As we continued the conference, medyo nasasanay na ako sa kung papaano dalhin ng mga reporter ang kanilang mga tanong na para sa amin. Nandiyan pa rin ang kaba pero nalilimitahan ko na ng kaunti. Iniisip ko na lang na I am defending my thesis and all the reporters were the panellists.
“Can you name the ex girlfriend who is the real love of VJ?” tanong ng reporter.
“I’m sorry but I cannot named her, I cannot ruin her life,” sagot ko.
Tama. Masisira lang ang pribadong buhay ni Cheska. Ayaw ko na bumalik sila sa States ni Rap dahil lang sa isyu. I am happily contented with our relationship now. And even with VJ, a protective sode of him makes me wonder of how their love goes on during high school.
“Thank you,” bulong ni VJ.
Nakakatuwa lang silang pagmasdan. Ang iba ay tinatype sa laptop ang aking sinasabi at ang iba naman ay gumagamit ng voice recording. May isang nagtaas ng kamay habang ang iba ay aligaga sa kanilang ginagawa kaya naman pinahintulutan siya ni VJ na magsalita.
“Maari ba akong magtanong ng bagay tungkol sa buhay mo Miss Lauren?” tanong niya.
Sa akin? Halos lahat naman ng topic ay ibinabato sa akin ngayon pero kailangan kong tumugon sa panawagan nila. I want to deny all the speculations.
“Opo, sige po,” sagot ko.
And then I saw a glimpse of his smirk. A devilish grin rather.
“Do you know this guy?” tanong nito.
May ipinakita siyang litrato. Nagkagulo na at gusto rin makita ng ibang reporter ang picture na ipinakita niya. Masyado siyang malayo kaya naman pinakuha ko iyon sa isa sa sekyu na nakabantay at dinala sa akin. Nang makita ko ang picture ay nagulat ako sa nakita ko. It was Ram who is holding my hands in the cafeteria. Ang unang araw na nagbalik si Rap dito sa Pilipinas.
“Iyan ang lalaking sinasabing lalaki mo sa college, napakagwapong lalaki kaya siguro pinatulan mo, tama ba? Kung tutuusin, walang panama sa itsura pa lang si VJ sa kaniya,” turan ng reporter.
P-Paano siya nakakuha ng litrato namin ni Ram? At bakit isinasali nila ang nanahimik na si Ram sa usapin na ito? Umabot na ba sa sukdulan ang mga kamag-aral ko noon na pati kaibigan ko ay isasama nila sa isyu?
“Below the belt na ‘yang tanong mo, as what I said earlier, hindi nagloko si Lauren sa relasyon namin,” tugon ni VJ.
Naiirita na si VJ pero wala akong masabi at hindi ko man lang maipagtanggol ang aking kaibigan na pinaparatangan nila ng malisya.
“Ganoon ba? Baka ito ang sagot?” wika pa ng reporter.
May inilabas na naman siyang litrato at ipinakita na naman iyon sa akin. Ngayon iba naman it was Rap. Sa pagkabigla ko ay nanginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang larawan namin.
“Lauren, is that true?” bulong sa akin ni VJ.
Tumulo ang luha ko at pilit na umiiling. Why? Bakit kailangan nilang ikaladkad pati ang pangalan ni Rap? Ganito pala ang pakiramdam ng ibang mga sikat kapag nasa hot seat sila at nasa laylayan na ng pagbagsak dahil lang sa mga mata ng reporter na kapag hindi ka nag-ingat ay talagang gagawa ng paraan kapag wala silang maipukol sa iyo at gusto ka lang talaga na ipasok sa isang isyu.
“No, it was taken last year nang araw na umalis si Rap,” turan ko.
Ngumiti lang si VJ at tumingin ng marahas sa mga reporter.
“I see, talagang gagawa sila ng maruming isyu para ibaba ang moral mo,” tugon ni VJ.
Hinawakan niya ang aking kamay para palakasin at alisin ang kaba na mas lumawak pa ngayon kaysa kanina.
“Composed yourself, ikaw ang sumagot ng tanong para ilampaso sa mukha niyang lalaki na iyan,” aniya.
I gather my strength. If I answered it while VJ’s asked it, so I can with that reporters. Pero bago pa ako makasagot ay nagkasabay-sabay nang magtanong ang mga reporter dahil maging sila ay talagang nabigla sa litrato na iyon. Tapos isang reporter ang nagtaas ng kamay and without permission ay nagtanong siya agad tungkol sa huling litrato.
“If your lover was not the one who is in the fist picture then it must be Rap—your ex boyfriend? Iniputan mo nga ba talaga sa ulo si VJ?” tanong nito.
Hindi ko sinasadyang lukutin ang larawan namin ni Rap nang marinig ang tanong na iyon. It was the time he kissed me, our first and last kissed which means the goodbye of our feelings.
“Kung ganoon, panikip butas lang talaga si VJ? Sinagot mo siya three months after ninyong maghiwalay ni Rap hindi ba?” tanong pa ng isa sa kanila.
Panikip butas nga lang ba talaga si VJ nang mga sandaling iyon? Hindi ko masabi sa sarili ko. Totoo na pinilit lang ni Mama ang relasyon namin at wala talaga akong balak na ituloy iyon nang una pero napamahal na sa akin si VJ kahit na nangungulila ako kay Rap noon.
“Kung hindi naman, ibig bang sabihin tatlo ang lalaki mo? Habang open ang relasyon ninyo ni VJ ay patago ka naman na kumakarengkeng sa school with your past one and that handsome man,” turan naman isa pa.
Hindi ko na talaga kinakaya. I don’t want those innocent to be dragged into this. Wala naman talaga silang partisipasyon sa nangyaring relasyon at hiwalayan namin ni VJ. So, why?
“Okay, that is enough! I already told you that Lauren isn’t the type of a girl that you want to know, she is pure and decent inside and out!” VJ said.
He was mad. This is the first time I am seeing him like that. He was defending me while the others look down on me.
“Sorry, but I need an answer from Miss Lauren,” turan ng reporter na naglabas ng pictures.
That reporter seems familiar. Ang ngiti na iyon, parang nakita ko na dati at hindi ko lang talaga matandaan kung saan.
“How can I—”
Diniinan ko ang pagkakahawak sa kamay niya kaya siya natigil. He was furious, and I don’t want to be labelled like a mad crazy man who shouted at the reporters.
“Sasagutin ko po ang tanong ninyo, lets start with the first picture,” wika ko.
Natahimik ang paligid.
“Itong larawan na ito ay kuha po matapos namin na mag-tanghalian together with Rap and others, and this man is one of our friends—no, this man is Rap’s best friend and also my closest friend,” turan ko.
Ipinakita ko ang picture sa kanila. Talagang inikot ko ito mula sa kanan papunta sa kaliwa para talaga lahat ay makita ito.
“Itong picture... he was holding my hands back then dahil kababalik lang ni Rap mula sa States at hindi ko masyadong kinakaya ang set up namin and Ram was the one who helped me as a friend,” dagdag ko pa.
“Bakit kailangan pang magkahawak ang kamay?” tanong pa ng naturang reporter.
“Bakit nga ba? Hindi ba normal na hilain ka kaibigan mo kapag nasa sitwasyon ka na alanganin?” turan ko.
Saglit na natikom ang reporter at agad din nagbalik ng tanong sa akin.
“Sa panahon ngayon wala akong nababalitaan na hahawakan ng kaibigan mong lalaki ang iyon kamay lalo na sa harap ng ex boyfriend mo,” aniya.
“Tama ka, at ang araw na iyan ang mismong araw na nakausap ko ulit siya dahil umiwas ako sa halos kaibigan namin which is kaibigan din ni Rap,” saad ko.
