CHAPTER 14

1919 Words
Chapter 14: Not welcome SA UNANG araw ko pa lamang sa Philippines ay hindi na maganda ang bungad sa akin. Parang pati ang bansa na ito ay inayawan na ako kaagad, katulad ng pangre-reject sa akin ni Markus nang paulit-ulit. At first na hold-up pa ako. Masuwerte pa ako dahil hanggang pagkuha lang ng mga gamit ko ang pinagka-interesan ng hold-upper na iyon. Pero ngayon, may stalker pa yata ako. Death threat, nababasa ko lang ang mga ganitong pangyayari sa mga nobela and somehow alam ko na ang feeling ng may kinakatakutan and worst hindi mo alam kung sino. O ano ba ang purpose niya kung bakit tinatakot niya ako ngayon? Kailangan ko na bang mag-ingat? Nakaupo lang ako sa sofa at nakatitig sa pictures ko sa coffee table. Kinuha ko ang phone ko at naka-received kaagad ako ng message from Rudelyn. Pinapaalahanan na naman ako nito na huwag ko raw i-skip ang lunch time ko. Tumayo ako at pumasok sa magiging room ko. Inayos na ng pinsan ko ang mga gamit ko. Para talaga siyang nanay na inaasikaso ang sarili niyang anak. May mini bookshelf sa loob at nilagyan iyon lahat ni Rudelyn ng mga libro kaya inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa na kalaunan ay nakaidlip din ako ng hindi ko namamalayan. Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng doorbell sa labas. Napatingin ako sa pintuan ng kuwarto ko at naalala ang lalaking kanina lang. What if bumalik siya at may panibago na namang ibibigay na death threat? Nagdadalawang isip ako na pagbuksan ang kung sino mang tao sa labas ng unit namin. Pero lumabas din naman ako mula sa kuwarto ko. Nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Inabot ko ito. Unregistered ang tumatawag sa akin. Na sabi ko na hindi ako pala-cellphone. Maski nga ang pinsan ko kapag tinitext ako nito ay hindi ko naman sinasagot. Tawag lang at ilang minuto lang kaming mag-uusap. At si Rudelyn lang ang nakakaalam ng bagong numero ng cellphone ko. Kaya maliban sa kanya at kay papa ay sino naman ang tatawag sa akin? In the end, I accepted the call at ang boses ni Markus ang narinig ko from the other line. "Yes?" sagot ko. "Open this d*mn door, Medina!" galit na saad niya. I glanced at the door, hindi niya tinigilan ang doorbell namin. At mukha siyang frustrated. Sunday ngayon at alam kong day off niya kaya nagawa ko siyang kulitin kanina. "And why is that?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya at naglakad ako palapit sa pinto. "Just open it!" frustrated na saad niya. Pinatay ko ang tawag at pinihit pabukas ang pintuan. Bahagya lang nakabukas at sinilip ko lang din siya. Salubong ang kilay at nagtatagis ang bagang niya nang tingnan niya ako. Talagang galit siya. "Ope--" bago pa niya matapos ang words niya ay pinagsarhan ko na siya ng pintuan. Tumawag ulit siya sa phone ko pero bahala siyang mainis sa akin dahil wala akong balak na pagbuksan siya at maski ang phone's call niya ay hindi ko sasagutin. Nakasandal lang ako sa nakasarang door at lumitaw naman sa screen ng phone ko ang pangalan ni Rudelyn. Sinagot ko ito. "What?" tanong ko sa kanya. "What are you doing, Theza?! Pagbuksan mo ang fiancée mo! May lunch siyang dala para sa 'yo dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko?! Alam mo ba kung anong oras na ngayon?! 