REIN’s POV Naalimpungatan ako dahil sa nararamdaman ko na pag patak ng tubig sa may talukap ng mga mata ko at saka sa may pisngi… and the moment na alam kong gising na ang diwa ko ay doon na rin nagsimula na makaramdam ako nang pananakit ng dalawang paa ko. Masakit ‘yun na parang namamanhid kaya naman awtomatikong binuksan ko na nang dahan-dahan ang mga mata ko. Napasapo rin ako sa may noo ko dahil sumasakit din ‘yun ng konti. Noong una ay malabo pa ang mga mata ko dahil siguro sa tagal nang pagkakapikit noon pero hindi na rin naman nagtagal nang unti-unti na ‘yung luminaw. Agad na bumungad sa aking paningin ang konkreto ng mga hallow blocks na patong-patong at dikit-dikit sa buong paligid ko. Ramdam na ramdam ko na rin ngayon ang pagkamasikip nang lugar at doon ko na nga napagtanto kung

