Chapter Two
“MANONG, pasindi naman ako,” nakangiting saad ni Serenity sa lalaking nakaupo sa hood ng kotse. Inilapit niya ang sigarilyong nakaipit sa mga labi niya rito. Tila nairita ito sa ginawa niya.
“Wala akong panindi,” walang emosyong tugon nito bagaman halatang naiinis.
“Pwede namang diyan na lang sa sigarilyo mo, ah.”
“Hindi pwede.”
“Bakit naman?” nakataas na ang isang kilay na pahayag niya. Ang arte ng mokong na ‘to ha!
“Dahil napakabata mo pa para manigarilyo. Umuwi ka na nga sa inyo at baka mapalo ka pa ng tatay mo!” Pagtataboy pa nito sa kanya na ikinaasar niya. Humithit ito sa sigarilyo nito at pabilog na ibinuga ang usok niyon paitaas.
“Wala naman diyan ang tatay ko kaya hindi niya ako mapapalo!” pamimilosopo niya at inagaw ang sigarilyo sa bibig nito at sinindihan ang sariling sigarilyo niya. Humithit siya at ibinuga rito ang usok mula sa labi niya saka niya inabot pabalik dito ang sigarilyo nito. Mukhang mas lalo itong nainis sa ginawa niya. Napabungisngis lamang siya.
“Jeez, such a brat!” he hissed. Exasperated na itinapon nito ang hindi pa nauupos na sigarilyo nito sa lupa at dinutdot iyon hanggang sa mawalan ng baga.
“It’s better to be a brat than to be a swollen man like you. Constipated ka ba?” hindi natitinag na saad niya kahit bahagyang dumilim ang ekspresyon ng mukha nito.
Nagtaas ito ng dalawang kamay. “Alright, you pissed me off. Are you a member of a gang? I don’t know if it’s just part of your modus operandi but I’m telling you, please, pity for yourself, and pity for your life. You are still young, maitatama mo pa ang mga pagkakamali mo. Madami ka pang magagawa para makabawi sa mga magulang mo. Kaya sige na, umuwi ka na sa inyo. And stop taking drugs!”
Akmang tatalikuran na yata siya nito nang bigla siyang matawa ng malakas sa mga sinabi nito. Bahagya man siyang nainsulto sa mga sinabi nito ay mas lamang ang amusement na nadama niya. How strange? “Do you know what, you’re funny,” wika niya ng muli itong humarap sa kanya. “Stop preaching here. Kung hindi lang kita nakitang naninigarilyo at may mga bote ng alak na kasama ay aakalain kong pastor ka. Grabe naman, nakikisindi lang ako ng sigarilyo, taking drugs na agad? Ang OA mong maka-react, ha. Mas mukha ka ngang goon kaysa sa akin, eh.” Muli ay malakas siyang natawa, mas malakas pa kaysa sa una. Ah, hindi niya rin siguro ito masisisi. She’s acting like crazy!
Doon na lamang ito sukat tumayo sa kabiglaanan niya. Natameme siya. He towered over her. He was too tall. Hanggang dibdib lamang siya nito gayong naka-three inches high-heeled stiletto na siya.
Mukhang mainit na yata talaga ang ulo nito. Kunot na kunot na ang noo nito, salubong na salubong na ang mga kilay. Ngayon lang nag-sink-in sa utak niya na baka masamang loob ito o baka lasing na ito at mapagdisketahan pa siya. Nagsitaasan ang mga balahibo niya sa katawan.
“I think you are just goofing around and for that you deserve this punishment. Ito ang bagay sa mga suwail na bata!” Sa labis na pagkabigla ay hindi siya nakapagprotesta sa balak nitong gawin. Binuhat siya nito na parang isang sakong bigas at pinasan sa balikat nito. Ikinagulat na lamang niya nang pagpapaluin siya nito sa pang-upo niya. Nagpapadyak-padyak siya at pinagpapalo ang likod nito. Sinabunutan pa niya ito ngunit hindi iyon umubra dito. Wala na siyang nagawa upang tulungan ang sarili niya, wala siyang laban sa lakas nito.
Nang mapagod marahil ito sa pinaggagawa sa kanya ay basta na lamang siya nitong ibinagsak sa lupa. Napahiyaw siya sa sakit. Gusto niya sana itong bungangaan subalit sumakay na ito sa kotse nito at pinaharurot iyon sa harap niya. Napuno siya ng alikabok sa katawan sa ginawa nito, asar na asar siya. Para siyang batang maluha-luha na naiwang nag-iisa sa gitna ng kalsada.
