DEAN’s POV I can’t help but feel stunned here where I was standing when I saw someone running in the woods. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakalingon sa may likuran ang ulo nito habang tumatakabo… basta ang alam ko lang ay babae siya dahil sa nakalugay niyang buhok ng mga sandaling ‘yun. Saktong magkatapat kami ng mga sandaling ‘yun kaya kapag nagpatuloy pa ang pagtakbo niya nang hindi tumitingin sa dinadaanan niya ay siguradong mabubungguan niya ako. Nang konti na lang ay makakalapit na siya sa akin ay nag pasya na ako na humakbang para maiwasan na magkatamaan nga kami kaya lang bago ko pa man magawa ‘yun ay natigilan na ako dahil parang pamilyar sa akin ang pigura ng babaeng ‘yun. Dahil doon kaya hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo at bago ko pa man malaman kung sino siya ay

