CHAPTER 52

1725 Words
Chapter 52: Mrs. Brilliantes "GOOD morning, baby," I greeted her when she accepted my calls but she'll hang up as soon as she heard my voice. Mukhang napindot niya ito nang hindi sinasadya. Napasimangot ako at bumuntong-hininga. Ano pa ba ang gagawin ko sa kanya? I mean...paano ko ulit siya makuha? Paano ko ulit makuha ang loob niya? Darn it, ang hirap pa naman niyang suyuin. Parang may pusong bato iyon, eh. Nasa kompanya ako ngayon at abala masyado sa trabaho ko nang pumasok si Markin na may bitbit na babae. Nagpupumiglas pa ito mula sa pagkakahawak niya. "Let me go!" narinig kong sigaw ng kasama niya at hindi lang pala ito ang bitbit ni Markin. Nasa kabilang bisig niya ang isang batang lalaki. If I'm not mistaken ay nasa four or five months pa ang bata. Hindi ito umiiyak at hindi naman tulog. Gising na gising ang diwa ng bata. Pero nag-iingay ito. Nilalaro-laro ang bibig niya at gumagawa ng baby sounds. "Kuya, anak mo raw ito," nakataas na kilay na sabi sa akin ni Markin. Binitawan ko ang hawak kong ballpen at matiim na tiningnan ang bata. Nagpapatawa ba ang kapatid ko? Ni hindi nga ako kinabahan nang ibalita niya `yan sa akin. Tss. "Hindi nga kasi ganoon! Pamangkin ko `yan! Akin na nga at baka umiyak pa `yan!" sigaw ng babae at napaka-pamilyar sa akin ang boses niya. Kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko at tiningnan ang babae. Kaagad namang ibinalik ng kapatid ko ang bata. At doon ko na nakilala ang babaeng kanina lang ay bitbit niya. Hindi nga ako nagkamali. `Yong weird na babae pala na artist painter. Kahit sa labas ay ganito talaga ang sinusuot niyang damit. Long dress at may itim na clock din siya na nakatakpan sa mahaba at kulot niyang buhok. Itim na itim pa rin ang gilid ng mga mata niya at hindi na itim ang lipstick. Red. Tapos pati ang bata ay isinama pa niya sa weird outfit niya. Black outfit din at may maliit na sumbrelo ito sa ulo. May sungay pa. Weird. "Sir Markus!" masayang sambit nito sa pangalan ko at bahagya pang napaigtad sa gulat ang bata. Maiiyak na sana ang pamangkin niya nang hinaplos niya lang ang pisngi nito at inosente lang nakatingin sa kanya. Bumalik sa pagka-jolly ang bukas ng mukha nito at napapa-palakpak pa. "What just happened?" gulat na tanong ng kapatid ko nang makita iyon. Kahit ako ay nagulat din sa nakita. Paiyak na nga ang bata pero nang hinaplos niya lang ang pisngi nito ay patawa-tawa na ito ngayon. "Hindi lang siya weird, kuya. Baka witch din `yan," bulong ni Markin malapit sa tainga ko. "I heard you," malamig na sabi nito. Malamig din siyang tiningnan ni Markin at hindi rin nagpapatalo ang babae. Kahit talaga babae ay pinapatulan ng kapatid ko. "That's enough. What are you doing here, miss weird?" I asked the girl. Nagbago na naman ang facial expressions niya. May ngiti na sa labi. "Hindi mo ba ako iimbitahan na maupo na muna? At alukin ng kape?" diretsong sabi nito na ikina-ismid pa ng kapatid ko. "Siya na `tong nakaisturbo ay siya pa ang demanding," my brother murmured again. I almost laugh. Masyadong apektado sa presensiya ng babae ang kapatid ko. Pero tama nga naman. At isa pa may kasama siyang bata. Kaya iminuwestra ko na lamang ang sofa para makaupo na siya. Bago ako umupo sa kabilang sofa ay tinawagan ko na muna ang secretary ko na dalhan kami ng kape. "Saka biscuit na rin para sa pamangkin ko," nakangiting sabi ng babae na tinanguan ko na lang. Sumunod din sa akin si Marki, "Hindi ba at may trabaho ka pa?" Hindi ako sinagot ni Markin at umupo lang siya sa tabi ko. Curious sa bisita ko. "Nandito po ako kahapon. Ang kaso ang isang `yan ay pinadampot ako sa mga security guard palabas ng building niyo," she reasoned out at nagawa pa niyang duruin ang kapatid ko. "Hindi nga kasi puwede, miss. May dress code ang kompanya n--" the girl cut him off. "What's wrong with my outfit, sir? Disente po ang ayos ko kaysa sa babaeng kasama mo na isang tuwad lang ay makikitaan na?" "What the fvck?!" Napahilot ako sa sentido ko. Bakit ba nagkatagpo ang dalawang ito? Mukhang hindi sila magkakasundo nito. "At bakit ganyan makatitig sa akin ang pamangkin mo? Inaano ko ba `yan?!" natatarantang tanong ni Markin sa babae at napatingin naman ako sa bata. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita na walang emosyon na tiningnan nito ang kapatid ko. At hindi talaga ito kumukurap. Titig na titig kay Markin. "Markiana, don't look at him like that. Cry baby pa naman ang ka-eye to eye mo," sabi nito sa pamangkin at isang kurap lang ng bata ay bumalik ulit ito sa normal. Maingay na naman ang bibig niya, "The fvck?! Markiana?! Lalaki ang pamangkin mo at hindi babae. At bakit Markiana ang pangalan niyan?" hindi makapaniwalang tanong pa niya. "Sounds Markin..." I murmured. "Shut up, kuya." "Iyon ba? Weird kasi ang nanay nito, eh. Siya si Markiana. Pamangkin ko," pakilala nito sa pamangkin. "Kamukha mo," wala sa sariling sabi ko. Kamukha niya talaga ang bata. Parang siya lang ang gumawa no'n...pero parang... "Pamangkin ko nga kasi! Manang-manang sa tita, eh," giit pa niya. Hindi rin nagtagal ay pumasok na ang secretary ko na may dala-dalang tray. May tatlong cup of coffees at nasa isang plato ang biscuit. "SAAN ko po ba ipapa-deliver ang mga painting, sir? Saka kailangan ko na rin po kasing makuha ang payments," she said. "Ibigay mo na lang ang bank account mo at ang secretary ko na ang bahala roon. Ibibigay ko sa `yo ang address namin ng asawa ko," sabi ko at gumuhit sa dibdib ko ang kasiyahan nang sabihin ko ang salitang 'asawa' kaya nagtaas na naman ng kilay ang kasama ko. "Alam mo po ba ang nagagawa ng kasinungalingan? Kinakarma po `yan. Wala ka naman pong singsing, eh," sabi niya sa akin at umismid pa na sinulyapan ang daliri ko. I gritted my teeth. She's annoying. THEZA MARIE MEDINA's POV "Delivery po, Mrs. Brilliantes." I arched my brows when the weird girl called me that name. Siya kaagad ang bumungad sa akin nang mag-doorbell ang condo namin. "What are--I'm not even married with--" I took a deep breath when I saw Markus. "Hi, baby," he greeted me. Pinunasan ko pa ang pisngi ko na hinalikan niya bigla. "I'm with my pamangkin. Puwede bang pumasok?" she asked me. Hindi pa ako nakakasagot nang pumasok na siya sa loob ng condo namin ni Rudeng. May karga-karga nga siyang bata. I crossed my arms above my chest at naninimbang na tiningnan ko si Markus. Siya siguro ang nagbigay ng pangalan ko sa babae. "Can I co--" "Nope," mariing sambit ko at akmang pagsasarhan ko na siya ng pinto nang maunahan niya ako. Hinawakan niya ang baywang ko at marahan na binuhat pa niya ako para makadaan lang siya. Isang kamay lang niya ay nagawa niya akong buhatin. "There," aniya at ibinaba na niya ako. Walang emosyon na tiningnan ko lang siya at tinalikuran. He's annoying. Nakaupo na sa couch si Rea at ang batang babae ay nasa sofa bed na. Nakadapa at may pinaglalaruan na bagay. "How about the painting. Dito na ba dadalhin, baby?" Pumintig ang sentido ko nang magsalita na naman si Markus. Umupo ako sa single sofa na nakatapat lang kay Rea. Ang lapad-lapad ng ngiti niya. "So, Mrs. Brilliantes--" "Do I look I'm a married woman, now Miss Rea?" I asked her in a cold tone. She laughed with humor. "Say it to the man who told me that you're his wife, ma'am," sabi niya at saglit pa na sinulyapan ang katabi ko na dikit nang dikit sa akin kahit hindi ko naman siya pinapansin. Well, papansinin talaga siya. "Ipadala niyo mansion ng papa ko ang mga paintings at ako ang magbabayad," sabi ko at tiningnan si Markus na sa akin talaga nakatitig. He looked at me in a gentle way. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Walang salita na umupo siya sa armrest ng sofa at nagawa pa niya akong akbayan. "Bayad na po, miss," mahinang sambit niya bago pa ako makapag-protesta ay nahalikan na niya ako sa noo ko. "Go away," I said and push his face away from me. Naging masunurin naman siya pero natatawang dumistansya sa akin. "But Miss Rea, I'm not married to anyone," giit ko na ikinatango niya lang. "Basted," she murmured. "Soon, baby... You're gonna be my wife." "In your dreams," I said, sarcasm. Tumaas ang sulok ng mga labi niya, "Yes, miss. In my dreams. You're my dreams," he said and I shook my head as if sinasabi ko sa kanya na naaawa ako sa kanya. "Then it settled, Miss Theza." Nilingon ko si Rea at tumayo na siya. Maingat na binuhat ang batang kasama niya. "What's your daughter's name, Miss Rea?" I asked her and she gasped. Lumapit na naman sa akin si Markus, "Baby, he's a boy," mahinang bulong nito sa akin. "She's a girl," I said. I stood up from my chair at mariin na tinitigan ko ang bata. Hindi talaga ako nagkakamali sa nakikita ko at sa obserbasyon ko sa bata. Hindi siya lalaki. I smirked when an idea popped up my brain. "Who's her father? A Brilliantes? You hide this pretty and innocent girl in a boy's outfit?" I asked her in a series voice. "What do you mean about that, baby?" Markus asked me but I ignored him. "You have a sister, right?" I asked him instead. He blinked his eyes repeatedly. Pero maya-maya lang ay umalingawngaw na naman ang nakakairita niyang boses. "You're so fvcking gen--aw, that's sweet," aniya nang kurutin ko ang tagiliran niya. "We...we have to go." She looks nervous. I nodded my head, "See you when I see you, little Brilliantes," I said. Tumawa lang si Miss Rea. She didn't complain though. Dapat itanggi niya na hindi `yon Brilliantes o igiit niya sa akin na lalaki ang anak niya. "Pamangkin niya `yon, baby." "Baka anak mo," sabi ko at hinatid ko si Miss Rea palabas. "Bye, Miss Theza," pagpapaalam niya sa akin. Pero sa batang babae nakatutok ang buong atensyon ko. Lumingkis na naman ang braso ni Markus sa baywang ko. "What was that?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD