REIN’s POV Hindi ko maiwasan na lihim na mapangiti habang napapailing nang madatnan ko na naman ngayong umaga si Dillion dito sa bahay ko. Hindi naman niya ako usually na sinusundo sa tuwing papasok lang ako ng opisina dahil sinusundo niya lang ako kapag may mahalaga kaming lakad tulad na lang nang pag punta namin sa ampunan. Since kahapon ay sinusundo niya na ako kaya medyo naninibago ako ng konti pero alam ko naman na ginagawa niya lang ito para masiguro na okay lang ako dahil sa nangyari nu’ng gabi. “I told you, hindi mo naman ako kailangan na sunduin araw-araw,” saad ko sa kaniya habang tinatakid ko na ang seatbelt ko. “It’s fine. Wala rin naman ako masyadong ginagawa. Nabo-bored ako sa condo kaya naman okay na ‘to para may magawa naman ako kahit papano.” Simpleng sagot niya habang