“Hindi kaya noon pa man ay may relasyon na kayo ng lalaki na iyan knowing that you’re together with Rap?” tanong muli ng reporter.
Tinawan ko ang reporter. Oo, talagang natawa ako sa kaniya. Masyadong malawak ang kaniyang imaginations at kung anu-ano na ang naiisip.
“Y-You are laughing at me?” tanong nito.
“S-Sorry, I can’t help myself, seeing you now desperately trying to make me like some random b***h makes me feel laughing,” sagot ko.
“Okay! I will clear this misunderstandings, first this man who is Rap’s best friend and also my friend has nothing to do with my current relationship with VJ,” I said.
Ipiankita ko rin ang picture namin ni Rap kung saan niya ako hinalikan sa lahat. Nothing to fear and hide. This must be me, in times like this para wala ng magbababa sa pagkatao ko.
“Second, the last picture was taken a year ago, if you can see the difference you’ll be laughing also,” saad ko.
And everyone was astonished. Yeah, they see the difference in the picture and in personal.
“Tama, maiksi pa ang buhok ni Miss Lauren dito, and that was me in the background together with my family, nag-overseas vacation kami last year,” wika ng babaeng reporter.
Mas lalo akong natawa. Bakit naman kasi kailangan pang gumamit ng lumang litrato? Tapos hindi pa tinignan ng maigi kung may makakakilala sa mga tao sa background? Actually, hindi ko rin napansin ang babae sa background namin.
“Tama! Sa gitna ng maraming nagdaraan na tao ay may nakasalubong kami na dalawang tao, ang babae ay umiiyak at ang lalaki ay kalmado lang at pinapatahan siya nang bigla niya itong halikan, ibig sabihin ikaw iyon Miss Lauren?!” bulalas ng babaeng reporter.
Napahigikgik ako.
“Yes, it was me, that kissed is our very first kiss and also his farewell kiss,” saad ko.
“I-Ibig sabihin you never been in a s****l relationship with Rap regardless of your long term relationship with him?” tanong ng babaeng reporter.
“Yes, we don’t have that kind of relationship, we just want to enjoy our youth and wait until he can finally marry me but alam na ninyo ang nangyari, naghiwalay kami,” sagot ko.
“Wow! Nakaka-inggit naman ang relasyon na walang halong pagnanasa, kaso nakakalungkot lang na naghiwalay din kayo,” sambit ng babaeng reporter na hindi sinasadyang makuhanan din ng picture sa background namin.
Ngumiti lang ako. Past is past at kahit anong kwento ko pa sa naging relasyon namin ni Rap noon ay wala ng magbabago dahil nag-asawa na siya. Ayaw kong masangkot pa ang pangalan niya sa kahit anong intriga na tungkol sa akin.
“Okay, okay, enough muna ang pagtatanong, I want to clarify other things, both this man and Rap has nothing to do with the break up of VJ and myself, it was—”
At nabigla ako nang tumayo na rin si VJ, at sinisisi ang kaniyang sarili sa nangyari. Hindi ko man lang nakita ang reaksyon niya kanina habang sinasagot ko ang tanong ng lalaking reporter na iyon. Nasobrahan ako aa tuwa habang sinasagot ang mga nakakabaliw na tanong.
“It was me, okay? It was my fault knowing that I’m still with Lauren, hindi ko naisip ang magiging kahihinatnan ng mangyayari sa ginawa ko,” saad ni VJ.
“Okay, I have one simple question for you Mr. Reporter who gave these pictures, why dragging my ex name when he was just here three months ago and no communication with me?” I asked.
“W-Well, he was an amateur photographer and you two captivates my curiosity, lagi ko kayong nakikita noon na magkasama pero wala man lang akong nakikita na physical contact maliban sa ilang beses na paghahawak ng kamay, naintriga ako syempre bilang reporter pero wala akong makita na maaring maging isyu hanggang sa nalaman ko na kayo ni VJ at hiwalay na kay Rap, I decided to gather all information kahit na maliliit na detalye at pinag-isa iyon,” sagot ng lalaking reporter.
