CHAPTER 11

2264 Words
Chapter 11: Bewitched by a Rude Queen I IGNORED him. Hindi ko siya sinulyapan at nakatingin lang ako sa table kung saan may malaking cake roon na tatlong layer at ang iilang wine na sana...nevermind. "Let's go home, Theza Marie," sabi niya sa marahang boses. Hahawakan na sana niya ang siko upang alalayan akong makatayo pero mabilis na inilayo ko iyon. Kusa akong tumayo at walang imik na naglakad na palabas. Bakit ko nga ba siya hinintay? Why? "I'm sorry, okay?" rinig kong saad niya at humabol sa akin. Naririnig ko pa rin ang mahihina niyang mura pero hindi ko siya sinita at hinayaan ko siya. "Hatid na kita sa suite mo," presinta niya. Nanatiling tikom ang bibig ko at wala akong balak na kausapin siya. Disappointed pa rin ako sa kanya. Lalo na sa ginawa niya sa akin kaninang lunch time. Inaya-aya pa akong mag-lunch pero hindi naman kayang panindigan. Inuna pa ang girlfriend niya... Ah, hindi naman ako ang first priority niya. Wala lang ako sa kanya. Isa lang akong stranger sa kanya na alam niya lang ang pangalan at mukha ko, hindi ang pagkatao ko. Sumakay ako ng elevator at kaagad na pinindot ito. Kung hindi lang mabilis ang kilos niya ay baka hindi siya makaabot. 'Saktong sasara na sana nang mabilis na nahawakan niya ang pintuan ng elevator. Hindi ko siya dadalhin sa hospital kapag naputol ang kamay niya at hindi ko siya iiyakan kapag namatay siya. May gusto lang ako sa kanya pero wala na akong pakialam sa buhay niya. Nang masalubong ko ang malamig na mga mata niya ay tila tumayo lahat ang balahibo ko sa katawan. Kumislot ang puso ko. Madilim at wala ring emosyon na tinitigan ko siya. Umigting ang panga niya. Pati tuloy ang ugat sa leeg niya ay tila puputok na. Ewan ko kung bakit mukha siyang frustrated ngayon. "Galit ka na naman," komento niya at bumuntong-hininga. "Darn it," he cursed repeatedly. Muntik na akong mapangisi dahil sa naisip na...sinasadya niyang magmura para sitahin ko siya. In your dreams, engineer... Tumabi siya sa akin at naririnig ko pa rin ang malulutong niyang mga mura. Kahit nag-iinit ang tainga ko na marinig ang bad words na iyon ay tiniis ko. Para lamang huwag siyang makausap. Deal with it, Markus. "You wanna go out? Aren't you going to sleep? It's already midnight, Theza Marie..." I didn't respond at alam ko na sobra-sobra na siyang naiinis sa akin. It's really rude na iyong kakausapin ka ngunit hindi mo naman pinapansin and worst parang walang pakialam sa 'yo kahit magsalita ka pa at sinusubukan kang kausapin. Paglabas naman namin ng hotel ay kaagad na yumakap sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Dahilan na makaramdam ako ng lamig pero hindi ko nag-react at pinakitang nilalamig ako. Ano nga ba ang pake niya sa akin? Guilty lang siya kaya nandito siya and he tried to me. Disappointed lang ako sa kanya at wala akong pakialam kung napahiya man ako kanina. All I care is myself... May lumipad na isang kapirasong pape patungo sa akin at bumagsak ito sa paanan ko. Wala sa sariling yumuko ako upang mapulot ito at isang flyer lang pala ito. Nasa litrato ang maraming nagkakasiyahan na mga tao at nasa isang bar ito. Gusto kong pumunta roon. Hinarap ko si Markus at medyo nagulat pa siya. Inabot ko sa kanya ang flyer na mabilis naman niyang kinuha at tiningnan. "Gusto mong pumunta tayo rito? Okay, dadalhin kita roon," sabi niya kaagad. Paminsan-minsan lang ako nagpupunta sa mga bar kasama ang pinsan ko at alam ko kung ano ang paingagawa ng mga tao roon. At ayon din sa mga nabasa ko sa romantic novel ay pinagbabawalan pa ng mga bidang lalaki ang mga bidang babae na pumunta roon because whole knows... At asa pa ako na makita ko iyon sa katauhan ni Markus? Kung ang girlfriend niya, sigurado ako na mag-aalburoto siya. Pagbabawalan niya itong magpunta. But I'm Theza Marie Medina, wala akong puwang sa puso niya. Ang sakit palang isipin 'yon, ano? Tahimik ang biyahe namin nang tinungo namin ang bar na malapit lang sa hotel na tinutuluyan namin. Naikuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang pag-iingay ng cellphone niya. Dalawang ring lang iyon at sinagot na niya kaagad. "Don't worry, I'll be back. May gagawin lang ako, yeah. I love you, too..." Mahina, as in mahinang-mahina lang ang words na binigkas niya pero hindi pa rin iyon nakatakas sa pandinig ko. He loves his girlfriend. Oh, let's see kung sila pa rin ang magkakatuluyan. Ayokong maging kontrabida sa kanila pero sa ngayon... Gusto kong kulitin pa ang engineer na ito. 'Yong tipong mag-iinit ang ulo niya sa akin... Pero sinungaling ako kapag hindi ko inaamin na gusto ko rin ang pakiramdam na kung paano alagaan ng isang Engr. Markus S. Brilliantes. Na kung paano niya sa mag-aalala sa akin. Darating kaya ang panahon na iyon at bigyan ako ng pagkakataon na mahalin din ako ni Markus? O hanggang ilusyon na lamang ako? "GET inside first. Ipa-park ko lang ang kotse ko," he said. See? Wala talaga siyang pakialam sa akin. Pinapauna pa niya ako. "D*mn it," mura na naman niya when I stepped out from his car. Ang sarap sampalin ng bibig niya. As I expected nga ay maingay at maraming customer ang nasa loob ng bar. Hindi ko na inisa-isa pang tingnan ang mga tao dahil hindi naman sila importante. Pero nagtaka ako dahil nang makapasok ako ay nawala ang ingay sa loob. Maski ang malakas na music ng DJ ay biglang na-off. Akala mo naman ay may pumasok na anghel o kaya naman may isang nilalang na pinahinto ang oras. Para kang mabibingi sa katahimikan. Hindi ko alam kung bakit nawala bigla ang ingay. Hindi ko na rin binigyang pansin. "What the..." I heard his voice. "What are you looking at? Go back to your d*mn business!" malamig na sigaw ni Markus sa likod ko. At doon lang tila natauhan ang mga tao sa loob kaya bumalik ang ingay at pati ang music pero hindi na katulad ng dati. Tinungo ko ang counter at napatingin sa mga boteng naka-display lang sa likod ng bartender. "G-Good evening, g-goddess," nauutal na bati sa akin ng bartender. Napatingin tuloy ako sa kanya. Bigla siyang namula at nanginig ang labi niya na mariing nakatikom. Tinaas ko ang kamay ko at tinuro siya. Gulat na napaatras siya at napahawak pa sa dibdib niya. "Want a Gin," bored at maikling sabi ko. Naibaba ko ang kamay ko nang biglang humandusay sa sahig ang bartender. "What the hell?!" Tumagilid ang ulo ko at ang salubong na kilay ni Markus ang bumungad sa akin. "Hanze?! Anak ng--bakit ka natutulog diyan?!" sigaw ng isang lalaki at nagkukumahog na bumangon ang weird na bartender at panay ang hingi ng sorry. "Give me a drinks," cold na sabi ni Markus at nagmamadali namang nag-mix ang bartender. Nakakailang man ang panay sulyap niya sa akin ay hinayaan ko na pero hindi ko pinutol ang tingin ko sa kanya. Natataranta siya. Muntik na akong mapasinghap nang biglang hawakan ni Markus ang highchair ko at pinaharap iyon sa kanya. Madilim masyado ang aura niya at umiigting pa ang panga niya. Galit siya. But why? "H-Heto na po sir," sabi ng bartender kaya naputol ang malalim na titigan namin. Dalawang drinks iyon at may isang bottle ng Gin. Hindi ako pamilyar sa mga alak pero itong Gin lang ang tumatak sa akin. But never kong natikman. Hanggang juice lang ako kapag dinadala ako ni Rudelyn sa bar. Since nakaharap ang upuan ko dahil sa ginawa ni Markus ay ganoon na ang naging puwesto ko. I sipped my Gin while staring at him. His brow furrowed at sinundan pa niya ang ways ko sa pag-inum ng alak. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko at kitang-kita ko ang paglunok niya. Walang pagmamadali at dinahan-dahan ko ang pag-inum. Hindi ako kumurap habang iniinum ang Gin. Ayokong maputol ang pagkakatitig ko kay Markus. I amazed, parang may galit siya sa akin, ha? Nang tuluyan kong naubos ang Gin, I licked my lower lip. Muli akong kumuha ng maiinum na alak at ganoon lang ang ginawa ko. Hanggang sa makita ko ang padabog na pagtayo ni Markus. "Comfort room," maikling sabi nito. Doon na ako napangisi at napahawak sa lalamunan ko. Masyadong katapang ang Gin. Matapang, mapait pero matamis naman. Nakaka-adik uminum pero... Nakakaantok pala... Umakto lang ako kanina na para bang wala lang sa akin ang uminum ng alak. Na para bang sanay na sanay na ako pero first time ko ito. Napatayo ako at tinungo ang entablado. May nakikita akong nagpapatugtog no'n. "Hi, d-do you need something, Miss beautiful?" ngiting-ngiting tanong sa akin ng isang cute na lalaki. Tinuro ko ang guitar. Maliban sa violin ay marunong akong magpatugtog ng gitara. Basta may string. "You want to play? Sure!" masayang sabi ng lalaki at lumipat siya nang upuan. Malapit lang ito sa puwesto niya kanina. Umupo ako. Mahiyain ako, yeah. Pero dahil sa Gin na iyon ay parang lumakas ang loob ko na magpatugtog ng gitara. Sinulyapan ko ang puwesto namin ni Markus kanina at nakitang nandoon na siya. Nag-ano lang ba siya sa comfort room at nakabalik na kaagad. Nakatayo siya at nasa baiwang ang magkabilang kamay habang nakatingin sa akin. I looked away at sinimulan kong patugtugin ang string ng gitara. Na hindi ko pa rin pinuputol ang tingin ko sa kanya. Sumenyas ako sa kanya na umupo siya and he did. Ramdam ko ang maraming pares ng mga mata ng customers kaya sinuyod ko nang tingin ang paligid ko. Lahat nasa akin ang atensyon. "Good evening. Tonight, let me own the stage. I just want to play a guitar. I'm not a singer, okay? So, bear with my voice," sabi ko pero nanatili ang walang expression ang mukha ko. Nagsasalita ako habang marahan na ginagalaw ko ang string. Binalingan ko ang lalaki kanina at hanggang ngayon ay nakangiti pa siya. Mas lumapad ang ngiti niya nang makitang nakatingin ako sa kanya. "Any song that you want me to sing for you, guys? A brokenhearted song," sabi ko at umalingawngaw na ang sigaw nila. Mapababae man o lalaki. "All I want!" "Olivia Rodrigo!" Iyon lang ang malinaw sa akin. Inalala ko naman ang kantang iyon. All I want... Oh, got it. I CLOSED my eyes, dumagundong sa tahimik na lugar ang tunog ng gitara ko. "I found a guy, told me I was a star He held the door held my hand in the dark, and he's perfect on paper but he's lying to my face. Does he think that I'm the kinda girl who needs to be saved?" Tanging ang malamig na boses at ang tunog ng gitara ko lang ang narinig ko. Kinanta ko ang unang stanza na hindi man lang dumilat. Sa dami ng mga matang nakatitig sa akin pero isa lang ang pamilyar sa akin. Isa lang ang nangingibabaw. Isa lang ang gustung-gusto kong angkinin na sana ako na lang ang buong magdamag niyang titigan. Bagamat nagagawa niyang pabilisin ang t***k ng puso ko. "And there's one more boy, he's from my past We fell in love but it didn't last 'Cause the second I figure it out he pushes me away And I won't fight for love if you won't meet me halfway And I say that I'm through but this song's still for you All I want is love that lasts Is all I want too much to ask? Is it something wrong with me? All I want is a good guy Are my expectations far too high? Try my best but what can I say All I have is myself at the end of the day But shouldn't that be enough for me?" Markus is not a guy from my past pero bakit feeling ganito ang kuwento namin? "Ooh ooh ooh ooh, ooh ooh. And I miss the days When I was young and naive I thought the perfect guy would come and find me Now happy ever after it don't come so easily All I want is love that lasts Is all I want too much to ask? Is it something wrong with me? Oh All I want is a good guy Are my expectations far too high? Try my best but what can I say All I have is myself at the end of the day And all I want is for that to be okay." I want that one, too Olivia. And I want Markus exclusively for me... I like him, so much. As I opened my eyes, his dark deep eyes met mine. I smiled at him. I stood up and left them all with no words. Napatingala ako sa langit. Madilim na masyado. 2 AM na pero ang tibay rin ng mga taong iyon at hindi man lang inantok. Ako nga ay bumibigat na ang mga mata at parang makakatulog na ako ng wala sa oras. "Let's go home, baby." Isang mainit na tela ang bumalot sa nanlalamig na katawan ko at kasabay nito ang mabangong perfume ni Markus. "You have a nice-cold and sweet voice. I thought sa violin ka lang magaling. Your voice is a breathtaking..." he said softly and I felt the drop of water on my skin. "There's a rain..." I murmured. "Yeah, we need to be hurry--" he didn't finish his words dahil nagsimula nang bumuhos ang ulan. I want to kiss Markus under the rain... Because that's my dream. Na makuha ang first kiss ko under the rain... Song used: All I Want By: Olivia Rodrigo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD