bumalik sa States. Pero tatawagan ko na lang siya para baguhin ang oras ng pagkikita namin para masamahan si MJ dahil curios ako. “Talaga? Mabuti naman! Nasasabik akong ipakita siya sa iyo!” bulalas ni Mj. Napangiti na lang ako. Ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganito, ang huli kasi ay high school pa ako. “Ito na ata ang apartment,” wika ni MJ. Tinignan ko ang apartment. Mukha itong familiar sa paningin ko. “MJ, this apartment looks familiar,” saad ko. “Talaga?” tanong niya. Tumango ako habang pinagmamasdan ang apartment na magkakadikit. I know that I’ve been here before but I can’t remember when. “Oo, familiar talaga,” sagot ko. Nang sabihin ko iyon ay may bumunggo sa akin mula sa likuran at natumba ako sa kalsada. “Lauren!” bulalas ni MJ. Napahipo ako sa pwet ko. Ang sakit ng pagkakabagsak ko sa kalsada eh. Nakiupo naman si MJ para alalayan akong tumayo kaso hindi ako makatayo dahil parang ang bigat ng pwet ko. “A-Aray,” sambit ko. “Are you okay?” tanong ng nakabunggo sa akin. His voice sounds familiar. “Y-Yeah,” sagot ko. Isang kamay ang nakita ko sa harapan ko. Pagtingin ko ay si Rap ang nakita ko! Bakit siya narito?! “I’ll help you,” aniya. At tinulungan nga niya ako dahil siya ang nakabunggo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD