CHAPTER 58

1760 Words

Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko ngayon sa harapan niya. Ito na lang kasi ulit ang unang pagkikita naming dalawa matapos ang nangyari no’ng gabi sa bahay ko. Pakiramdam ko ay matutuyuan ako ng sarili kong dugo sa paraan nang pagtingin niya sa akin ngayon. Halata kasi sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya rin inaasahan na makikita niya ako dito habang may kasama pa ‘yung galit at pagkainis. “D- Dean--” at bago pa man ako makapagsalita ay nabigla na lang ako nang marahas niyang hinawakan ang pulsuhan ko at nararamdaman ko pa ang higpit nang pagkaka-kapit niya doon. Hindi lang ‘yun dahil nagsimula na rin siyang hilahin ako para makaalis sa pwesto ko. “A-ano ba, bitawan mo nga ako!” pag angal ko sa kaniya kung saan ay pilit kong pinipigilan ang sarili ko na ‘wag magpahila sa kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD