Chapter 33

2214 Words
Nang makarating na kami sa kanila ay agad kaming sinalubong ng kaniyang limang kasambahay kabilang na ang kaniyang driver na laging naghahatid sundo sa akin noon, ang kanilang hardinero at ang butler. Yes, may butler siya. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Binati nila kami with their formation at nasa pinaka-sentro ay si Yaya Constancia. Pinangunahan nito ang daan patungo sa rooftop na para bang nasa isang high class restaurant kami. Pagpasok ko pa lang ay nagliwanag ang paligid ko. Talaga ngang napakaganda ng rooftop ni VJ at gaya nga ng sabi niya ay puno ito ng ilaw at may mini bar pa nga. “Wow! Ang ganda at ang sarap ng ihip ng hangin,” wika ko. Hindi ko mapigilan na ikutin ng aking paningin ang paligid. Ganitong-ganito ang set up na naiisip ko kanina. Tress with lights, lights that hangs in the air, and especially, lots of flowers sa paligid. Pasok na pasok sa gusto ko! “Nagustuhan mo ba?” tanong ni VJ. Agad akong tumango. Sobrang gusto ko itong lugar at mas bumagay pa dahil sobrang daming stars na naglitawan ngayon. Napakaganda nitong rooftop. “Sobra! Napakagaling ng nag-ayos dito!* bulalas ko. Tama nga ako sa naisipan ko kanina. It will be such a wonderful place in the darkness. “Well, mabjti naman at nagustuhan mi, akala ko hindi,* aniya. Nauna nang maglakad si VJ at hinandaan ako ng mauupuan. Umupo ako don saka inusog ni VJ ang upuan, what a gentleman. “Ang perfect ng weather, bagay na bagay sa ganitong klaseng outdoor date,” saad ko. Parang gusto ko tuloy humiga habang nakatingin sa mga stars. Bakit ngayon pa kasi nagsilitawaan ang mga stars na iyan? Dati naman hindi makita ng mga mata ko ang mga bumubusi-busilak at kumikislap na bituin eh. “Yeah, ang galing ng idea mo,” wika ni VJ. “Ideya ko?” tanong ko. Napahagikgik si VJ saka napakamot sa kaniyang batok. Mukha siyang nahihiya mula sa kinauupuan ko. “Well, actually, bakante lang ‘tong rooftop, but we have lots of stocks lights in the stock room so I called Yaya to decorate this place,” sagot ni VJ. “B-But,” sambit ko. “Naisipan ko kasi na mas maganda kung mas memorable ‘tong huling date natin, kaya naman kahit gahol sa oras ay talagang pinilit kong ihanda nang marinig ko iyon mula sa iyo,” saad pa niya. Ganoon pala ang nangyari, siguro tumawag siya habang nasa banyo ng gasoline station. Pero nakakamangha, ang bilis ng pagkaka-ayos ng kaniyang mga kasambahay at kahit sa maiksing oras ay naayos nila at napaganda ang lugar. “And ang halaman na may ilaw ay kabibili lang,” sambit pa ni VJ. Tumawa ako. I didn’t know na aabot sa ganito si VJ. Ang cute niya lang. “But that mini bar is real, nandiyan na talaga iyan in case na gusto kong mapag-isa at uminom kapag stressed ako,” wika niya pa. “Oo na, thank you sa effort at thoughtfulness, I appreciates it,” turan ko. Dapat ako ang nagpapasalamat at naghahanda ng ganito para sa kaniya dahil sa lahat ng ginawa niya para sa akin pero kabaliktaran ang nangyayari eh. Siya pa rin ang gumawa kahit sa pinaka-huling date namin. Oo, tinatawag ko ng date ito dahil iyon naman ang alam ni Mama. “Your welcome, anything for you,” tugon niya. At sa hindi naman inaasahan na pangyayari... hindi ko talagang sinasadyang mag-ingay ng ganoon ng tiyan ko. Yes, kumalam na siya. Nagugutom na ang mga alaga ko sa loob ng tiyan at nagwawala na sila. Nakakahiya! Sa hiya ko ay napayuko na lang ako pero imbes na tawanan ako ni VJ ay nilapitan niya ako at sinigurado na makakain ako. “Teka, I will call Yaya na to get our food,” aniya. So, kahit na nahihiya ay tumango ako at humingi ng paumanhin dahil sa ingay na ginawa ng sikmura ko. Pero habang naghihintay kami sa pagkain ay inilabas ko ang aking cellphone at kumuha ng iilang pictures sa gabing ito. Every angle ata ng place ay may at pakiramdam ko ay may kulang pa sa pagkuha ko kaya naman nang mapatingin ako kay VJ ay biglang sumagi sa isipan ko na ni minsan ay wlaa kaming magkasamang litrato. “Hey,” sambit ko. Nakaready na ang camera at