MABILIS na inihinto ni Dillion ang kotse ko sa harap ng isang Cafe kung saan ay siya ang nag maneho para sa akin. Buong biyahe ay wala lang umiimik sa aming dalawa lalo na ako, dahil nakikita ko pa rin ang seryosong ekspreyson ng mukha niya. Hanggang sa tatanggalin ko na sana ang seatblet ko ay natigilan naman ako nang makita ko na tinatanggal din niya ‘yung sa kaniya. “Papasok ka rin sa loob?” Hindi ko maiwasan na hindi ko maitanong kay Dillion ang mga kataga na ‘yun. Dahil sa sinabi ko kaya napatingin na siya sa akin pero nanatili pa rin ang pagka poker face niya. “Why? May problema ba doon?” He asked. “Ipapaalala ko lang Mr. Dillion Mart… kaibigan kita at hindi bodyguard, okay?” “I know. Kaya nga babantayan lang kita sa loob. Doon ako uupo sa malayong table, kaya ‘wag kang mag alala