1PM na! Nasaan ka ba?" Napahilot ako sa sentido ko dahil sa malakas na boses niya. Kahit over the phone pa ay talagang nakakairita ang boses niya. "Open it, come on." Kumunot ang noo ko sa narinig na baritong boses. I'll check the caller ID. At pangalan pa rin ng pinsan ko iyon. Paanong...ah, conference. I'll off mg phone at muli kong binuksan ang pintuan. Wala ng emosyon ang facial expression ni Markus at ang isang kamay niya ay nakatukod sa pader. Dahil sa naabutan kong post niya ay nataranta ang puso ko, bumilis ang t***k no'n kaya ang naisip ko na lamang ay isara ulit ang pinto pero naagapan niya. Napigilan niya ang pagsara no'n at marahan na tinulak ako papasok. Napaatras ako at nang tuluyan na siyang nakapasok ay hinila niya ang braso ko. Dadalhin pa niya yata ako sa mini kitchen namin pero bago roon ay huminto siya at napatingin sa coffee table. Particular na tiningnan niya ang nakakalat na litrato. "What was that?" curious na tanong niya. "Death threat?" patanong na sagot ko at binalingan niya ako. Ngumisi siya sa akin at muli akong hinila. "As if may magkaka-interes sa 'yo," balewalang saad niya. I shrugged my shoulder. Bahala siya. Ayaw maniwala? Pakialam ko sa kanya. Umupo ako sa highchair at inilapag naman niya ang dala niyang lunch pack para sa akin. Hindi siya ang nagluto no'n. In-order pa niya sa labas. Saka kung hindi siya sinabihan ng pinsan ko ay as if dadalhan niya ako ng pagkain. "Kumain ka at ng sa susunod ay hindi na ako iistorbuhin ng pinsan mo," pangangaral nito sa akin at akmang aalis na siya pero hinila ko ang laylayan ng shirt niya. "Aalis ka na?" tilang batang tanong ko sa kanya. Sanay akong kumain ng mag-isa pero tutal naman ay nandito siya kaya mas better na may kasabay ako. Hindi ba? Simula pa lang ito ng pangungulit ko sa kanya. "Pake mo?" malamig na saad niya. "I want to eat with you," sabi ko sa seryosong boses. Tumawa siya na may himig na pang-iinsulto. Tinaasan pa niya ako ng kilay. "Tapos na akong kumain," mariing sabi niya saka siya tuluyang umalis. Tinitigan ko lang ang pagkain na dala niya at maya-maya ay narinig ko ang footsteps niya. Bumalik siya at padabog na pinaghain ako ng pagkain. Lihim na nagbunyi ang kalooban ko nang makita na dalawang plates ang kinuha niya. Meaning kakain din siya. May kasama ako. "Kumain ka na," utos niya at inismiran pa ako nang makitang nakatingin ako sa kanya. Kinuha ko ang kutsara at nagsimulang kumain. Hindi ako pamilyar sa binili niyang foods kaya hindi ko mapangalanang isa-isa pero masarap siya. "Hanggang kailan kayo rito? Kailan ang balik niyo sa Spain? At bakit hindi ka sumama ro'n? Dapat sumama ka at ng maganda naman ang araw ko," simula niya. Hindi ko siya pinansin. Masyadong masakit ang bawat katagang binibigkas niya. Nasasaktan ako nang hindi niya namamalayan. Pero master ko na ang pagtatago ng totoong nararamdaman ko, ang emosyon ko. Kaya kung titingnan ay parang wala lang sa akin ang mga sinabi niya. Hindi niya alam ay mas masakit ang mga katagang iyon lalo na kung sa bibig niya nagmumula. "I hate your presence," dugtong na wika niya. Hindi ko nakayanan kaya pabagsak na binitawan ko sa table ang hawak kong spoon. Napaigtad pa siya sa gulat. Kumakain ako, eh kung anu-anong pang-iinsultong sinasabi niya sa akin. Kinuha ko ang plato ko na may lamang pagkain pa. Kalahati lang ang nakain ko. Tinapon ko ang laman nito sa trash bin at dinala sa lababo ang pinagkainan ko. Halos mabasag ang plato at baso pero wala akong pakialam. I left the kitchen with no words. Bumalik ako sa sofa at inabot ang remote. Nanood na lamang ako ng TV na hindi ko naman maintindihan. Dahil sa inis ko sa lalaking iyon. Puwede naman siyang kumain nang hindi nagsasalita basta ramdam ko ang presensiya niya. "Lalabas na ako." Hindi ko siya kinibo at nakatutok lang ako sa TV. "Lalabas na ako," pag-uulit niya. "Then get out," walang emosyong sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "D*mn it." "Napaka-tigas ng ulo mo," nang-iinsultong komento niya. "Pake mo ba?" pabalang na laban ko sa kanya. "Gusto mo pa bang kumain? Hindi ka nabusog. Bakit mo ba tinapon ang pagkain mo? Gusto mong um-order ako ulit? Ano ba ang gusto mo?" sunud-sunod na tanong niya sa akin. Halatang guilty siya sa sinabi niya kanina at parang natutunaw ang galit sa dibdib ko dahil sa panunuyo niya sa akin. Pero...hindi niya ako makukuha sa panunuyong ganyan. I'm not that type of person na madaling suyuin. Nilampasan ko siya at tinungo ko ang pintuan saka ko ito binuksan. "Labas," sabi ko sa malamig na boses. "Baby..." "Stop calling me that," I warned him. "Baby, I'm sorry." "You called me that name because suggestion 'yan ng girlfriend mo," sabi ko at kitang-kita ko ang gulat na rumihestro sa mukha niya. "Pinakialaman mo ang phone ko?" utas niya. "So, what?" pabalang na saad ko. "s**t," suko niya at naglakad patungo sa akin. Akala ko ay lalabas na siya pero hinila niya lamang ang braso ko at kinaladkad palabas. I tried to protest but I can't. Masyado siyang strong at hindi ko kayang makawala sa kanya kaya sa huli ay nagpatianod na lamang ako sa kanya. Dinala niya ako sa ice cream parlor na walking distance lang ang layo mula sa condominium namin. "Take a sit first, bibili ako ng ice cream." Ginawa pa akong bata. Ganito ang gusto kong pag-uugali niya. Ay iyong nag-eeffort siyang gawin ang lahat para sa akin pero alam ko after this ay magbabago na naman ang pakikitungo niya sa akin. Ako na naman ang mangungulit sa kanya at maghahabol. Mabuti na lamang ay nakasuot ako ng puting blouse at loose pants na kulay abo. Ang mahaba kong buhok ay nakalugay lang sa likod ko. Nahinto ang pag-iisip ko nang may mga teenagers ang lumapit sa puwesto ko. Tatlong babae lamang sila. "Hindi ba ikaw si Theza Marie?! Ang sikat na violinist sa Spain?!" At nang binanggit nila ang pangalan ko ay isa-isang nagsilapit ang iba. Hindi ko sila pinansin at sa table lang ako nakatingin. "Pa-picture naman po!" "Idol ka namin po señorita Theza!" Ang ayoko sa lahat ay iyong dinudumog ako ng tao. Ayoko sa atensyon kung hindi ko naman concert, tsk. Nagkakagulo na silang lahat at may mga umakbay pa sa akin para makakuha ng picture kasama ko. Hinayaan ko silang lahat kahit deep inside ay naiirita na ako sa boses nila. Masakit sa tainga. Nag-react lang ako nang maramdaman ko ang paghapdi ng balat ko. "Hey, stop it! That's enough!" ang boses ni Markus ang umalingawngaw sa loob ng ice cream parlor. Galit na gal it ang boses niya. Mabilis na yumakap ang matitipuno niyang braso sa baiwang ko at ang pagkabig niya sa batok ko para dalhin iyon sa dibdib niya. Nahinto naman ang kaguluhan saka kami lumabas doon. Natakot siguro sa kanya. Dinala niya ako sa condo niya at doon kinain ang ice cream na hindi ko naman tinanggihan. "You okay? Hindi ba masakit 'yan?" tanong niya pero hindi ko mahanap ang pag-aalala niya. Tinutukoy niya ang pamumula ng braso ko dahil sa paghawak ng mga tao sa akin kanina. This is one of the reason kung bakit kailangan kong magsuot ng coat at hand gloves. Sensitive na nga ang balat ko sa araw ay maging sa paghawak sa akin ng kung sinu-sino ay ganoon din. Ginamot niya iyon at nilagyan ng ointment habang kumakain ako ng binili niyang ice cream na ube ang flavor nito. Masarap pero hindi ako masyadong kumakain nito sa Spain. "Bawal kang lapitan ng mga tao dahil sa balat mong sensitive." "Can I visit you sometimes?" I asked him. "Saan?" kunot-noong tanong niya sa akin. "Sa site niyo," I replied. "No," cold na sabi niya. "Why?" "You're not welcome," sabi pa niya. "I'm not saying thank you," pilosopong saad ko. "Don't go there, hindi ka welcome doon." "I will come." "No. Stay here." "Huwag mo akong uutusan, Engr. Markus."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD