Chapter 1
Chapter One
MULA sa pasilyo ng opisina ni Gustavo ay pinapanood niya ang mga naglalarong gumol na sa kanyang casino. Most of them are still rich but some of them are running low. At isa sa mga ito ay si Rosco. He quite knew the man. He is the only child of one of his business colleagues. Ilang taon ng patay ang mga magulang nito at naiwan dito lahat ng negosyo at kayamanan na naipundar ng mga ito. Pero ngayon ay mukhang wala nang natira pa roon. May ilang balita na kumalat sa mga babasahin na nabanggit ng kanyang asawang si Cassandra minsang magkuwento ito sa kanya. Nagpakasal daw ang lalaki at sa huli ay iniwan ng babae tangay ang yaman nito. Hindi niya alam kung totoo iyon. Interesanteng malaman kung tutuusin, pero wala siyang pakialam.
Matamang pinagmasdan niya ang paglalaro nito mula sa malayo. Walang kabuhay-buhay na tinapon ni Rosco ang huli nitong baraha. Dismayado ito. Lumong-lumo. Nahuhulaan na niya ang dahilan. The man lost again. He’s so unlucky. Kanina ay punong-puno ng chips ang harap nito subalit ngayon ay ni walang natira roon. Tila zombie itong tumayo sa kinauupunan at marahang naglakad paalis. Base sa direksyon nito ay sigurado na niya kung saan ito patungo.
Nagbalik siya sa loob ng kanyang opisina. Hinintay niyang tumumpak ang kanyang hinuha. At hindi nga siya nagmintis. Narinig niyang kumatok doon ang lalaki. Pinagbuksan naman niya iyon sa kanyang tauhan. Dumiretso ito ng upo sa visitor’s chair na nasa harap niya.
“Natalo na naman ako, Gustavo. Pahiramin mo ulit ako ng pera. Makakabawi rin ako sa susunod,” bungad nito.
“You have nothing left, Rosco. Sarili mo na lang ang natitira sa’yo,” diretsong saad niya. “I can’t lend you any amount anymore. Wala ka nang maibabayad pa sa akin. Patawad. Isa lamang akong negosyante. Isa marahil akong sugarol pero hindi ko kayang sumugal pa para sa’yo.”
“Handa akong isangla ang natitira sa akin, Gustavo. Pwede akong magtrabaho para sa’yo,” pagsusumamo nito. He must be very broke.
“Your service?” Napaisip siya. What a great idea! Nagningning ang isip niya sa pumasok na plano roon.
Interesante.
ISANG kindat ang pinakawalan ni Rosco kay Cassandra kasabay ng makahulugang ngiti mula sa rearview mirror nang makababa ng kotse si Gustavo. Hindi agad nakapagbigay ng reaksyon ang babae sa ginawa niya ngunit isa ring mapang-akit na ngiti ang isinukli nito nang makahuma bago sumunod sa esposo. Malagkit na sinundan ng tingin ng binata ang maalembong na paglakad nito, nabibighani sa magalaw na balakang nito. Her gait was very alluring indeed. She was very sexy.
“Uno… dos… tres…” mahinang bilang niya at saktong pagsulyap muli ni Cassandra sa kanya. Mabilis din itong nagbawi ng atensyon at ibinalik sa asawa ang tingin. Nagtuloy na ang mga ito sa loob ng kabahayan.
Pinigil niya ang mapangisi sa tuwa. Sa nakalipas na tatlong buwan niyang paninilbihan sa mag-asawa bilang driver c*m bodyguard ng mga ito ay hindi niya maikakailang pihadong gusto rin siya ng esposa ni Gustavo. Isang bagay na hindi na niya ipinagtataka pa. Subalit ayaw muna niyang pangunahan ang lahat. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa simpleng ngiti habang inililiko ang sasakyan patungong garahe. Nang maihimpil niya ang kotse ay umibis na siya at binilinan ang isang boy na linisan iyon. Pumasok na rin siya sa loob ng mansiyon. His eyes skimmed the place with so much envy and lust. He had owned a same house, too. Well, modesty aside, he thought that what he had owned was greater, bigger and more elegant and expensive. But everything turned to be a dream today, an almost unreachable dream. Pero ipinangako niya sa sariling aahon siya sa kinasadlakan niya. Babawiin niya ang lahat ng nawala sa kanya. Hindi siya susuko. Hindi ngayong nakikita na niya ang liwanag ng pag-asa upang mapagtagumpayan ang lahat ng mga plano niya.
Huminga siya ng malalim.
Marahang inakyat niya ang grandstaircase ng mansyon. Labis na ang pangungulila niya sa dating buhay. Kaunting tiis na lang at makababalik na rin siya sa rangya na kinalakihan niya. Tinahak niya ang mahabang pasilyo, nilagpasan ang sampung kwarto at tumigil sa tapat ng master’s bedroom. Mahinang kinatok niya ang kahoy na pintuan. Lumagutok ang ingay niyon sa katahimikan ng paligid.
“Come in,” sagot sa kanya ni Cassandra mula sa loob. Itinulak niya ang pinto papasok at maingat na muling isinara iyon. Nakatalikod sa kanya ang babae, nakaharap sa higante nitong vanity mirror. She was in her birth suit. Kitang-kita niya mula sa malinaw na salamin ang malusog at tayong-tayong dibdib nito. Her n*****s were pink and he would love to lick and suck those tips like a hungry baby. “Hindi ko inaasahan ang pagbisita mo, Gus,” anito na lumingon paharap sa kinaroroonan niya. Napatayo ito sa kinauupuan at matulin na hinablot ang pulang roba na nakapatong sa kama nito. Hindi ito magkandatuto sa pagsusuot niyon. Pero huli na ang lahat dahil napasadahan na ng mga mata niya ang pisngi ng hiyas nito.
“Kailangan mo ng tulong?” mapang-akit na alok niya. Nilapitan niya ito bagaman hindi ito sumang-ayon. Hindi rin naman ito nagprotesta sa ginawa niya. Tinulungan niya itong maibuhol ng maayos ang tali ng roba sa beywang nito.
“You should have knocked,” pagkakuwa’y suheto nito sa kanya. “You must show me some manners, Rosco. I’m still your boss and besides, I don’t need your protecting and driving skills inside my room.”
“Be easy, babe! I did knock and you gave me the permission to come in.”
“I thought you were my husband, geez!”
“Calm, darling. All I want is to see you ‘cause I’m madly missing you.”
“Shut up! Ano bang pinagsasasabi mo? Nahihibang ka na, nasa labas lang ang asawa ko!”
“Hindi ko kayang pigilan. It may seem too early since we’ve met and known each other but I’m already falling in love with you. I just feel it. I know you have a thing for me, too. Please, don’t make me suffer this much.” Nilakipan niya ng lamyos at pang-aakit ang tinig.
“Hindi ka ba natatakot sa asawa ko? Mapapatay niya tayo dito!” hysteria nito.
Bullseye! Halata naman talagang may gusto rin ito sa kaniya ngunit pilit lamang na itinatago dahil sa takot nito sa asawa. Kailangan pa niyang galingan ang drama niya.
“Hindi at bakit naman? Ipaglalaban kita sa kanya dahil mahal na yata talaga kita. Handa kitang agawin sa kanya,” puno ng emosyong turan niya. Hinalikan niya ito sa mga labi. Tila atat na atat naman ito. Tila iyon pa lamang ang unang beses na makakatikim ito ng halik. But she was no noble. She was an expert, a hustler in kissing. Natakam siya ng labi nito.Walang tigil ang mga labi niya sa paggalaw, tila ba gutom na gutom siya sa walang patumanggang pagsibasib sa mga labi nito.
Napaungol ito sa pagitan ng mga halik nila nang sakupin ng isang kamay niya ang mabilog nitong pang-upo. Marahan niyang pinadulas ang palad sa gilid ng hita nito hanggang sa makapa niya ang mabalahibong parte ng katawan nito. Malakas na napasinghap si Cassandra nang dumaigti ang mga daliri niya sa hiwa sa pagitan ng hita nito. Itinuloy lamang niya ang paghalik dito at hindi inalintana ang naging reaksyon nito.
Isang baritonong tinig lamang ang nagpahinto sa kanila mula sa labas ng silid. Bumadya agad ang takot at pagkataranta sa sopistikadang mukha nito.
