DAHAN-DAHAN ang ginawa ni Rein na pagbaba sa hagdan ng kaniyang bahay ng madaling araw na ‘yun. Kailangan niyang umalis ng kaniyang bahay nang walang nakakaalam sa kaniyang pag alis sapagkat tumatakas lang siya ngayon sa kaniyang kaibigan na si Dillion. Talagang plinano niya na ang pagtakas ng linggong ‘yun dahil balak niyang puntahan ang bahay na pinahanap niya noon kay Franco. Tutal, wala rin naman kasi siyang gagawin sa buong araw na ‘yun lalo na at hindi siya pinapayagan ni Dillion na umalis ng bahay nung mga nakaraang araw dahil nga sa nangyaring insidente. Ngayon lang siya nag lakas ng loob na umalis ng walang paalam sa kaibigan niya sapagkat naisipan nga ni Rein na puntahan ang bahay na ‘yun. Ayaw niyang ipaalam kay Dillion at maging kay Cally ang tungkol sa nahanap niyang bahay ni

