Prologue
"Pasama ako sa school please." tango lang ginagawa niya. "Yes!" sabay talon, ngumiti siya ng makita ang best friend niyang masaya dahil sa pagsang-ayon niya. "Salamat talaga!" anito sabay yakap sa kaniya. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito.
*****
"Pasama ako sa mall, may bibilhin kasi akong damit." ani naman ng kaibigan niya. Mayaman ang kaibigan niya, siya naman anak lang ng katulong nito. Hindi niya alam kung totoong kaibigan ba ang turing sa kaniya nito o pinagtatawanan siya sa likuran.
"Okay. Bihis lang ako." aniya at agad na nagbihis ng komportableng damit.
"Tara na." anito nang makita siyang makababa. Kukuha sana siya ng pera pa kaya lang hinatak na siya palabas. Kaya wala man lang siyang dalang pera. Huminga siya ng malalim. Hindi niya matanggihan ang kaniyang kaibigan.
"Oy. Pare!" sambit ng isang kakilala nito at napalingon sa kaniya't ngumiti. Napangiti na rin siya. Gwapo din ang kaibigan nito pero mas gwapo ang kaibigan niya at aminado siya. "Hang-out naman tayo ngayon." anito't sabay tingin sa kaniya.
"Sige... una na ako uwi." aniya at naluluha.
"Sure ka?" tumango siya't ngumiti sa tanong ng kaibigan. "Okay. Sige... Una na kami sa iyo." tumango siya't nagpaalam na rin sa mga ito. Paano siya uuwi? Wala siyang dalang pera.
"Hay..."
*****
"Pasama ako sa park." ani naman nito.
Sang-ayon lang siya sa lahat ng sinasabi nito sa kaniya. Mabait naman kasi ito sa kaniya.
Palagi siyang sinasama pero iniiwan din siya.
Na REALIZE niyang magka-iba pala sila ng estado sa buhay. She needs to face the REALITY.
now she REALIZE THE REALITY of life.