“You have to hide. Hindi ka pwedeng makita ni Gustavo sa kwarto ko.” Labis ang pag-aalala sa tinig nito.
“Hindi ko kailangang magtago. Trust me, Cassandra there’s nothing to be scared of.” Isang nag-aalinlangang pagtango lamang ang itinugon nito.
Siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng silid. Ang malaking bulto ni Gustavo ang nakaharang sa labas. Hindi maikakaila ang pagkabigla sa larawan ng mukha nito. Walang kibo na pumasok ito sa loob at saglit na tila ininspeksyon ang kabuuan ng kwarto.
“May iniutos lang ako kay Rosco kaya siya nandito. Hindi ko inaasahang pupunta ka dito. May kailangan ka ba?” toreteng paliwanag ng babae, nasa anyo pa rin ang pagkabahala na halatang-halata sa garalgal nitong tinig.
“I have nothing to deal with you wife. I’m just wondering where Rosco is because we have something to talk with. At hindi nga ako nagkamaling nandito siya sa kwarto mo.” Matapos pukulin ng matalim na titig ang asawa ay siya naman ang binalingan ng lalaki. “Follow me to my study, Rosco,” anito at nagpatiuna na sa paglalakad. Hinintay niya muna itong makalayo-layo bago muling nilapitan ang asawa nito.
“I’ll be right back, babe and get yourself ready.” He gave her one sloppy wet kiss before following Gustavo to his study room. Ayaw pa sanang humiwalay ng babae ngunit siya na ang kusang kumalas dahil ayaw niyang maghintay ang asawa nito sa kanya.
Walang imik na naiwan si Casssandra sa silid, sapo ang mga labi na mainit pa mula sa mga halik ni Rosco.
ABALA sa pag-aayos ng bowtie si Rosco sa isang sulok ng bulwagan nang matanawan niya si Cassandra sa hindi kalayuan. Mabilis siyang kumuha ng dalawang champagne sa buffet table at nilapitan ito.
“Want to take some shots?” alok niya rito kasabay nang pag-abot dito ng inumin. Agad naman nitong tinanggap iyon.
“Thanks, you look good with tux,” nakangiting puri nito sa kanya. He’s not easy to be pleased by words but he was flattered indeed for her compliments. Sino nga bang lalaki ang hindi gayong galing iyon sa isang napakaganda at sexy na babaeng kagaya nito?
“You are stunning tonight, babe!”
“Not stunning as you are. Every ladies are staring at you,” nakangiting pahayag nito at mabining sumimsim ng alak sa kopita.
Inilinga niya ang mga mata sa paligid. Nasa isang business party sila ngayon. Pawang mga dambuhalang negosyante lamang at miyembro ng alta-sociedad ang panauhin sa nagaganap na kasiyahan. Marami ngang kababaihan ang nakatitig sa kanya at tila sinusuri ang kabuuan niya. Marahil ang iba sa mga ito ay nagugulat na makita siyang muli sa mga ganoong kasiyahan sapagkat lagi rin naman siyang laman ng mga ganoong kasiyahan noong mayaman pa siya. At ang iba naman marahil ay sadyang lamang naakit sa taglay niyang kakisigan.
Natutuwa siyang isinama rin siya ni Gustavo roon. Ito pa nga mismo ang nagbigay sa kanya ng tuxedo na suot-suot niya ngayong gabi. Isang bagay iyon na hindi niya inaasahan mula rito. Pero nagpapasalamat na rin siya at binigyan siya nito ng maisusuot na babagay sa party na iyon. Naipagbili na rin kasi niya lahat ng magagarang kasuotan niya dahil sa paghihirap.
Mayamaya’y ibinalik niya rin ang pansin kay Cassandra. “Are you one of the ladies captivated by my presence?” mapanudyong tanong niya rito nang mahuli itong titig na titig din sa kanya. Pinamulahan ito ng pisngi.
“Well, I’m an exemption. I only have an eye for my husband,” she said weakly.
“Your eyes are telling lies and it seems that your husband had an eye for another woman.” Hinayon niya ng tingin ang kinaroroonan ni Gustavo kasama ang isang babae na hawak nito sa beywang. Sumunod din ang tingin ni Cassandra sa kinatatayuan ng mga ito.
Natahimik ito sa nakita. Ilang saglit pa’y napansin din sila ng asawa nito na bahagyang napagawi ang mga mata sa kinaroroonan nila. Nagpaalam ang mga ito sa mga kausap at lumapit sa kanila. Nakapa-ikot pa rin ang braso nito sa beywang ng babae na kanina pa niya napapansing kasama nito.
The woman was gorgeous from the distance. She’s wearing a turtle neck midnight blue dress. Makapal ang ruffles niyon sa leeg, may butas ang harapang dibdib na nagpapakita ng magandang hubog ng hinaharap nito dahil sa nakalabas na cleavage, may dalawang mahabang slit din iyon sa magkabilang gilid na nagsasayaw sa paglakad nito at nagpapalitaw ng makinis at malasutla nitong hita.
Kung ikukumpara ito kay Cassandra sa tingin niya ay mas maganda at mas sosyal ang dating nito. Naka-red tube long gown ang esposa ni Gustavo. Backless iyon at kita ang buong likod nito hanggang sa ibabaw ng pang-upo, simpleng-simple lamang ang pagkakatabas niyon subalit hindi maikakailang hindi pipitsugin ang designer at halaga ng naturang gown sa tela pa lamang na ginamit doon.
Nabawi muli ng mga parating ang atensiyon niya nang tuluyang makalapit ang mga ito. Pawang nakangiti ang dalawa. Magkahapit ang katawan ng mga ito, tila ipinangangalandakan pa sa harap nila.
“Cassandra this is Serena, my friend. Serena, this is Cassandra, my wife,” agad na pakilala ni Gustavo sa kasama. Magalang naman na bumati ang asawa nito. Ganoon din ang babae.
Pagkaraan ay siya naman ang ipinakilala ni Gustavo. “And by the way, ito si Rosco. Parang siya na rin ang tumatayong ako kapag wala ako,” makahulugang pahayag nito, may talim ang tinig subalit wala ni isang pumansin. Binigyan na lamang niya ng atensyon ang babae at iniabot dito ang palad niya.
Nagkatitigan sila nito. Her hand suspended in mid-air. Hindi niya rin nagawang iabot dito ng tuluyan ang sariling kamay. He became speechless all of a sudden. He looked intently at her face, at her angelic face, that innocent look of her expression reminded him of his past. Hindi niya ito kailanman nalimutan. Bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang tamang madama, ang tamang gawin at sabihin. Kay tagal niya itong hinanap at ngayong naririto na ito sa mismong harapan niya ay tila naestatwa naman siya. Nababato-balani siya sa kabigha-bighaning kariktan na taglay pa rin nito hanggang ngayon.
But he had no right to feel those emotions filling her system because this woman had caused him so much pain and heartaches…
ISANG ngiti ang inialay ni Serenity nang matanawan si Gustavo na papalapit sa kanya. The man was gorgeous than ever. He was a mixture of Spanish-American pero sa pagkakaalam niya ay mas puro ang dugong Pilipino nito.
Mabuti at kusa na itong lumapit sa kanya dahil sinadya niya talaga ang lalaki sa pagtitipon na iyon. Napakasuwerte niyang mapaunlakan ng kilalang negosyante sa buong Pilipinas. Nakasalamuha na rin naman niya ito sa ilang pagtitipon sa ibang bansa kung saan siya nagtatrabaho. Shareholder ang lalaki sa pinapapasukan niyang kompanya kung saan ay isa siyang executive secretary s***h operations manager. Naipakilala siya ni Kevin dito noon. Kevin was their company CEO-President, anak ito ng dating big boss ng pinapasukan niyang kompanya sa US. Dati niya rin itong kaklase sa unibersidad na pinapasukan niya at kalaunan ay naging kaibigan din. Nang mabanggit niyang gusto niyang magtayo ng negosyo sa Pilipinas kung saan nakalinya ang ilang negosyo ni Gustavo ay ipinakilala siya nito sa lalaki. Pero hindi talaga iyon ang motibo niya. May iba siyang nais na si Gustavo lamang ang makapagbibigay. Kaya ginagawa niya ang lahat upang mapalapit dito. At nagtatagumpay naman siya.
Inalalayan siya ni Gustavo sa beywang at inakay palapit sa iba pang negosyanteng naroroon. May kung anong hatid na kiliti sa kanya ang simpleng haplos nito sa balat niya. Sana ay hindi nito mapansin na nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan.
Isa-isa siyang pinakilala ng lalaki sa mga kasama. Ang iba sa mga iyon ay kakilala na rin niya dahil sa ilang mga negosasyon na siya ang umaayos para sa kompanya nila. Makailang sandali pa ay nagyaya ang lalaki palayo sa kumpol ng mga matatandang negosyante na patuloy sa pag-uusap at pagkukwentuhan.
“Halika, Serena! May ipakikilala ako sa’yo,” bulong nito sa kanya. Mas lumapit ang katawan nila sa isa’t-isa sa pagkabig nito sa kanya. Langhap na langhap niya ang pabango nito. Matapang iyon, tipikal na pabango ng mga lalaki pero hindi masangsang ang amoy sa ilong.
Hinayaan na lamang niya ito. Normal lamang marahil para rito ang ganoong aktuwasyon. Isa pa, ayaw niyang makagawa ng eksena sa pag-protesta niya. At baka mabulilyaso pa ang mga plano niya. Sumunod na lamang siya sa tinatahak nitong landas. Isang babae at lalaki ang nilapitan nila.
Ipinakilala ni Gustavo ang babae bilang asawa nito. Nabigla man siya ay hindi nagpahalata. Ngayon lamang niya nalamang kasal na pala ito. Dumistansya siya kapagdaka sa lalaki. Naging maayos naman ang pagtanggap ng babae sa kanya na nakilala niyang si Cassandra. Ang kasama naman nitong lalaki ang ipinakilala sa kanya ni Gustavo.
Hindi nakahuma si Serenity nang mabistahan ang pigura ng lalaking kay tagal na ring panahon mula ng huli niyang makita. Tila ba bubuwal ang mga tuhod niya dahil sa panginginig ng kanyang mga buto. Inasam-asam niya ang tagpong iyon. Isang eksenang magandang hinubog niya sa isipan. Sobrang tagal niyang naghintay, ang dami niyang gustong itanong at sabihin. Nais niyang magpaliwanag. Ang dami niyang inipon na lakas para sa araw na iyon. Pero nasaan na ang mga iyon? Tila naumid ang kanyang dila at tinakasan siya ng lakas na nilikom niya sa mga nakalipas na taon.
Pilit na umaapuhap ang isip niya ng sasabihin ng kanyang mga labi. Nakatitig lamang siya rito. Ayaw niyang alisin ang tingin sa mga mata nito, ni ayaw niyang kumurap sa kaba at takot na baka bigla na lamang itong mawala na parang bula sa harap niya.
“H-hello, I’m Sereni--- Serena!” sa wakas ay natagpuan niya ang tinig kahit nangangatal man iyon. Mukhang wala sa loob na tinanggap nito ang pakikipagkamay niya.
“Please meeting you, Madame,” sambit nito.
Hindi niya magawang agad na bitiwan ang palad nito sapagkat labis siyang nangulila sa mga haplos nito, sa init na dulot niyon.
Tila naman napapasong binitiwan siya nito nang marinig ang tinig ni Gusatvo. “Have you met and known each other before?” naguguluminahang tanong sa kanila nito.
“No, no!” mariing tanggi naman agad ng lalaki. May kirot sa kanya ang ginawa nito. Nakita niya rin ang pagguhit ng munting galit sa mga mata nito.
Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan? Ang yakapin siya nito at halikan at sabihing labis din itong nangulila sa kanya sa loob ng mahabang panahon? It’s a total bullshit! Napaka-ambisyosa naman yata niya. Hindi ba’t noong maghiwalay sila ay may kapalit na agad siyang babae? Napakasaklap. At mas masaklap pang isipin ang mga akala nito ngayon sa kanya. Marahil ay mas masahol pa sa inaasahan niya ang tingin nito sa pagkatao niya.
“I’ll just refill my glass. Excuse me,” paalam nito. Wala siyang nagawa kundi sundan na lamang ito ng tingin.
She felt tired suddenly, so miserable for all the things that happened to her life, to their life...