DEAN’s POV Dahan-dahan kong isinandal si Rein sa dingding nitong bahay nang makapasok na kaming dalawa dito. Kasalukuyan lang siyang nakapikit at mukhang nagpapahinga na siya ng konti kaya naman iniwasan ko na maabala siya. Pagkatapos noon ay nag pasya naman ako na hubarin ang suot kong coat… kahit basa na ‘yun ay ipinatong ko pa rin ‘yun kay Rein upang gamitin niya na kumot at upang hindi siya lamigin ng sobra. Patuloy pa rin ang malakas pag buhos ng ulan sa labas at umaasa ako na titigil na rin ‘yun makalipas ang ilang oras para naman maibalik ko na siya sa Maynila. At dahil hindi pa naman ako inaantok kaya naman napag desisyunan kong umakyat sa taas upang kumuha doon ng mga kahoy na pwede kong gamitin upang gumawa ng apoy. Wala akong dala na lighter pero I was hoping na may mahahanap

