It’s been three days since the incident. Pakiramdam ko nga... parang wala lang malaking nangyari dahil mabilis lang bumalik ang lahat sa dati. Nakakasalubong ko si Attorney Sudalga sa firm kung saan ay nag pasalamat siya sa akin sa ginawa ko raw na pag tulong kay Rein at nag sorry din siya sa inasal nilang dalawa nung lalaking kasama niya noon para sugurin ako sa opisina ko. I just nodded to her as my answer. Matapos din ang nangyari ay wala na akong balita kay Rein at wala na rin naman akong pakialam pa. Pagkatapos kong mai-ayos ang pagkakalagay ng itim na necktie ko ay tuluyan na rin akong lumabas ng kwarto ko. Medyo maaga pa naman para pumasok sa opisina kaya naman hindi ako masyadong nag mamadali sa pagkilos ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ko ay agad kong nakita si Diego n

