I was just here inside of my room and lying on the bed. I am aware na male-late na ako sa pagpasok sa opisina dahil almost 7:15 na nang umaga pero nanatili pa rin ako na nakahiga dito. Nakapatong ang kanang kamay ko sa noo ko habang nakatitig lang ako sa may kisame. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makalimutan ang mga sinabi sa akin ng babaeng ‘yun kahapon sa may liblib na lugar na ‘yun at mas lalong hindi ko alam kung bakit parang apektado ako tungkol doon. Tandang-tanda ko ang bawat ekspresyon na ipinapakita niya sa akin kahapon, malungkot ‘yun, naiinis, nagagalit at parang napapagod din. Ramdam na ramdam ko rin ang pag tagos ng bawat salitang binibitawan niya sa akin kahapon. ‘Bakit parang ang dami niyang alam? Bakit parang ang dami niyang gustong sabihin sa akin pero pinipigilan niy