Tama siya dahil naiilang kami ni Rap na magpakita ng kahit anuman na affection sa publiko. Nahihiya kasi kami na makita ng iba at maisipan ng kung anu-ano. Pero bago pa ako maka-counter attack sa reporter ay nagsimula nang mag-usap-usap ang iba pang naroon pero dapat akong magsalita.
“Ganoon ba? Salamat at nagkaroon ka ng interest sa naging relasyon namin noon, pero sana huwag na ninyong idamay pa ang tao, matagal ng tapos ang sa amin,” saad ko.
Sana talaga ay hindi na nila idamay pang muli ang mga taong malapit sa amin. I don’t want them to suffer, thinking about those crazy reporters.
“Yeah, Rap was good at photography, our chief wants him to be our official photographer back then kaso bigla ngang nangibang-bansa kaya hindi natuloy,” wika ng nasa harapan ko.
“Kahit ang editor din namin ay ganoon, ngayon napaisip ako kung anong dahilan ng pag-alis niya,” sambit naman ng isa pa.
“Miss Lauren! May question ako,” turan ng nasa harap.
Parang ayaw ko siyang magtanong. Pakiramdam ko mas lalo kong idadawit ang pangalan ni Rap.
“Ano ba ang naging dahilan ng hiwalayan ninyo ni Rap noon?” tanong nito.
It was VJ. He allowed that reporter to ask that question. Wala namang kakaiba sa hiwalayan namin ni Rap nang oras na iyon. Kailangan ko lang naman sagutin ang tanong na iyon sa kung anong alam ko na idinahilan sa akin ni Rap noon.
“His family migrates, kaya nga nagulat na lang ako nang bumalik siya rito three months ago and I don’t want to ask him the reasons why, sorry,” sagot ko.
“Kaya pala, thank you,” sambit ng reporter.
Sana ganito lang kadaling kausap ang reporter.
“Ibig sabihin ay wala talagang katotohanan ang ‘di umano’y third party sa relasyon ninyo?” tanong ng nasa harapan.
Ang hirap. Hindi ko talaga matandaan ang pangalan nila.
“Opo, wala po,” sagot ko.
“And this is Mr. VJ’s fault, right?” tanong pa ng isa.
Should I supposed to answer it?
“Yes, my fault, hindi ako naging totoo sa damdamin ko, I thought I was over with my past but I went crazy when I saw her again, my feelings were crumpled,” sagot ni VJ.
Siya pala ang sasagot. Mukha naman naging maganda ang naging bunga ng lakas ng loob ko dahil iyon kay VJ, pinapalakas niya lagi ang loob ko kanina. I should thank him later because of him, I get myself and others out of the reporters’ eyes.
“Last question!” sigaw ng lalaking kanina na inintriga ako.
“Go ahead,” wika ni VJ.
“Wala na ba kayong pag-asa na magkabalikan?” tanong nito.
Nagkatinginan kami ni VJ. May pag-asa pa ba? Mukhang wala na. Lalo pa’t nandito ang kaniyang first love. Tama, even my first love is here, too, together with VJ’s first love. Ang liit lang talaga ng mundo, sa dinami-rami ng tao ay malalaman mo na ang dalawang tao na nang-iwan sa amin ni VJ ay magsasama at masaya ngayon. Well, baka ito talaga ang gusto ng nasa itaas. His will...
“Maybe... we don’t know the future yet, I need a sign,” sagot ni VJ.
Maybe? Ibig sabihin nasa isip niya na balikan ako? I feel so hot lalo na sa parte ng mukha ko. Pakiramdam ko sobrang pula ko nang marinig ko iyon.
“I see, we’ll wait for that time to come, I really wanted to have a happy future and see Miss Lauren smile again like what she did before,” wika ng reporter.
Dahil sa sinabi niya ay may kung ano sa puso ko na gustong alamin ang kaniyang pangalan.
“W-What’s your name?” tanong ko.
“Ako? Eleazar Ramos aka Meowy,” sagot nito.
M-Meowy? He was the one who wrote something bad about me? Pero... I should thank him, for wishing me a happy life.
“Thank you,” sambit ko.
Ngumiti lang si Meowy at sabay kuha ng manager ni VJ ang mic.
“So this conclude our conference, thank you very much, we appreciates all your efforts and hardwork,” wika ng manager ni VJ.
Inaya na ako ni VJ na tumayo at inalalayan palabas sa conference hall. Madilim na din nang makalabas kami, knowing that we started at four. Habang naglalakad kami ay naisipan ko nang magpasalamat at ayain sa isang dinner si VJ.
“VJ...” sambit ko.
“Yes?” tanong niya.
He was still holding my hands. Dahil siguro dito kaya nag-aassume ang mga reporters’ na magkakabalikan kami.
“Do you want to have a dinner with me? It was my way to say thank you,” turan ko.
“Of course! It is fine with me, but you need to call your house first, baka nag-aalala na sila sa iyo,” tugon niya.
Nanlaki ang mata ko. Nakalimutan kong doon pa rin ako nakatira at kailangan kong mag-update kay Mama kung na saan man ako ngayon!
“Wait, I’ll call her,” wika ko.
Binitawan ko ang kamay ni VJ at agad na kinuha ang aking cellphone sa bag. Nataranta ako nang makita kong may dalawampu’t tatlong tawag akong natanggap mula kay Mama. I inhaled then exhaled before clicking the call button.
“Ano ba iyan, baka nagluluto na si Mama kaya hindi pa sinasagot,” sambit ko.
Syempre pinapagaan ko lang ang loob ko. Alam ko na kasi ang susunod na mangyayari kapag sinagot na ni Mama ang tawag na ito, magiging gaya ito sa conference na nangyari kanina at ang kaibahan lang ay mas intense si Mama kapag nagtanong dahil may kasamang galit ang pananalita.
Idinako ko ang aking tingin kay VJ na ngayon ay nasa loob na ng kaniyang kotse at naghihintay sa akin. Sumesenyas lang siya sa akin kung ayos na ba raw kaya naman sinenyasan ko rin siya ng hindi pa. Tumango naman ito at sakto pagbukas niya ng pinto ng kotse ay sinagot ni Mama ang tawag.
“Saan naman na lupalop ka naroon? Bakit hindi ka naman nagpapaalam? Alam mo bang sobra kaming nag-aalala sa iyo ng Papa mo?” sunud-sunod na wika ni Mama.
Kahit na galit siya ay may kasama pa rin na pag-aalala ang pananalita niya kaya naman hindi ko talaga magawang magalit sa kaniya.
“Ma, nandito ako sa...” sambit ko.
Saan nga ba ako ngayon? I forgot to ask VJ.
“Basta kasama ko si VJ ngayon at mamaya ay—”
Inagaw ni VJ ang cellphone ko at saka nagsalita.
“Hi, Tita! Kumusta? Hiniram ko lang si Lauren at baka mag-extend pa po ako dahil sabay na kaming kakain mamaya, ayos lang ba sa iyo?” turan ni VJ.
Nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Ang dating approach niya kay Mama ay ganoon pa rin, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo niya sa kanila kahit na wala na kami.
“Yes po, Tita, oo naman po, I’ll drive her home po later,” aniya.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Mama sa kaniya pero ayon sa mukha ni VJ ay nakukuha niya ang satisfaction na gusto niyang marinig mula kay Mama.
“Hindi ko pa po alam, Tita, but yes, I am ensuring Lauren’s safety and will follow the curfew,” saad pa ni VJ.
“Yes, Tita, I will give it back to her na po ang phone, thank you po,” aniya.
At inabot na nga niya sa akin ang cellphone with s smile that is wide enough to reach his ears.
“Hello, Ma?” turan ko.
