CHAPTER 13

1856 Words
Chapter 13 : Avoiding her [First death threat) FOR THE second time around ay white shirt na naman ang suot ko at ang gray pajama niya. Bumangon ako at humilig sa headboard ng bed at napahilot sa sentido ko. Ang sakit no'n at parang pinupukpok ng martilyo. Napatingin ako sa bed-side table niya. May picture niya roon. Tipid lang ang ngiti niya. Akala ko ay phone ko ang nasa tabi ng picture frame niya pero sa kanya pala iyon. I'm curious... Tiningnan ko pa ang nakasarang pintuan at kinuha ang phone ni Markus. Walang password kaya madali ko itong nabuksan. And I regrets. Picture na naman nila ng girlfriend niya. Hindi katulad ng picture frame niya na tipid lang ang ngiti niya pero ang isang ito ay mukha talaga siyang masaya. Masayang-masaya... May gumuhit na namang sakit sa dibdib ko. Alam kong masama ang makialam ng gamit ng iba. But I told you, I'm curious. Hindi ako palagamit ng cellphone kaya ang inbox niya ang tiningnan ko. At doon ko nalaman ang sagot kung bakit 'baby' ang tawag sa akin ni Markus. Ay dahil iyon sa girlfriend niya na baka may masama akong balak. Na katulad din daw ako ng ibang babae na kontrabida sa love life nila at nag-suggest pa siya na dapat akong tawagin ni Markus na 'baby' para raw makuha nito ang loob ko at malaman ang plano ko laban sa kanila. Pakialam ko naman sa kanila, 'no? Kahit pumipintig ang sentido ko ay tuluyan na akong bumangon. May terrace ang kuwarto ni Markus kaya tinungo ko ito. Bumungad kaagad sa akin ang sikat ng araw at ang malamyos na simoy ng hangin. "That's my phone..." rinig kong sabi ni Markus from behind. Nilingon ko siya at sinuyod ko nang tingin ang suot niya. Para nga talaga kaming real couple dahil parehas ang suot namin. "Yours?" I asked him kahit alam ko naman na sa kanya ito. Hahakbang sana siya palapit sa akin pero nagbanta ako na ilalaglag ko ang phone niya sa baba. Nasa third floor ng mansion nila ang kuwarto niya at kung bibitawan ko ang cellphone niya ay alam kong dadami ang phone niya. In short mababasag. "Theza Marie. Akin na ang phone ko," he warned too. Tumaas ang sulok ng labi ko at nakita niya iyon. "Hindi ka ba naturuan ng maayos ng mama mo na bawal makialam sa gamit ng ibang tao? Lalo na kung personal things nila 'yan," walang emosyon na sabi niya. I admit it, nasaktan ako pero hindi ako nag-react. "Okay," sabi ko na akala mo ay sumuko. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makuha na niya ang cellphone niyang hawak-hawak ko. Umiigting ang panga niya nang lumapit sa akin. Aabutin na sana niya iyon nang kaagad ko nang binitawan ang phone niya. Of course hindi niya nasalo. "f**k!" malutong na mura niya. "Nadulas," tuwang-tuwang sabi ko. I bumped his shoulder before I turned my back against him. "You deserve it by the way, baby," nanunuyang habol ko pa sa kanya. "GOOD morning, hija," Markus' mother greeted me. "Morning po," bati ko pabalik sa kanya at magiliw na inaya niya ako sa dining room nila. Ang laki ng mansion nila. Naalala ko tuloy ang dating tirahan namin. Iyong kompleto pa kaming magpamilya. Nakaka-miss, nakakalungkot dahil isang alaala na lamang iyon. A memories from the past. Tahimik na in-obserbahan ko ang frankly ni Markus. Mabait at pakisama naman ang pamilya ni Markus. Lalo na ang mother niya pero bakit ang sama ng ugali ng lalaking iyon? At paasa. Cold at sugar daddy pa. Pinaghugot pa ako ng upuan ng mommy ni Markus. "Good morning po," magalang na bati ko kay grandpa, ang daddy niya at si Miko lang ang kapatid niya ang naririto. "Good morning din, hija Theza. Feel at home," ani ni grandpa. Ngumiti ito nang makita ako. Ngingiti na rin sana ako pabalik nang maramdaman ko ang presensiya ni Markus sa likod ko. Hinawakan pa nito ang balikat ko bago niya ako kinintalan ng halik sa pisngi. Naguguluhan man pero hindi ko na siya pinansin pa. Baka kasi ginagawa niya lamang ito dahil sa family niyang kaharap namin ngayon. Pakitang tao rin siya, eh 'no? Alam kong malaking impact sa akin ang ginawa niyang iyon pero isinantabi ko na lamang iyon. Ramdam ko ang mga tingin sa akin ng family niya. "Kumain ka, hija. Here, ako ang nagluto niyan dahil favorite 'yan ng fiancée mo," nakangiting sabi ni tita Jina. Ang tinutukoy niya ay ang prinito niyang lobster. M-Mukha ngang masarap but... Wala sa sariling napalingon ako sa tabi ko. Ngumisi siya sa akin at dinamihan pa niya lalo ang lobster sa plato ko. "This is her favorite too, mom. Ubusin mo lang, baby," sabi pa nito. Halatang gumaganti siya. At tinatawag pa akong baby. Eh, ang girlfriend niya naman ang may gusto na itawag iyon sa akin. Oh, well. Alam ko naman na galit siya sa akin. Sino ba ang hindi magagalit, kung binasag mo ang phone niya, right? Hindi talaga iyon nadulas, dahil sinadya ko. Wala eh, nainis ako sa nabasa kong messages nila kanina. "My pleasure," pang-aasar ko rin sa kanya. "That's good to hear. Madali kayong magkakasundo niyan," komento ng daddy niya. "At gustung-gusto niya rin ang lutong bahay, hija," ani naman ng grandpa niya. Malas siya sa akin dahil hindi ako marunong magluto. Poor engineer Markus. Hindi niya alam na pabor din sa akin ang kumain ng seafood. Pero bantay sarado ang pinsan ko sa akin at kahit nagrerebelde ako na kainin ang gusto ko na puro nire-reject naman ng katawan ko. Allergy. Nagsimula na kaming kumain at kahit papaano ay hindi na katulad ng kagabi na masyadong mabigat ang atmosphere. At panay rin ang pag-inum ko ng tubig. Hindi na pantay ang paghinga ko at nahihirapan na rin akong huminga. Pero nagagawa ko pa ring ipakita sa kanila na parang wala namang nangyayari sa akin. Natapos ang breakfast namin at nagmamadali akong umakyat sa itaas, sa kuwarto ni Markus at sumunod pa talaga siya sa akin. "Wala ka bang hang-over? Hindi sumakit a--" hindi niya natapos ang sasabihin niya sana dahil padabog na pumasok ako sa banyo at ibinalibag pa ang pintuan niya. Dumiretso ako sa sink-in at nanghilamos. Mabuti at hindi pa medyo visible ang pantal sa balat ko. Kailangan kong makita si Rudelyn. Ma-i-stress na naman iyon sa akin kapag nalaman niyang kumain na naman ako ng seafood at halos mag-aagaw buhay na naman ako ng dahil sa allergy ko. Pagkatapos no'n ay hinatid na ako ni Markus sa hotel kung saan kami naka-check in. Tahimik lang kami buong biyahe pero ramdam ko ang galit niya sa akin kaya tahimik din siya kanina. Katulad ng inaasahan ko ay galit na galit si Rudelyn. Dahil nagiging pasaway na naman daw ako but when I told her the truth ay natahimik din siya. Bumuntong-hininga rin siya. Binigyan niya ako ng gamot at nakatulog ako kaagad. And the next day, hindi na nagpakita pa sa akin si Markus. Alam ko na pabor din sa akin ang huwag akong makita. Halatang iniiwasan niya ako. "I NEED to go back to Spain, Theza. Kaya binili ito ng papa mo. Babalik naman ako kaagad, may aayusin din ako. Mag-ingat ka palagi rito, ha Theza? Kampante naman kami ni tito dahil nasa kabila lang ang condo ni Markus. Babantayan ka naman ng fiancée mo," pangdadaldal sa akin ni Rudeng. Tahimik ko lang siyang pinapakinggan habang sinusuri ko ang kabuoan ng condo unit na binili nga ng papa ko. Mabuti na lamang at naisipan ni papa na sa condominium na kung saan din ang unit ni Markus. So, magagawa ko ang nais kong kulitin siya. Malaki at maganda naman kahit medyo wala pang mga gamit sa loob. Kaya ko naman ang sarili ko kahit mag-isa lang ako. Hindi ako pasaway, kaya kong manatili rito nang hindi lumalabas ng kuwarto ko at kahit tumagal pa iyon ng isang buwan. "Basta, Theza. Kapag nakasalamuha mo naman ang future in-laws mo at seafood na naman ang kakainin nila ay tumanggi ka na. Sabihin mong busog ka in a good way, okay?" pangangaral pa niya sa akin. Tinanguan ko na lang siya. "Tawagan mo ako kung may kailangan ka, alright? Marami akong taong mauutusan dito." Ilang pangaral pa ang narinig ko from my cousin bago siya tuluyang umalis. Alam ko na kahit malayo pa siya ay monitor niya pa rin ang lahat ng ginagawa ko. Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Markus at natapos na rin ang issue namin. Ang hindi niyang pagsulpot sa engagement party namin. Mabuti na lamang daw at naisip kong kumanta sa bar na iyon at may nakakita pa na nandoon din si Markus. So, ang nangyari. Naganap pa rin daw ang engagement namin na kami lang dalawa ang nag-celebrate. Lumabas ako mula sa loob ng bagong unit namin at nag-doorbell ako sa condo ni Markus. Maya-maya lang ay binuksan niya iyon. Bored na bored pa siya at nang makita ako ay bigla niyang sinara ang pintuan niya. Nag-doorbell ulit ako at kinatok ko rin ang pinto ng condo niya. Bumukas na naman iyon. "Can I--" before I could finish my words when he pushed me away. "Go away..." malamig na saad niya. Makulit na ba ako masyado? Gusto ko lang siyang makita. Sumuko na rin ako at bumalik sa unit ko. Ngunit hindi pa man ako nakakapasok nang may pumigil no'n sa akin. Akala ko ay si Markus pero hindi pala. "Why?" cold kong tanong sa lalaki. "May delivery po kayo, ma'am. Paki-sign na lamang po rito," sabi nito sa akin at inabot sa akin ang ballpen. Naisip ko na baka si Rudeng ang may pakana nito kaya ginawa ko ang sinabi ng lalaki. Na hanggang ngayon ay nakasuot pa ng helmet niya. Masyado siyang creepy kaya tumayo lahat ang balahibo ko sa katawan. Pero nanatiling malamig ang facial expressions ko. "Salamat po, ma'am!" magiliw na wika nito. Dahil sa observation ko sa lalaking iyon ay hindi ako nagdalawang isip na ibagsak sa sahig ang isang maliit na box at mukhang hindi iyon binalot nang maayos kaya natapon no'n ang laman. Lumuhod ako at kinuha ang mga litrato ko... Pictures ko ang mga ito since dumating ako sa airport, na-hold-up sa taxi, sa site at ang huling kuha nito ay iyong...kanina lang. Ang pagpasok namin ni Rudelyn sa building. Ganito pala ang pakiramdam na padalhan ka ng death threat? Creepy siya pero na-thrill ako, ha? Kinuha ko isa-isa ang mga pictures. Puro ekis iyon at pulang tinta ang gamit. May cards pa... "I'm watching you," basa ko sa nakasulat sa card. Hindi pa man ako nagtatagal sa bansang ito ay may stalker na ako kaagad? Consider na ba itong death threat? Lahat kasi ng kuha ay blured at ako lang ang malinaw na ginuhitan pa ng malaking ekis sa mukha. At hindi na talaga mapagkakatiwalaan ang lalaki kanina dahil hindi man lang niya ako tinanong kung ako ba si Theza Marie Medina na halatang ako talaga ang padadalhan dahil may name nga ako. Inaamin kong kinabahan ako kaya hindi na ako lumabas pa sa unit ko. End of chapter 13.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD