Dean arrived at the hospital exactly at 7 AM. Dumaan lang siya nang mabilis sa bahay ng kaibigan niyang si Diego kung saan ay hindi rin namalayan nito ang pag dating niya at ang pag alis niya. Natutulog pa kasi ito nang dumating siya sa bahay ng binata at saka mabilis lang din naman siya na nagpalit ng damit at tuluyan na ring umalis. Pagkaalis niya ay dumiretso naman siya sa car shop para ihabilin doon ang kaniyang sasakyan na nasira ang salamin dahil sa nangyaring pamamaril sa kanila kagabi. Pagkatapos noon ay nagpasya na lang siya na mag TAXI papunta sa Haven Private Hospital. Seryoso lang ang emosyon ni Dean habang tinatahak niya ang hallway ng ospital bago siya makarating sa silid ng kaniyang Tita Hannah. Ilang hakbang pa lang ang layo niya upang makarating siya sa mismong kwarto nan