“Bumalik ka rito, Manong!” sigaw niya pero imposible na yatang bumalik pa ito.
Nakakaasar!
INIHINTO ni Jeth ang kotse sa harap ng isang sexy na babae. Naroroon siyang muli sa kanyang paboritong tambayan kapag gusto niyang mag-isip at mapag-isa. Ngunit mukhang may nauna na sa kanyang pwesto. Marahan niya itong nilapitan. Nakatalikod ito sa kanya noong una habang naninigarilyo ngunit nang mapansin nito marahil ang presensiya niya ay nagbaling ito ng tingin.
Muntik na siyang mapangiwi nang makita ang mukha nito. Ang kapal-kapal ng kolorete niyon at hindi maayos ang pagkakalagay. Napaka-ikli ng suot nitong palda, micro-mini skirt yata ang tawag doon. Naka-tube lamang ito na itim na siyang kakulay ng suot nitong palda. Hindi siya maaring magkamali. Ito ang babaeng nakainisan niya noong isang araw sa lugar ding iyon.
Mali pala ang akala niya na miyembro ito ng isang gang o sindikato. Isa lamang pala itong pick-up girl at trip marahil nitong i-costumer siya kahapon. Doon siya biglang napaisip. Ilang araw na nga ba siyang walang nakatatalik? Isang linggo o isang buwan? Ah, matagal-tagal na rin pala. Halos hindi na niya matandaan pa.
Hindi siya sanay sa ganoon. Ang pang-araw-araw niya ay binubuo ng mga babae. Ngayon siguro ay kailangan niyang makatikim ulit ng ligaya na tanging mga babae lamang ang makapagbibigay. Hindi na rin naman siguro masama ang lasa ng isang pick-up girl dahil maganda naman ito kung walang make-up at maganda ang hubog ng katawan. Napakabata rin nitong tingnan.
“Sakay na!” yakag niya rito at nagpatiuna na sa pagbalik sa kotse niya. Nang hindi ito tuminag ay sinitsitan niya ito. “Sabi ko, sakay na!” ulit pa niya. Nagpalinga-linga ito sa paligid na para bang may iba pa siyang kinakausap gayong sila lamang dalawa ang naroroon.
“Ha?” tanging sagot lang nito, nanlalaki ang mga mata.
“Bilisan mo!” sigaw niya pang muli. Pinagbuksan niya ito ng kabilang pinto ng kotse. Tila wala sa sariling tumalima ito. Tulala lamang ito nang makapasok sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay nagtataka ito dahil tinanggihan niya ito noong isang araw tapos ngayon ay malugod niya itong inaanyayahan. Marahil ay nagulat din ito na napakaguwapo na rin niya ngayon dahil nag-ahit na siya ng bigote at balbas. Kung hindi siya marahil nito tinawag na goon at ermitanyo ay hindi niya maaalala ang pag-shave ng mukha.
Sadyang napababayaan na pala niya ng lubos ang kanyang sarili. Kailangan na niyang mag-move-on. He will be having a great night today!
Sinimulan na niyang paandarin ang makina at pinasibad iyon.
“HEY, where are we really going? I’m starving. Hilong-hilo na ako. Pakiramdam ko masusuka na ako.” Hindi nga naglipat segundo ay nagduduwal na si Serenity sa loob ng kotse. Nakaginhawa siya kahit papaano. Kinuha niya ang isang bottled mineral at nagmumog. Doon na rin siya dumura dahil ayaw talagang bumukas ng bintana ng sasakyan nito. Doon na lamang ito biglang nagpreno sa pagkagulantang niya. Muntik nang masubsob ang nguso niya sa salamin ng kotse.
“What the hell, you are a big pain in the neck! You are so gross!” asik nito.
“You are a big pain in my ass!” ganti niya, pinandilatan niya ito. “Kanina ko pa kasi sinasabi sa’yo na nahihilo ako. Gusto kong sumuka pero ayaw bumukas ng bintana ng kotse mo! Isama-sama mo pa kasi ako!” nakaingos na sigaw niya rito.
“Ha? Anong sabi mo?” anito sabay tanggal ng mga wireless earpiece sa tainga nito.
“Leche flan!” Nanggagalaiti siya sa asar. Kanina pa siya dakdak ng dakdak dito ay hindi pala siya nito naririnig. Para lang pala siyang baliw. “Ang sabi ko nagugutom na ako, kanina pa. Mamamatay na ako sa gutom dito hindi mo pa alam. Gusto kong kumain ng taco beef, roasted chicken, mashed potato, garlic soup at fried rice na maraming-maraming bawang! At syempre, decandent chocolate cake, cookies at ice cream!” tili niya, parang mapuputol na ang litid niya sa leeg.
“Gusto mo bang ma-empacho?”
“Oo, gusto ko!” sagot niya rito, pasigaw pa rin.
“Pwede bang manahimik ka?! Bakit kailangan mong sumigaw?”
“I won’t stop screaming unless you feed me! I’m hungry, I’m starve!” patuloy na sigaw niya. Tili siya ng tili. Ganito talaga siya kapag nagugutom siya.
“You are a crazy b***h!” balik sigaw nito. “Kung gusto mong kumain matuto kang manahimik. Sinukahan mo pa ang kotse ko. Wala kang manners.”
“Ikaw ang may kasalanan nitong lahat. Pinasakay-sakay mo ako dito. Ang baho-baho pa ng air freshener mo!” Nayayamot na siya maliban pa sa totoong kanina pa siya nagugutom. Kanina pa sila bumibiyahe nito. Rough road pa naman ang dinadaanan nila at ngayon lamang sila nakalagpas doon.
“Learn to keep your mouth shut, brat! Malapit na tayo sa bahay namin.”
“Okay, fine! Whatever!” nakangusong pagsuko niya. Kumalam ang sikmura niya, parang nagwawalang baka iyon.
Napabunghalit ito ng tawa. Hindi na lamang niya ito pinansin pa dahil tila natutunaw siya sa tamis ng mga ngiti nito. Bigla-bigla ay napakagwapo nito sa paningin niya. Bakit kasi bigla itong naging kamukha ni Asthon Kutcher na crush na crush niyang celebrity? Hindi nga lamang ito American skinned kagaya ng lalaki but he's skin were fair, nevertheless.
Ang totoo niyan ay inaabangan niya rin talaga ang pagdating nito roon dahil hindi pa siya nakakaganti sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya malilimutan ang kasalanan nito. She was sure he was the man yesterday because he’s riding the same car. Pero leche flan, natameme talaga siya nang mabistahan ang gwapong mukha nito. Natulala siya, tila na-hipnotismo na sumakay siya sa kotse nito at isa pa’y hinahabol siya ng yaya niya at kailangan niyang makatakas mula rito dahil nahuli siya nitong pinapakialaman ang mga make-up nito. Wala kasing ganoon ang mommy niya dahil napaka-plain woman nito. Na-tripan lang naman niya iyon dahil na-bored siya. Isinuot niya rin ang sexy na damit ng yaya niya.
Napatutop siya sa bibig ng maalala ang suot-suot niya! Nayakap niya ang mga tuhod, hindi niya alam kung paano tatakpan ang sarili sa napakaiksing kasuotan niya.
“Hoy, baba na!” bulyaw sa kanya ng lalaki na kinatok ang bintana ng kotse sa gawi niya. Nakaparada na pala sila sa harap ng isang malaking mansyon.
Nagdalawang isip siya kung susunod pa ba dito o hindi. Siguro naman ay hindi siya nito sasaktan. Mukha naman itong mabait sa hilatsa nito ngayon.
Bumaba na rin siya ng sasakyan. “Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira dito sa malaking bahay?” tanong niya na maliban sa guwardiya na sumalubong sa kanila ay wala ng ibang tao pa sa bahay nito nang makapasok sila roon.
“Oo,” maikling tugon nito. Dumaan ang lumbay sa mukha nito. Nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. Pasimpleng pinahid nito ang mga iyon. He must be lonely. It looked like he’s holding pain in his heart. “Huwag kang mag-alala walang multo dito,” nakangiting saad nito nang lumingon sa kanya. Hinubad nito ang jacket at umakyat sa hagdan.
Napakarangya ng bahay nito, kumpleto sa modernong gamit. Bonggang-bongga iyon. Kaso, sa palagay niya ay kahit na gaano ka-magnificent ang mansyon nito ay walang buhay iyon, walang kulay. Naiintriga tuloy siya. Gusto niya itong usisain. Sinundan niya ito sa itaas.
May limang silid siyang nakita roon. Nagtuloy-tuloy siya sa nakaawang na pinto. Naabutan niya ito roong nagpapalit ng boxer short. Nakahubad baro ito. Napalunok siya. He was very masculine. The definite work of art. Pinaglihi yata ang katawan nito sa tinapay dahil tila may anim na maliliit na buns sa tiyan nito. It's a very luscious sight indeed. Paano kaya kung tikman niya ang mga iyon? Napakagat-labi siya.
"Cat caught your tongue, sweetie?" Nasilihan siya ng makitang nahuli nito ang mga mata niya. Napahiya siya ng titigan siya nito. Napansin kaya nitong pinagnanasaan niya ang kahubdan nito? Nalulon niya ang bara sa lalamunan na idinulot nito. Hinatak niya ang tinig sa diaphragm. Parang may utot lang na lumabas sa bibig niya.
"I'm hungry!" sigaw niya nang makabawi. Nangalam muli ang sikmura niya ng maalala ang gutom. Kakalimutan muna marahil niya ang balak na pang-uusisa rito.
A sheepish grin drew on his face. He walked closer to her, still half-naked. He stood and stopped in front of her. She started to smell his scent. Napaka-macho ng amoy nito. Bruskong-brusko ang dating sa ilong niya. Subalit hindi iyon masakit at masang-sang sa pang-amoy. Sa katunayan, napakasarap singhutin niyon.
"The course is served,'" pilyong wika nito at mas lalong inilapit ang katawan sa kanya. Bumaba ang mukha nito sa mga labi niya. At mas lalong bumaba pa. Kaunting-kaunti na lamang ang pagitan nila. Nalalanghap niya ang hininga nito. It smelled like eucalyptus and lemon.
She was teased. It was sweet surrender. But suddenly, all her bubbles popped in a second. Kung kailan akala niyang hahalikan na siya nito at nakaporma na ang mga nguso niya ay saka naman ito nag-iwas ng mukha. Lumapad ang mga ngiti nito sa labi at nagkatunog ang tawa nito. Kumuha ito ng sando at sinuot iyon. Samantalang siya ay pahiyang-pahiyang napabusangot.
Darn! hiyaw ng isip niya.
JETH thought many times before and he only came up with one absolute answer. Gusto niya itong halikan. Nang mapansin niya ang mapupula at makikipot na labi nito na tila ba laging nag-aanyayang madampian ay hindi na niya iyon maiwaksi pa sa isip. Kanina ay gamuntik na talaga niyang halikan ito subalit kahit paano ay nagawa niyang sitahin ang sarili.
Malabo kasi na isa itong pick-up girl base sa attitude nito. Dapat ay nilambutsing na siya nito kung sadya itong babaeng mababa ang lipad. Pero palaisipan sa kanya kung bakit ganoon ang ayos nito. She looked like one but she is acting more like a brat.
“Kukuha lang ako ng makakain baka kasi ako pa ang makain mo kapag hindi ka nakatiis,” nakangising turan niya. Mamaya na lang siguro siya ii-score rito. Ayaw naman niyang masabihan na mapagsamantala gayong kanina lang ay nahihilo ito at ngayon ay nagugutom pa.
Mabilis na siyang tumalilis at kumuha ng pagkain. Kung ano-ano na lang ang inapuhap niya sa cup board at inilagay sa bowl. Pagkatapos niyon ay nagbalik agad siya sa kwarto. Iniabot niya rito ang tray na may lamang cereals at gatas. “These are your order, Madame!” Nagkabit siya ng malapad na ngiti sa mga labi.
“How sweet of you naman, gusto mo ba akong magka-stomach pain nito?” pa-sarcastic na tugon nito matapos iangat ang gatas na ibinigay niya at suriin. “Isang linggo ng panis ito, eh.”
Napakamot na lamang siya sa ulo. Hindi pa pala siya nakakapamalengke. Pati yata ang cereals ay malapit na ring mapasaw. “Okay lang ‘yan. Ako na lang ang gawin mong appetizer,” pilyong sabi niya sabay kindat dito.
Nabigla siya ng kabigin siya nito at halikan. Napakapusok ng labi nito subalit hindi ito marunong humalik. But nevertheless, it was awesome. Siya na lamang ang kumontrol sa galaw nila. He gently nibbled her lower lip while his tongue played inside her sweet mouth, teasing it harshly. She was very devouring. He couldn’t stop the intense sensation. He was drowning with it. All he knew is to indulge and savor every piece of the succulent moment.
