CHAPTER 9

1818 Words
Chapter 9 : Disappointment "BAGAY NA bagay sila ni Engr. Markus." Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang paulit-ulit nilang sinabi iyon. Puwede ba na sabihin nila iyon basta hindi nila ako kasama? Hindi ako comfortable, eh! Naaalala ko lang ang ginawa ng engineer na iyon sa akin. Hindi naman ako galit. Nagselos, siguro? "Oh, speaking of the devil!" tila maiihi pang sambit ni Rudelyn at napako ang tingin ko sa lalaking naglalakad palapit sa direction namin. Ano naman ang ginagawa niya rito? Don't tell me ay nanood din siya sa performance ko? Kaya ba may nararamdaman ako na mabibigat at mainit na titig sa akin habang nasa kalagitnaan ako nang pagpapatugtog ng violin ko? Naka-suot siya ng black suit niya at may blue necktie pa. Maayos din na naka-brush up ang buhok niya at mukha siyang...mas nagmukha siyang guwapo ngayon at iba ang aura niya. Magaan. "Oh, my gosh!" "How sweet naman niyan!" Same vibes pala sina Rudeng at Miss Boh. Dahil halos mangisay sila sa kilig nang makita ang engineer na kanina pa nilang ibinubugaw sa akin. At grabe kung makatili. "Hi," bati niya sa akin matapos batiin ang dalawang babaeng kasama ko. Bumaba ang mga mata ko sa hawak niyang bouquet of red roses. Mas tumindi ang pag-iinit ng pisngi ko. "I bought this for you," marahan at malambing na wika niya sa akin at inabot sa akin ang flowers na hindi ko naman ito tinanggihan. This is one of his side na gentleman. He's capable na para maiparamdam sa akin ang ganitong feelings. At totoo pala ang nababasa ko sa romantic novels na may kung ano or butterflies ang lumilipad sa loob ng tiyan ko sa tuwing nasa paligid o malapit sa akin ang taong gusto ko. Oh, does it mean ay gusto ko nga ba talaga si Markus? Masarap sa pakiramdam at para akong dinuduyan sa alapaap. I admit it. "Salamat," nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya at nakapikit na inamoy ko pa ang mabangong red roses. Narinig ko ang mahihinang pagmumura niya na dahil sa labis na galak ay hindi ko na siya nagawa pang suwayin. Napatayo ako nang maayos at tiningnan ang mga kasama ko. Ang dalawang babae ay laglag ang panga at halos lumuwa ang mga mata nilang dalawa. Nang tingnan ko naman si Markus ay nakangiti rin ito pero kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi at tainga niya. Wala sa sariling sinalat ko ang noo niya na hindi naman akong nahirapang abutin iyon dahil kahit matangkad siya ay naka-heels naman ako. Alam ko kung hindi mataas ang heels ko ay mahihirapan pa rin ako. "Are you sick?" I asked him but without emotion written on my face. Na-suprise pa siya at bahagyang napaatras. Kitang-kita ko ang paulit-ulit na paglunok niya. Naguguluhan ako sa pangyayari, I mean sa mga kinikilos nila? He cleared his throat bago siya nagsalita. "How are you?" he asked me. "She's fine na po, Engr. Markus! After two days ay nagsalita na siya at nginitian ka pa! That's the first she smiled sa 'yo ng kusa!" Napapikit ako nang bunganga kaagad ni Rudelyn ang umandar. "You mean, she didn't talk in two days? Normal pa ba iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Markus sa pinsan ko. Mabilis na inagaw sa akin ni Rudelyn ang violin ko at nagawa niya pa akong itulak kay Markus. Mabilis na napayakap ito sa akin. "Yeah! Kaunting suyo lang po, engineer!" natatawang sabi pa niya. Gust kong tahiin ang bumanganga ni Rudelyn! "ARE YOU for real? Nagawa mong hindi magsalita ng dalawang araw?" namamanghang tanong niya sa akin. Mukha bang nakakatuwa iyon? "You want a year?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya at napatingin siya sa kilay ko kaya nag-iwas ako nang tingin. "I'm sorry. It's my fault. One, hindi ka puwedeng ibabad sa araw and two, huwag kang pagalitan dahil hindi mo na ako kakausapin pa," pahayag niya kaya muli ko siyang nilingon. "Shut up!" walang bahid na emosyong saad ko sa kanya. I hate this feeling. "Oh, sorry. Nice performance, by the way," nakangiting sabi niya. Somehow, genuine ang ngiti niya. Walang bahid na mapagpanggap. Totoong-totoo. Siguro the past two days ay nag-date sila ng R-R-- ng girlfriend niya? Kaya ba magaan ang aura niya ngayon at ang mabait na side niya ang ipinapakita niya sa akin? Okay pa ba siya? "You watched her performance pala, Engr. Markus," Miss Boh said. "Yeah, Miss Deborah. This is my second time na panoorin ang performance niya," sagot niya kay Miss Boh. Pekeng tumikhim na naman siya at palipat-lipat ang tingin sa amin. What's with the looks? "Can I borrow your cousin for a while, Miss Rudelyn?" tanong niya at parang nahihiya pa siya. "Of course! No need to barrow--" "I'm not a thing," mariing sambit ko. Kung makasabi na hihiramin niya ako ay akala mo talaga isa lang akong bagay? Tss. "Yes! Go on, engineer. Date her at magiging busy kami ni Boh sa paghahanap ng outfit niya for tonight. Congratulations nga pala!" sunod-sunod na wika ng pinsan ko saka niya hinila sa braso si Miss Boh. Kumaway lang ito sa amin at nagpatianod kay Rudelyn. Iniwan nila talaga ako rito? "Can I invite you for lunch?" he asked me. "Do I have any choice, engineer?" I asked him back. He smiled at me, hindi talaga iyon fake. Duda ako kung ano ba ang ginawa niya kasama ang girlfriend niya. Bakit mukha siyang masaya? Nag-date rin ba sila? Saang place kaya sila nagpunta at ano ang pinaggagawa nila? "Are you sure about this?" I asked him, nasa boses ko ang pagkaseryoso. "About what?" kunot-noong tanong niya. "This engagement," I replied. "Yeah," maikling sagot niya. Hindi na ako nakasagot pa after that. Dahil halata sa boses niya na gusto nga niya iyon. Sana lang...sana lang huwag siyang mag-back out kaagad. O sana lang bigyan niya ako ng chance... Err---what? Ako pa ang humihingi ng chance just to be with him? Pakisampal po ako kung sobra-sobra na akong nagiging marupok or tang-. Dinala niya ako sa Amor restaurant pero hindi pa man kami nakakalabas from his car nang makatanggap siya ng tawag sa phone. Bago niya ito sinagot ay sumulyap pa siya sa akin. "Yes? What happened? H-Hey, stay calm, Rio. Yes, yes. I'll be there," sunod-sunod na sabi niya na hindi ko naman naintindihan. Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay nangungusap ang mga matang tiningnan niya ako. Saan siya pupunta at mukha siyang natataranta? "The--" "It's fine," putol ko sa sinabi niya. I removed my seatbelt. "Theza, I'm sorr--" "It's fine! You don't need to say sorry! Just go!" mariin pero kalmadong sabi ko. "Ihahatid na lang kita," presinta niya. "I'm not your first priority. So, who am I?" mapanghamon kong tanong sa kanya. "It's emergency," nagtatagis ang bagang na sabi niya. "Yeah, and I'm fine," taas noong sabi ko at bumaba mula sa sasakyan niya. "Tatawagan ko si Dex to fetch you here, baby." Nag-init ang tainga ko hindi sa tuwa, dahil sa galit na tinawag niya akong baby. Baby your face. "No need. I can handle myself. Next time, don't invite a girls for lunch. You are irresponsible human being I ever meet" I said at padabog na sinara ko ang pinto ng sasakyan niya. May kalakasan iyon and I don't care kung mababasag man ang salamin no'n. I hate him. Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa loob ng resto at hindi na siya sinulyapan. Nakakuyom ang kamao ko at nang nasa loob na ako ay saka ko lang tiningnan ang kotse niya at papalayo na ito. Nagmamadali pa akong lumabas at isang kotse ang pinara ko. Wala akong pakialam kung sino ang may-ari no'n. "What is it, Miss?" mabait na tanong sa akin ng lalaki nang dumungaw siya mula sa bintana ng kotse niya. "Brilliantes," I uttered. "Yes? Kilala mo ako?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay walang sabi-sabi akong sumakay. "What?" "Follow that blue car," seryosong utos ko at tinuro ko pa ang sasakyan ni Markus. "What? And why--" "Sundan mo na lang!" sigaw ko sa kanya at napaigtad pa siya dahil sa gulat. "Whatever. Boyfriend mo ba iyon? Iniwan ka?" He's makulit. "Don't ask, just drive," kalmadong sabi ko. Nagsimulang nagmaneho ang lalaki na kamukha ni Markus. Mas bata nga lang sa kanya at magaan ang loob ko sa kanya. Kahit hindi ko naman siya kilala. Pero Brilliantes nga siya. Salita nang salita ang lalaki na hindi ko naman pinansin pero patuloy pa rin siya sa pag-drive. Hanggang sa huminto ang kotse ni Markus sa isang hospital. Dahil sa pagmamadali niya ay hindi man lang maayos ang pagkaka-park niya ng sasakyan niya. "Whoa, si kuya Markus ba ang sinusundan mo, Miss?" Kuya Markus? "Who are you?" "I'm Miko, Miko S. Brilliantes, Markus' brother. So, na-meet ko na naman ang isa sa brother ni Markus. No doubt na magagandang lahi sila. Nauna nang bumaba si Miko Brilliantes at pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Marahan na hinawi ko pa siya para makadaan ako dahil nakaharang siya. Narinig ko pa ang mahihina niyang mura. "Watch hour language, Brilliantes," bantang saad ko at mabilis na tumiklop siya. Sinundan naman niya ako at palihim ko ring sinusundan si Markus. "Markus!" sigaw nang umiiyak na estudyante ang sumalubong kay Markus. Mabilis na yumakap ang lalaki sa kanya at para akong nabato sa kinatatayuan ko. "What the... Sino naman 'yan?" dinig kong tanong ni Miko sa likod ko. Nanatiling nakatingin ako sa dalawang tao na nagyayakapan. "Ssh... I'm here, don't cry, please. I'm here, babe." "B-Babe--" hindi ko hinayaang mag-ingay si Miko at mabilis na hinila ko siya sa isang sulok ng hospital. "Behave," sabi ko sa kanya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Okay, boss," he said in defeat. Nandito na naman ang pamilyar na kirot sa puso ko. Nakakainis. Kakasimula pa lang namin ay ganito na ako kung masaktan. Ang lupit naman. "S-Si nanay... Si nanay, Markus..." "Magiging maayos din siya, babe. Sshh... Ako na ang bahala sa lahat," pang-aalo niya sa babae at hinalikan pa niya ito sa ulo at maging sa pisngi. Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang umalis na sa lugar na iyon. He hurt me, without him knowing and I felt disappointed. He's sweet kanina tapos ngayon. "Ihahatid na kita, saan ka ba?" Miko asked me. "Standing in front of you," I replied. "Matinong kausap. Ano ka ba ng kuya ko? Bakit natin siya sinundan dito? At mukhang girlfriend ni kuya ang babaeng iyon. Ganoon pala ang type ni kuya, 'no?" "Yeah," I said. "Child abuse!" gulat na sabi niya. "And sugar daddy," sabi ko at doon na siya natawa nang malakas. "And I hate your face. Kamukha si Markus," wala sa sariling sabi ko at napahinto siya. "Ang harsh mo naman po." "Just answer me, Miss. Who are you?" "Your future sister-in-law," sagot ko at muli siyang napamura kaya nasampal ko ang bibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD