WALANG ibang choice si Dean kung hindi ang lumabas na ng bahay na ‘yun nang hindi niya nakita si Rein sa loob. Halos nawawalan na siya nang pag-asa na mahanap niya si Rein lalo na at halos isang oras na ang nakakalipas simula nang magsimula siya sa paghahanap sa dalaga. Pero kahit ganon na ang nararamdaman niya ay nag pasya pa rin siya na mag laan pa nang isa pang oras sa paghahanap kahit na sobrang lakas na talaga ng ulan ng mga sandaling ‘yun. “REIN!” Malakas na sigaw niya sa pangalan ng dalaga habang pa ikot-ikot ang pagturo niya nang hawak-hawak niyang flashlight. Hindi niya na rin nga alam kung naliligaw na ba siya sa mismong loob ng gubat dahil hindi niya na alam kung nasaan na ba talaga siya ng mga oras na ‘yun pero hindi na lang niya ‘yun pinansin pa. Patuloy pa rin ang ginawa ni