hinihintay ko na lang na lumingon si VJ. Nang makalingon na siya ay saka ko pinindot ito at may kuha na kami ng litrato. “Ano ba iyan! Baka naman hindi maganda ang pagkakakuha mo, ulitin natin at ngayon ready na ako,” turan niya. Tinawanan ko lang siya habang pinagmamasdan ang litrato naming dalawa. “No, its perfect,” tugon ko. He’s smiling in it. Ganoon ba siya lagi? Laging nakangiti kapag tumutugon sa pagtawag ko sa kaniya? Hindi ko napapansin iyon noon. Sana pala mas pinagtuunan ko ng pansin ang maliliit na detalye sa kaniyang pagkatao. “One more, please?” aniya. Nagmamakaawa siya. Ang cute niya. “Fine! One more, but phone ko ulit ang gamit,” saad ko. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ko. Ginamit muli namin ang phone ko at sabay kumuha ng litrato naming dalawa. Sa pagkakataon na ito ay lumapit si VJ sa akin at inakbayan ako. Medyo nagulat ako nang gawin niya iyon dahil sa totoo lang ay hindi namin ginagawa ang ganitong klaseng bagay sa date namin. Usually, he will just takes some random angle na kinatatayuan ko at kukuhanan niya ako ng litrato ng hindi ko alam. “Send mo sa akin ‘yan, okay? That is our first photo together,” aniya. He’s right. Our first photo taken on this night of our last date. Dati, magkakaroon lang kami ng pictures na magkasama kapag nasa event lang kami or gig. Hindi ko alam kung gusto niyang magpapicture kami noon kaya naman hindi ko sinubukan magtanong sa kaniya. Sana pala naglakas loob ako na magtanong para mas marami kaming matitignan na alaala. “Ang tagal naman ni Yaya, I’m pretty hungry na,” wika niya pa. Wala naman akong gagawin kaya ipapadala ko na sa kaniya ‘tong tatlong pictures na kuha ko. Kahit na tatatlo lang ito, ang mahalaga ay nagkaroon kami ng alaala na tatanawin namin tuwing malulungkot. “Check your email, I sent it na,” turan ko. Nagulat siya pero agad din naman na tinignan ang kaniyang phone. “Already? Wow! So fast,” tugon niya. Habang tinititigan niya ang mga kuha ko ay nakangiti siya. Hindi ko alam na may sarili nang buhay ang aking kamay at bigla kong itinutok ang aking camera phone sa nakangiting si VJ. I took one picture of him while smiling nang hindi niya alam. “Oh, ang ganda naman ninyo diyan,” wika ni Yaya. Nagulat si VJ nang magsalita si Yaya sa bandang likuran niya na kamuntikan niya pang maitapon ang kaniyang cellphone. “Yaya! Don’t do that, nakakagulat,” saad ni VJ. Well, halata naman na nagulat siya sa biglaang pagsasalita ni Yaya. Kung may sakit ka sa puso nako! Baka inatake na si VJ sa gulat eh. Dinaig pa ako kapag nagulat siya. “Nako! May itinatago ka na ba sa akin kaya ka nagugulat ng ganiyan?” tanong ni Yaya. Habang inilalapag ng mga kasambahay ang mga pagkain sa lamesa ay kinakausap ni Yaya si VJ at ako naman ay tamang nood at kinig lang sa dalawa. “Wala po, basta nakakagulat lang kapag biglang may magsalita sa likod tapos alam mo na walang ibang tao sa paligid,” sagot ni VJ. May punto naman si VJ doon, kahit ako magugulat pero hindi ganoong klaseng gulat gaya sa kaniya. Grabe iyong sa kaniya e. “Nako! Kumain ka na nga lang diyan at baka gutom lang iyan,” wika ni Yaya. “Yaya, can we take two pictures?” tanong ko. “Pictures? Sure,” sagot niya. Syempre kasama pa rin si VJ sa litrato dahil ayaw niyang wala siya. Matapso ang isang kuha ay inalok ko naman ang iba na sumama at nakisali nga sila, mabuti naman at hindi sila sapilitan na napapasama. I guess, this is my way na i-treasure ang mga tao na nakasalamuha ko nang oras na nararamdaman kong inaalagaan ako ni VJ. “1, 2, 3, cheese!” bulalas ko. Our last date and our last day together. Making some memories that we can keep through the years. Kinuha ko ang wine glass at saka ako tumayo. “Guys, salamat, salamat dahil napakabuti ninyo kay VJ, sana hanggang sa huli ay hindi ninyo siya pababayaan, minahal ko ang lalaking iyan kahit na napaka-loko niya, salamat dahil nandiyan kayo para sa kaniya,” saad ko. Oo, hindi para sa akin ang sinabi ko. Para iyon kay VJ, farewell wish? I don’t know. Basta, I feel like I want to thanked them, too, for taking care of VJ. Sila ang nakasama niya for the whole 5 years dito sa Pinas nang tumungtong siyang muli rito. “Guys,” saad ni VJ.. Tumayo din siya at hawak din ang kaniyang wine glass. “Salamat, basta nagpapasalamat ako dahil kayo ang tumayonh magulang ko, ako na ata ang pinaka-swerteng tao sa mundo dahil ako lang ang may siyam na magulang sa mundo,” aniya. Natatawa ba siya? Sabagay, wala naman bago sa kaniya na laging tumatawa. “Okay, eight lang pala dahil si Ron ay dalawang taon lang ang tanda sa akin,” pagbibiro niya. Ron? That was his house boy, ang utusan nila sa bahay. “Grabe ka naman, Sir,” nahihiyang sambit ni Ron na nasa gilid ng pinto ng rooftop. “Basta thank you, and don’t forget your passport, alam naman ninyong isasama ko kayo pabalik sa amin,” saad pa ni VJ. Lahat sila? Akala ko si Yaya lang ang isasama niya, hindi pala. Napapahanga talaga ako ng lalaking ito. “Opo! Thank you po, Sir!” sabay sabay iyon na sinabi ng lahat ng kasambahay niya. 4e Lubos lubos talaga ang biyayang natatanggap nila at sa kabilang banda ay labis naman ang swerte ni VJ sa kanila dahil masisipag at mababait ang mga tauhan niya. Naisipan kong kuhaan muli sila ng litrato. “Guys, sama-sama kayo, I will take one photo of you together,” turan ko. At walang tanung-tanong ay luminya na sila sa paligid ni VJ at handa nang magpakuha ng litrato. In fairness sa kanila, always ready sila like VJ. Nakakahawa ata talaga ang confidence ni VJ. “How about you? You won’t join us?” tanong ni VJ. “Nope, I just a picture on all of you, kasi I know this is the last chance I have,” sagot ko. At iyon na nga. Kinuhaan ko sila ng tatlong pictures at sinend na lahat kay VJ para naman ibigay sa kaniyang mga tauhan ang kopya. “Sige po, baba na po kami, baka sobrang istorbo na kami sa inyo,” wika ni Yaya. “Sige Yaya, I will call you later if we need anything,” turan ni VJ. “Okay,” tugon ni Yaya. Pinangunahan na ni Yaya ang pagbaba nila. Nagiging tahimik nang muli dito sa rooftop at tanging si VJ at ako na lang ang narito. “Remember what I said in the conference?” tanong niya. Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko na tanda kung alin doon ang kaniyang timutukoy. “Alin doon?” tanong ko. “Kung may chance pa ba tayo,” sagot niya. Ah, iyon pala. Don’t tell me, totoo ang ibig niyang sabihin? “Oh, anong mayroon doon?” tanong ko. “Totoo iyon, maghihintay lang ako na dumating ang sign na hinihingi ko at kapag dumating na iyon ay babalik ako at manliligaw muli sa iyo,” sagot niya. Nalakagulat pero sumang-ayon ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sign ang sinasabi niya pero sinang-ayunan ko siya. “Kapag nakuha ko na ang hinintay kong sign, kahit na may boyfriend ka pa ay gagawin ko ang lahat mapasa-akin ka lang ulit,” saad niya pa. Well, he’s kind a possessive habang sinasabi iyon. Nakakapanibago. “Well, magkakaalaman tayo, baka mauna ka pang magkaroon ng girlfriemd kaya sa akin eh,” turan ko. “Baka, next week, flight na namin,” tugon niya. Next week na agad? Babalik na siya sa kanila for real kasama ang mga tauhan niya. “Ingat kayo, hope we can still have communication,” I said. “Of course, lets eat?” he replied. And then continued our dinner date. Our last day being together. I am happy na nakilala ko siya. aminado ako nang una ay ayaw ko sa kaniya dahil sa kaniyang pagkahambog at pangalan sa industriya kung saan siya naging mas tanyag pero ngayon nagbago na lahat. iba na ang tingin ko sa lalaking mayabang na ito, tunay ngang kapag tumatagal ay mas lalo mong makikilala ang isang tao. "VJ, salamat at nakilala kita," sabi ko pa. "Mas masaya akong nakilala ka, Lauren," aniya. Tumawa at nagkwentuhan na kami sa buong gabi na iyon hanggang sa matapos. inihatid na niya ako sa bahay at pormal siyang nagpaalam sa magulang ko. humingi din siya ng paumanhin sa naging hiwalayan namin. at mabuti naman at ayos na kina mama ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD