THIRD PERSON’s POV Bagsak ang mga balikat ni Rein nang pumasok na siya sa loob ng kaniyang sasakyan nang makalabas na siya ng ospital. Imbis na paandarin niya na ang kaniyang kotse ay mas pinili niya muna na mag-stay sa lugar na ‘yun at saka siya nag-lean sa may manibela. Hindi niya maiwasan na hindi mag alala o mag-isip kung paano niya matutulungan sina Tita Hannah. Hindi naman kasi siya sigurado kung maniniwala nga ba si Dean sa sinabi niya lalo na at mas malaki ang posibilidad na hindi nga ito maniwala. Alam niya sa sarili niya na pagdating sa Dealership Corporation ay wala siyang magagawa dahil hindi naman siya makakapasok sa kompanya na ‘yun. Si Dean lang talaga ang tanging makakagawa nang aksyon sa problema na ‘yun dahil ito lang ang pwedeng maglabas-masok doon at kumuha ng mga pap

