“Ma’am hanggang dito ko na lang po kayo maihahatid kasi mukhang hindi po kasya ang sasakyan ko diyan sa makipot na daan na ‘yan.” Biglang saad ng matandang driver habang unti-unti nang bumabagal ang takbo ng kotse nito. Hindi naman halos nasagot ng maaga ni Rein ang sinasabi sa kaniya ng matandang lalaki sapagkat abala na siya ng mga sandaling ‘yun sa pagtingin nang masukal na daan dahil sa mga tuyong dahon na nalalaglag mismo sa matataas ngunit mapapayat na punong-kahoy sa paligid. Hindi niya inaasahan na ganon pala ang itsura ng lugar na ‘yun. Hindi rin niya matanaw ang bahay na pakay niya sa pagpunta doon kaya mukhang kailangan niya pa pala na maglakad… kung gaano kalayo at katagal-- ‘yun ang hindi niya alam. Hindi tuloy maiwasan ni Rein na makaramdam ng takot at konting kaba dahil m

