REIN’s POV Hindi ko inaasahan na makikita ko si Dean ngayon mismo dito sa bakery shop ni Diego. Sa sobrang hindi ko ‘yun inaasahan kaya naman awtomatikong nabigla pa ako nang makita ko siya pagkalabas na pagkalabas ko pa lang galing sa banyo. Napansin ko rin sa ekspresyon ng mukha ni Diego na mukhang wala rin siyang alam sa biglang pagsulpot ng kaibigan nito, dahil kung alam man niya ‘yun… sigurado naman ako na sasabihin niya ‘yun sa akin para hindi kami magkagulatan nang ganito. Matapos niyang sabihin sa akin na nandito siya dahil sa cupcake ay umiwas na rin siya sa akin nang tingin at itinuon na lang niya ang atensyon niya kay Diego na ngayon ay nakatayo pa rin sa may kabila ng counter. Hindi na lang ako umimik pa kay Dean at saka binatuhan ko na lang nang tingin si Diego na ngayon a