“Oh, mag-iingat kayo, hindi ko alam na may date kayo sana nagpasabi ka man lang,” tugon ni Mama.
D-Date? Loko itong lalaki na ito. Hindi naman matatawag na date ito pero aasa si Mama kapag ganito eh.
“Sige po, alis na po kami,” wika ko.
Oo. Kailangan ko ng ibaba ang tawag para wala ng ibang masabi si Mama. At isa pa, kailangan ko pang tanungin si VJ kung bakit date ang nasa isip ni Mama.
“Okay, ingat kayo,” sambit ni Mama.
And then I ended up the call. I glare at VJ, he just shook off his shoulders. Nagmamaang-maangan siya na wala siyang sinabi kay Mama.
I sighed, “Lets go? Loko ka,” and I walked towards his car.
Sumunod naman si VJ sa akin na tumatawa. Sabi na nga ba, siguro si Mama ang nagsabi ng date tapos itong lalaki na ito sumagot lang ng oo kaya ganoon na ang nasa isip ni Mama. Nang makapasok na rin sa kotse si VJ ay pinaandar na rin niya ito.
“So, where do you want to eat?” tanong ni VJ.
Sa totoo lang wala pa akong maisip na kainan. Bigla lang talagang sumagi sa isip ko na sabay kaming mag-dinner ngayon as my thanks to him.
“I don’t know, but let me check some hot and nice places,” sagot ko.
I search and browse until I came up with an brilliant idea. I kept seeing post like picnic while under the sky in the rooftop kaya naman I decided to search a place that have exactly what I want to go. Pero halos lahat ay public places kaya medyo crowded at makikilala agad si VJ.
“VJ, are you okay with lots of common people?” tanong ko.
Syempre, hindi naman sosyalin ang pupuntahan namin kung sakali eh. I need his opinion regarding the crowd.
“Common?” turan niya.
Natawa bigla si VJ.
“Seriously, Lauren? Common people? What am I? A Royal?” tanong niya.
He kept laughing as if I was joking.
“Lauren, I am one of that common people, hindi naman ako maarte,” aniya.
So, I underestimated him. He likes public places?
“You still go in public places?” I asked.
“Of course I do! Ano ka ba! Mas masaya kaya sa ganoon kaysa sa mga sosyalan,” sagot niya.
Okay, I need to ask him if he wants to have a rooftop dinner.
“Rooftop dinner!” bulalas ko.
Anong sinabi ko? Rooftop dinner? Wala ng iba? Iyon lang? Nakakahiya naman!
“A rooftop dinner with lots of lights under the sky that’s full of stars?” tanong niya.
Tumango ako. Mabuti naman at naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Para naman akong retarded na iyon lang ang sinabi.
“If that’s what you want, we can do that in my house,” aniya.
Akala ko ba public places? Bakit naman napunta sa bahay niya?
“May rooftop ang bahay, may mga nakasabit na rin na lights doon, may naka-set up na grill, at pinakamahalaga sa lahat ay... may mini bar ako sa rooftop!” proud niyang sabi.
“But we don’t need to drink, tamang kain lang ganoon,” sambit ko.
Ang paalam ko lang ay dinner. I didn’t mention na iinom ako ng kahit anong alcohol kay Mama.
“Tama, tama, but still I know how to make ladies drink,” aniya.
Ladies drink, huh? Nakainom naman na ako ng alak and I know how to handle it myself. I won’t let myself to be drunk.
“Okay, okay, fine, so should we call some food deliveries para mamaya pagdating natin kakain na lang?” tanong ko.
“Nope, I’ll call Yaya Constancia, I need to pull off somewhere that has toilet, naiihi ako,” sagot ni VJ.
And I was lucky enough to see a sign board that has written 300 meters away lang ang nearest gasoline station.
“There, a gasoline station,” turan ko.
“Great, nakalimutan kong magpunta sa banyo kanina,” tugon niya.
Now that he mentioned it, even I forgot to go to the toilet.
“Ako rin, nagsabi ka pa kasi,” sambit ko.
Tumawa na naman siya. Kanina niya pa ako tinatawanan pansin ko lang. Nakakatawa ba ako?
“Okay, magpapagas na lang din muna ako habang nasa banyo,” aniya.
And he pulled it over the station. As the gasoline boy approached our car, he immediately said that we both need to pee. Nag-init talaga ang mukha ko nang sabihin niya iyon, nakakahiya!
“Okay po, ako na bahala sa kotse, full tank po?” turan ng gasoline boy.
“Yes, here’s the car’s key,” tugon ni VJ sabay abot ng susi.
Nauna na siyang lumabas kaya naman sumunod na ako. Kapag nagtagal pa ako ay mas lalo akong mahihiya na ipakita ang mukha ko. Loko-loko kasi talaga, hindi naman niya kailangan ipagsigawan na naiihi na kaming dalawa.
Magkatabi lang ang banyo ng gasoline station kaya naman nakita kong pumasok si VJ sa kabila. Mukhang ihing-ihi na talaga ang loko dahil nagmamadaling maglakad. Samantalang ako, namangha nang makitang malinis ang banyo. Karaniwang marumi ito dahil nga public toilet siya at maraming gumagamit nito.
Nang matapos akong umihi ay nagsalamin na muna ako. I look so pale kapag walang make up. Naglalagay lang kasi ako ng make up kapag kakanta pero lagi akong may dalang lipstick at powder in case na maisipan kong maglagay. Pero hindi ko pa rin naiisipan na lagyan ng kulay ang labi ko kaya lumabas na lang ako at naabutan ko si VJ na nakasandal sa side ng kotse niya habang naghihintay. Hindi pa tapos ang paglalagay ng gas, mukhang paubos na ang gas nang maisipan niyang magpagas kaya matagal mapuno.
“Ito an po ang susi ninyo, tapos na po, Sir, bale—”
Kinuha na niya ang susi ng kotse at sabay nag-abot ng pambayad. Itong lalaki na ito hindi man lang pinatapos ang sasabihin ng gasoline boy eh.
“Here, keep the change pang meryenda ninyo,” wika niya.
Nagulat ako syempre, ang galante ngayon ni VJ. Ngayon ko lang siyang nakita na nagbayad at nagsabi ng keep the change maliban sa mga restaurant, sabagay ngayon lang naman ako nakasama sa gas station kasama siya.
“P-Pero, Sir...” sambit ng gas boy.
Napatingin ako sa gasoline boy kasi naman dapat ang sabihin niya ay, “thank you, come again,” kapag nakatanggap ng bayad, ‘di ba? Pero iba ang sinabi niya.
“Paghatian na lang ninyo ‘yan, tatlo lang kayo plus ang kahera,” wika pa ni VJ.
Hindi ko alam kung magkano iyon dahil hindi ko nakita kung makapal ba ang tig isang libo na ibinigay niya.
“T-Thank you po!” bulalas ng gas boy.
Kumaway lang si VJ at saka pumasok na sa loob. Pumasok na rin ako sa loob mg kotse pero patuloy pa rin sa pagsasabi ng thank you ang gas boy kahit ang ibang kasamahan ay nagpasalamat din sa amin.
Habang nasa loob ay tinitigan ko si VJ. This is his side na hindi alam ng karamihan, I am beyond grateful na malaman iyon.
“I’m hungry, I’m sure naghahanda na si Yaya for our dinner,” aniya.
Sobrang saya ko na hindi ko iyon maikubli.
“Yup! Me too! Lets hurry home,” I said.
And with that, binaybay na muli namin ang daan ng payapa ang isipan. Nasasabik na ako sa aming rooftop dinner kahit na ang inaasahan ko ay ako ang magbabayad as my way of thanking him for giving me strength kanina. Pero mas inaasahan ko na naman ang inihanda niya para sa akin.