Chapter 51:Make her stay
NAIKUYOM ko ang magkabilang kamao ko nang sinundan niya ako palabas. I already told her na ayoko na siyang makita pa!
"A-Anak, please... P-Pakinggan mo naman ako...hayaan mo si m-mama magpaliwanag..."
Muli ko siyang hinarap at hindi pa rin nagbabago ang reaction niya. Nasasaktan pa rin siya.
"What are you still doing? You're forgiven. Just please, huwag mo na lang akong lapitan," I said. Yumugyog ang magkabilang balikat niya at pinipigilan na niya ang paghikbi niya.
"A-Anak..."
"That's my last favor. Nagawa mo naman for the past ten years na wala ako. Na kaya mo naman... Pagtuunan mo na lang nang pansin ang mga anak mo. Sa kanila ka na lang maging mabuting ina... Huwag na sa akin... Dahil kahit gaano ka pa maging mabuting ina sa akin ulit... You're reputation being my mother...sirang-sira na. Baka noon pa lang gusto mo na kaming iwan ni papa. Hindi mo lang magawa dahil siguro... Guilty ka kapag iniwan mo ako ng wala pang kamuwang-muwang sa mundo."
"H-Hindi 'yan totoo, anak..."
"Nagawa mo na akong iwan dahil nasa tamang edad na ako noon. 18 years lang kita nakasama... Salamat. Salamat dahil iniwan mo ako na may sarili nang pag-iisip... Dahilan para kamuhian kita ngayon..." sa nanghihinang boses na sabi ko.
"M-Mahal kita anak... Mahal kita..."
"Mahal din kita, m-mama..." Nasabi ko 'yon nang hindi nababasag ang boses ko. Nag-iinit lang ang sulok ng mga mata ko pero alam kong kaya ko. I won't cry...
'Yong pinipigilan niyang paghikbi ay nailabas na niya. Sapo-sapo ang kanyang dibdib.
"Pero... Mas nangingibabaw ang sakit... Hindi ako dapat magalit sa 'yo. Naintindihan kita noon. Hinayaan kitang umalis kasi nakikita kong nahihirapan ka na. Nahihirapan ka nang pakisamahan kami..." Umiling na naman siya na tila hindi na naman niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Pero alam mo ba kung ano ang kalokohan na ginawa ko noon?" marahang tanong ko. Ilang segundo pa akong natahimik dahil naalala ko ang ginawa ko noon...
"Hinintay kita... Hinintay kita na bumalik... Na kung...na kung mahal mo talaga ako...kami ni papa ay babalik ka. Babalik ka sa amin... Kasi...kayo ang nagsabi no'n sa akin... Na kapag lalayo ang isang tao... Hayaan mo... Na kung mahal ka niya talaga ay babalik din siya... But I realized, you don't love me that much...para balikan mo ako. Wala akong galit sa 'yo, mama... Siguro nagtatampo lang ako?"
"Napakaikli ng mundo para sa atin hindi ba? 'Yong lalaking minamahal ko ay mahal din ng anak mo. 'Yong anak mo, pakiramdam ko ay inaagaw niya sa akin ang mga mahal ko. Na napaka-suwerte niya...'yong ina ko na sa kanya. Tinatawag niyang mama...at nakikita ko kung paano niya alagaan, mahalin at ipagtanggol ang ibang tao kaysa sa sarili niyang anak..." Parang namanhid ang dibdib ko at hindi ko na maramdaman pa ang kirot nito. Ang lamig-lamig ng katawan ko. Mas lalo lang nawala ang emosyon sa mukha ko.
"Na dapat para sa akin ang mga 'yon. Pero sino nga ba ako para ipagkait sa 'yo ang mga bagay na 'yon? Mas mahal mo sila kaysa sa amin..."
"No, baby... Mahal kita at minahal ko rin ang papa mo, anak..."
"Pero hindi sapat para manatili ka sa amin, mama... Kahit para na lang sana sa akin... Kahit hindi niyo na mahal si papa...para sa akin na lang. Nanatili ka na sana alang-alang sa akin... But you choose to leave. You left me on my 18th birthday..." After saying those words... I left her.
"IIWAN mo na si Marue?" narinig kong tanong ni Markus from behind but I ignored him.
"Iiwan mo talaga ang alaga mong pusa?" tanong pa niya.
Naglakad lang ako nang walang destinasyon at patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin.
Para akong nawawala sa sarili... Kanina...nararamdaman ko... Nararamdaman ko ang pamamanhid ng puso ko... Inaamin kong nagalit ako... Nagagalit ako sa kanya pero gumaan ang mabibigat na dala-dala ko, simula nang iwan niya kami ni papa... Gumaan... Tila nasabi ko na sa kanya ang lahat... Ang panunumbat sa kanya. Pero hindi ko na kayang ibigay sa kanya...ang isang bagay na sinayang niya noon.
Mahirap nang ibalik ang dati...na maayos pa ang lahat... May lamat na... May lamat na sa pagitan naming mag-ina...
May magagalit kaya kung sasabihin kong napatawad ko na siya? Kasi tanggap ko na ang lahat... Tanggap ko na...
Napahinto ako sa paglalakad nang mabundol ang noo ko sa matigas na bagay. At una kong nakita ang dalawang pares na sapatos ni Markus. Nanuot sa ilong ko ang mabango niyang perfume.
Hinawakan niya ang chin ko at iniangat ito para masalubong ko lang ang mga mata niya. Na dati-dati ay malamig at walang kislap. Walang kahit na anong emosyon, maliban na lamang ang pagka-disgusto sa akin.
Pero ngayon, parang nababasa ko ang amused sa mga mata niya and love?
"Don't look at me like that, please," malambing na sambit niya. Hindi ko alam na kung sa anong paraan ko ba siya tinitingnan ngayon.
"Please..." Napakurap-kurap ako nang haplusin niya ang kaliwang pisngi ko.
"You want a hug?" Bumilis ang t***k ng puso ko.. Parang kanina lang ay ako ang nagsasabi niyan sa kanya.
"Cry...just cry, baby... To ease the pain..." sabi pa niya at muli niyang hinilig ang ulo ka sa matigas niyang dibdib.
"I'm in pain..." parang batang sumbong ko sa kanya...
Para akong dinapuan ng apoy sa pisngi ko at maging sa batok ko. Nang pinagdikit niya ang tungki ng mga ilong namin at marahan na kinikiskis 'yon. Hindi ko na namalayan ang kanang braso ko na nakalingkis na sa baywang niya.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya na malapit lang sa mukha ko.
"What my baby wants?" malambing na tanong niya. Umaawang ang labi ko sa tuwing kinikiskis niya ang ilong niya sa akin.
"Hmm?"
"I want to bite something..."
"Not your lips...probably your... finger..."
"Fvck, baby... Kawawa naman ang daliri ko..." nanghihinakot na saad niya. Lalayo na sana ako nang hinigpitan niya ang pagkakayapos sa katawan ko kasabay nang maramdaman ko ang daliri niya sa labi ko. Na he's ready na para kagatin ko 'yon.
"To ease the pain... Okay," namamaos niyang sabi.
Hinawakan ko pa ang kamay niya para hindi niya 'yon matanggal and he chuckled.
"Go ahead, it's all yours, baby," he said and he softly kissed my forehead.
Nang maramdaman niya ang unang pagkagat ko sa daliri niya ay napaigtad pa siya pero nang tumatagal ay parang nasanay na siya.
Gigil na gigil na kinagat ko 'yon habang masuyo niyang hinahaplos ang buhok ko pababa sa likod ko.
Nararamdaman ko ang pagbaon ng mga ngipin ko sa balat niya...
Wala naman na akong pain na nararamdaman. Gusto ko lang siyang utuin kung kaya ba niyang ibigay sa akin ang bagay na 'yon. And he did. Ngayon, hindi niya ako binigo.
Huminto lang ako nang malasahan ko ang metal na nasipsip ko. His blood.
"Fvck, baby no!" Pigil niya sa akin nang sipsipin ko ang daliri niya. Iniluwa ko na ang daliri niya na mabilis na namula.
Nasiyahan ako...
"Hindi ka talaga umiyak? Mukha ka pang masaya ngayon, ah," sabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ko na ikinaawang ng labi niya.
"I just hate you," sabi ko at bumaba ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malambot na bagay na lumingkis sa paa ko.
"Marue..." malambing na tawag ko sa alaga ko. Walang awa na ibinaba lang ni Markus ang alaga kong pusa.
"I can't believe this..."
Tumagilid lang ang ulo ko nang tinitigan ko si Markus. "Isa na lang... Iisipin ko na isa kang robot..." wala sa sariling sabi niya.
MARKUS S. BRILLIANTES' POV
HINDI siya umiyak...ni hindi ko man lang siya nakitaan na nasasaktan siya o ano...
Nakakabaliw ang pagiging matatag niya at hindi na talaga siya nag-breakdown katulad nang dati.
Fvck, I feel proud kahit na isa ako sa dahilan kung bakit siya nasaktan noon o baka hanggang ngayon din?
Oh, darn it... Siya lang, siya lang ang nakita kong ganito katapang na babae. Well, no wonder na naging US NAVY ito at naging kapitan pa ng barko. What? Barko?
Kung gaanon marunong siya? Oh, s**t. Gusto ko siyang makita na nakasuot ng uniporme niya habang pinapaandar niya ang isang barko.
Napatingin ako sa daliri ko nang maramdaman ko ang paghapdi nito . Ang sakit... Pero napapailing na lamang ako habang nakangiti. At least kinausap niya ako pero bumalik ulit sa dati.
Kung may mas tahimik pa bang tao ay si Theza Marie Medina 'yon.
Pinagmamasdan ko lang siya habang nasa mga bisig niya ang masuwerteng pusang gala. Hindi na niya ako pinansin pa at nasa pusa na 'yan ang atensyon niya.
Naalala ko si Ninong Thenzel... Fvck... Ilalayo na ba ni ninong sa akin ang anak niya? No, hell no...
Iisipin ko na pa lang na aalis na siya ay parang aatekehin na ako sa puso... At kung tuluyan na nga siyang aalis ay baka tuluyan na rin akong mamamatay. Ibang-iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang nakadepende na sa kanya ang kasiyahan ko and worst nasa mga palad na niya ang buhay ko.
Naka-park lang ang sasakyan ko sa gilid ng park kung saan una naming napuntahan ito.
Nakaupo pa rin siya sa shotgun seat at nakabukas ang pintuan... Dito rin kami nagkape noon.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya. She never glanced at me. Umupo ako sa sahig and I rested my head on her lap. Kahit nandoon pa ang pusa...
"Ako rin... Lambingin mo naman ako, baby..." mahinang sambit ko habang nakapikit.
"Lambingin? Ikaw ang nagpapalambing, engineer," sabi niya kahit hindi ko nakita ang maamo niyang mukha ay alam ko salubong na ang kilay niya.
Hindi 'yong kamay niya ang naramdaman ko. Kundi ang balahibo ni Marue...
Masakit isipin...na kinakausap niya lang ako dahil aalis na siya...
Alam ko na hinahayaan niya lang ako dahil iiwan na niya ako...
Alam kong ganoon... I'll make her stay with me... I promised that...
I don't want to lose her again...