Ikinulong niya ang mga pisngi nito sa kanyang palad. Mas lalong naging pursigido ang kanilang mga labi. Tons and tons of excitements flashed between them. It’s the real taste of heaven and goodness.
“Why am I kissing you? I don’t even know your name and you don’t even know mine as well,” she murmured between their kisses.
“You think that’s necessary?” he asked, moaning.
“Sa tingin ko.” Pinaglayo nito ang kanilang mga labi, “I’m Serenity. My few friends call me Reni. Ikaw?”
“Jethrosco. I know my name stinks. Just call me Jeth, it’s a little cuter,” tugon niya. She chuckled. Nahawa rin siya nito kaya natawa na rin siya. Parang napaka-awkward ng sandaling iyon pero bakit parang kinikilig siya?
Hindi na niya napagbulay-bulayan pa ang bagay na iyon nang huminto ito sa pagtawa at muling magsalita. “Kiss me again,” mapang-akit na anyaya nito.
“Yes, I will.” Muli niya itong siniil sa mga labi. Lumalalim iyon sa bawat sandali. Wala silang kasawa-sawa. Saglit lamang maghihiwalay ang kanilang mga labi upang makasagap ng sapat na hangin at maghihinang muli.
Naging mapaglaro din ang mga kamay niya. Pinadaloy niya ang mga apoy sa balat nito. Hindi na siya nahirapang hubarin ang mga telang nakasaplot dito sapagkat ito na ang kusang gumawa niyon para sa kanya. Pinagpala niya ang bawat bahagi ng katawan nito gamit ang mga labi niya nang lumantad iyon ng tuluyan sa mga mata niya. Wala siyang pinalampas maski isang sentimetro, sinaliksik niya lahat ng tagong parte nito at tinikman.
Ang bawat ungol nito ay mas lalong nagpaalab sa init na unti-unting bumabalot sa kanilang paligid. Parang nasusunog ang mga laman nila. Nang hindi niya kayanin ang init ay tuluyan na rin siyang naghubad. Ito naman ang humalik sa kanya, pinadampian nito ng munting kagat ang kanyang kalamnan. Pababa ng pababa ang bibig nito hanggang sa ilalim ng kanyang puson. Nagsimulang umulan ng apoy sa kanilang mga damdamin. Kaiga-igaya ang nakakatupok na ligaya na dulot niyon.
Pinahinto niya ito sa ginagawa at ginapos sa kanyang mga bisig pahiga sa kama. Nangunyapit naman ito sa kanyang batok. Pumuwesto siya sa pagitan ng hita nito. Tila nalunod siya sa mga ulap sa kalangitan. Naramdaman niya ang kuryenteng pumaimbulong sa kanyang gulugod. Sumayaw siya sa ritmong nais nito, magkasabay silang umindayog na tila iisa ang katawan. Hindi siya sigurado kung nagagawa ba niya ng tama ang galaw at bilis na nais nito. Nang mapa-ungol niya ito ng paulit-ulit ay naging sapat na iyong basehan niya upang masigurado na napaliligaya niya ito.
She was calling his name like she had been calling him since before time. It was very sensual and sweet. He was agitated all the more.
At sa huling pag-indayog ng kanilang mga katawan ay nag-animo mga aktibong bulkan silang sasabog sa anumang sandali. Narating nila ang luwalhati matapos ang mga bugsong pinagsaluhan nila. Makaraan ay naging mabigat ang kanilang paghinga. Umalis siya sa ibabaw nito at nagpadausdos sa gilid nito. They cuddled tightly and kissed each other lips again.
“You’re great!” anas niya sa pagitan ng kanilang mga labi. Hinaplos niya ang pisngi nito at tinakpan ng kumot ang kanilang mga kahubdan.
“”No, you’re great!” anito naman. Kasunod niyon ay nakarinig sila ng ungol ng baka. Sabay silang natawa sa ginawang ingay ng tiyan nito.
“Magpapa-deliver na lang ako ng food.” Bumangon siya saglit upang abutin ang telepono at nag-dial. Matapos niyang umorder ay muli silang nagyakap habang naghihintay sa pagdating ng delivery boy.
Nang dumating iyon ay mabilis nilang nilantakan ang pagkain. Nang makapapag-recharge na sila ay muli silang nagsalo sa isang mainit na tagpo…