Chapter 10: Can't come (engagement party)
"I'M SORRY," sincere na sabi ko kay Miko Brilliantes. Napalakas yata ang pagsampal ko sa bibig niya. Kasalanan naman niya kasi, eh. Binalaan ko na siya. Hindi naman ako nananakit physically pero can't help it, eh. Masakit sa tainga ang puro mura niya.
"So, ikaw si Theza Marie Medina?" he asked me, surprisingly. I nodded.
"Nice choice pala si grandpa," tumatangong sabi niya at natigilan pa ng may naalala pa yata.
"N-Nakita mo..." namumutlang sabi niya.
"Are you jealous?" nakangising tanong niya sa akin, nanatili ang walang emosyon sa mukha ko at umismid.
"Daziel is right, napaka-rude mo nga talaga," he commended but a wide grinned plastered on his face.
"You're annoying," sabi ko na lamang sa kanya.
"Threat me a lunch," I said. Kung may ikakalawak pa ang pagngisi ng isang tao ay kay Miko iyon. Mukha pa siyang masaya.
"Yeah, sure!" masayang sabi niya.
And the next thing I knew ay nasa loob na kami ng Amore restaurant at siya pa ang nag-order ng foods for me. Kinain ko naman ang in-order niya dahil wala namang seafood. Hindi naman ako reklamador kahit nga ang Markus na paasa na iyon ay kanin lang ang pinakain niya sa akin. At hindi ako nagreklamo.
"I'm older than you," mahinang anas ko at ngumiti pa siya.
Katulad ng mga kuya at pinsan niya ay engineer din siya. Mas mukha siyang mabait at friendly. Unlike sa mga nakilala ko pang Brilliantes. Ah, no si Engr. Godfrey pa pala. Ngayon, hindi na ako magtataka pa na nagmana si Miko sa uncle niya.
"Three years lang po ang tanda mo sa akin. Gusto mo bang tawagin kitang, ate?" tanong niya. Napaka-inosente niya kaya ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.
"You're not my brother, engineer," nanunuyang sabi ko na ikinasimangot niya but later on ay tumaas lang ang sulok ng labi niya.
"Sabi ni uncle God, mas tahimik na raw si Mik pero may ikama-mas pa raw. Ikaw raw ang pinaka-pinaka-pinaka-tahimik na babae sa buong mundo. Pero nagkamali ba ang uncle ko sa pagkakakilala sa 'yo? Oo nga at rude ka pero sumasagot ka naman sa mga tanong ko," amused na sabi niya kaya napangiti ako.
Siya lang ang unang lalaki na kanina ko lang din nakilala pero nakita na niya ang totoong emosyon ko.
Maybe, nakikita ko sa kanya na mabuting anak at kapatid siya. Sana naging kapatid ko na lang siya, 'no?
"Whoa! You smiled!" namamanghang sabi niya kaya nawala ang ngiti ko at yumuko para makakain. I hate compliment.
"Rude," natatawang sabi niya.
"Engagement party niyo mamayang gabi, right?" he asked.
"Ano naman?" malditang tanong ko.
"Pupunta si kuya Markus," seryosong wika niya.
"He didn't."
"He will come."
"No, he can't make it and I don't care," sabi ko. May kutob ako na hindi siya pupunta at pake ko naman sa sugar daddy na iyon, ano?
NANG MATAPOS kami sa lunch time namin ay nag-presinta pa siyang ihatid ako pero tinawagan ko na si Rudeng na magpapasundo ako.
May bago na rin akong phone. Binili niya ito kanina bago ang performance ko. Walang kaso sa akin kahit hindi niya ako bilhan ng cellphone.
"Kuya Miko?" Napatingin ako sa isang babaeng nakasuot ng...formal suit at may leather bag ang nakasukbit sa balikat niya. Maganda at kamukha ni Miko. Mas matangkad kaysa sa akin.
"Mikael? What are you doing here?"
Wala akong imik na pinagmasdan ko lang ang dalawa. Another Brilliantes na naman ang nakilala ko ngayong araw at talaga namang... Magaganda ang mga lahi nila.
"Thez, this is my twin brother. Mikael and Mik, fiancée siya ni kuya Markus. Siya si Theza Marie Medina," pagpapakilala ni Miko sa amin at sa kanyang kapatid.
Napataas ang kilay ko dahil sa narinig. Sinuyod ko nang tingin ang kapatid niya.
"Brother?" I mocked him at biglang namutla ang kapatid niya.
"May kikitain ka ba rito, Mik? Sige na puwede ka nang umalis," taboy nito sa kapatid at nag-aalangang umalis ito.
"Nice to meet you, Ms. Medina," formal na sabi niya saka siya pumasok sa resto.
Tumaas ang sulok ng labi ko at narinig ko ang pagtikhim ni Miko pero hindi ko siya tiningnan.
"She's beautiful," I murmured at sinalubong ko ang malamig na mga mata ni Miko.
"Isn't she, engineer?" tanong ko at napalunok pa siya.
"He's a boy, Thez," sabi pa niya. Napangisi ako at inabot ko ang buhok niya at ginulo ito. Naninibago ako sa sarili ko dahil nagagawa ko ito sa kanya. Na dati-rati naman ay hindi ako ganito.
"You can't fool me, engineer. Alam ko kung kailan nagsisinungaling ang isang tao," sabi ko pa sa kanya. Napahaba na naman ang sinabi ko.
Iniwan ko roon si Miko na tila hiniwalayan ng kaluluwa sa katawan. He's cute kapag niniyerbus siya.
"Ang ganda pala ni Mikael, right Rudeng?" untag na wika ko. Kasama ng pinsan ko si Miss Boh.
Nakaupo lang ako sa backseat habang nasa labas ng bintana ang tingin ko.
"Lalaki iyon, Theza. And yes, pasadong maging lalaki. Gandang lahi, 'di ba? Kaya hindi ka na lugi," natatawang banat ni Rudelyn.
Hindi ko siya sinagot at pinansin kaya napasimangot siya.
"Wait...bakit si Engr. Miko na ang kasama mo? Nasaan si Markus?" gulat na tanong niya.
Sinumpong na naman ako ng katahimikan ko kaya wala siyang nakuhang sagot mula sa akin kaya bad trip na naman siya. Tinawanan lang siya ni Miss. Boh.
Hindi ko pinansin si Rudeng ng pumatak ang gabi at engagement party na namin ni Markus.
Tapos na akong inayusan ni Miss Boh na kanina pa niya ako kinakausap pero puro iling at tango lang ang ginawa ko.
One shoulder dress na kulay gold ang suot ko ngayon. Kumikinang pa ito at akala mo nga ay may gold din. Long dress ito at masyadong hapit sa katawan ko at may slit pa sa left na umabot talaga ito sa hita ko. Hindi naman bago sa akin ang magsuot ng ganitong damit pero madalang lang.
Maayos at maganda rin ang pagkakatali ng buhok ko at light make up din. Light pink ang lipstick ko na kanina pa ako pinupuri ng make up artist ko na si Miss Boh na bagay raw sa akin ang kulay.
"Here." Tinulungan ako ni Rudeng na isuot sa kamay ko ang black gloves ko. Hindi talaga ako nawawalan ng ganito.
Importante raw kasi ang kamay ko kaya kailangan ko raw itong ingatan. Visible pa rin ang sugat ko na natamo ko noong first time ko ulit makarating sa bansang ito. Binigyan naman ako ni Rudeng ng gamot para raw hindi ito magkaroon ng scar.
"What a gorgeous, lady," rinig kong sabi ni papa.
"Papa!" masayang tawag ko sa kanya at siya na mismo ang lumapit sa akin para yakapin ako.
"Ang ganda mo, anak," aniya at kumikislap pa ang mga mata ni papa. Parang iiyak pa yata.
"Mana sa 'yo, papa," mahinang sabi ko para hindi ako marinig ng dalawa.
"This is it, are you happy for this, honey?" papa asked me.
"Yes, pa," no...papa. I'm not happy dahil alam ko na hindi makakarating ang lalaking paasa na iyon.
Si papa ang nag-escort sa akin papasok sa hall ng hotel kung saan doon gaganapin ang engagement party namin. Masyadong maraming bisita at mga media kaya kinakabahan ako.
Mukhang...mapapahiya ako mamayang gabi. Huwag sana akong biguin ni Markus dahil baka...
I took a deep breath...
Gold and white ang theme ng party kaya ganoong kulay lang ang halos makikita mo sa buong paligid.
Pinakilala ako ni papa sa mga taong kilala niya rin sa larangan ng pagnenegosyo at ang huling nakilala ko ay ang grandpa ni Markus.
Mukha siyang stricto pero mabait naman. Nalaman ko rin from them na wala kahit isang mga kapatid at pinsan ni Markus ang dumalo sa party dahil abala raw ang mga ito. Pero nandito naman daw ang parents at mga tito and tita nila.
Ang kaba ko ay mas dumoble pa nang makalipas ang dalawang oras at hindi pa dumarating si Markus.
"Actually, I don't want to attend," I told to my cousin.
"W-Why?" kinakabahan na tanong naman niya sa akin.
"He's not coming," sagot ko.
"Pupunta siya, Theza."
"He's not," sabi ko.
Sinuyod ko nang tingin ang kabuoan ng party at nakikita ko ang mga tao na palihim akong pinagmamasdan.
May mga naririnig na ako na baka raw ay hindi ako sisiputin ni Markus at iba pa...
Si papa na pilit na inuunawa ang family ni Markus at kanina ko pa ring nakikita ang daddy niya na may hawak-hawak na cellphone. His dad tried to call him. Nakikita ko na nauubusan na ito ng presensiya...
"Hindi siya dapat magpa-late."
"He needs to come..."
Hours later...wala ngang Markus ang dumating...
Natapos ang party by 12, dahil inaasahan pa na susulpot si Markus pero hindi. Hindi siya dumating as I expected.
"LET'S get out of here, Thez. Umuwi na tayo," my cousin said, worried are visible on her face.
"A minutes," sabi ko sa seryosong boses. She heaved a sigh.
"Honey, you need to rest. Hindi na darating si Markus," giit naman sa akin ni papa. Tipid na ngitian ko siya. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"You like him, do you?" tanong niya sa mababang tono. Tumango ako.
Mabait ang papa ko, kaya kahit alam niyang napahiya siya at lalong-lalo na ako ay hindi ko siya nakitaan ng galit pero alam kong na-disappoint pa rin siya. Ngunit pilit na inuunawa iyon ni papa.
He's the best papa for me. Kaya mahal na mahal ko siya. Nandoon ako, nakita ko mismo noong nasaktan siya ng piliin ng mama ko na iwanan kaming dalawa. Nandoon ako at walang nagawa kundi ang yakapin siya.
"Alright," sabi niya at inaya na ang pinsan ko na lumabas.
"Naka-check in pa rin tayo sa hotel. Tawagan mo ako kung gusto mo nang lumabas dito, anak," he said and I nodded.
Naiwan ako sa loob na wala ng mga bisita tanging mga decorations lang ang makikita. Nanatili akong nakaupo sa puwesto ko.
He will come, I know...
Expected ko na hindi na siya makakarating pa pero bigla ay nagbago ang isip ko.
Darating siya pero hindi ako sigurado... Kung hanggang kailan ako maghihintay rito.
Nang sinipat ko ang wrist watched ko ay malapit na 'yong mag-one am ng madaling araw.
Pero para akong t-nga na naghihintay sa taong hindi na darating.
"I'm sorry, I'm late..." Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang baritong boses niya.
Kasabay ng pagbilis nang t***k ng puso ko... Hanggang kailan kita pagbibigyan, Markus?
"I'm sorry, I'm too late, baby..."