Chapter 7

3127 Words
Chapter 7 NAIKUYOM ni Rosco ang mga kamao dahil sa mga ala-alang naglaro sa kanyang balintataw. Napakalinaw ng lahat ng iyon na para bang kanina lang nangyari. Lahat ng emosyon ay buhay na buhay sa kanyang damdamin. Higit sa lahat ay ang galit at pagnanais na makapaghiganti. And now, the odds are in his favor. He will soon put his vengeance in action. Napangisi siya. Babagsak kayong sabay-sabay! Hiyaw ng isip niya, habang iniisip si Serenity at ang buong pamilya nito. Kasama rin si Gustavo sa mga nais niyang pabagsakin. Ah, that man is a gambler. Mas lalo siya nitong nilubog para sa huli ay madali siyang mapasusunod at mapaglalaro sa mga plano nito. Subalit hindi hamak na mas matalino ang matsing kaysa sa buwaya. Hawak niya ang huling alas. Dudurugin niya ang mga ito sa kanyang kamao. Pero sa kabila ng lahat ay nakaramdam siya ng awa para dito sa kahahantungan nito sa pagpapaikot ni Reni. Siguradong matutulad ito sa kanya. Pakonsola de bobo na lamang marahil niya ang gagawin dito. At least, hindi ito masyadong maghihirap kagaya niya. But still, it will ruin Gustavo's plan and life. Napangisi siyang muli. Nagtungo siya sa silid ni Cassandra at katulad dati ay pumasok siya roon nang walang pasabi. He has his own duplicate key. Ninakaw niya iyon sa katulong. Mahimbing na itong natutulog ng mga sandaling iyon. Wala siyang balak na idamay ito sa mga gagawin niya. Biktima rin itong kagaya niya. It may sounds unhumane but he needs her to plot his plan and make it successful. Matapos pagmasdan ang esposa ni Gustavo sa kama ay lumabas na rin siya. Nakasalubong niya ang lalaki sa pasilyo. Nakakunot ang noo nito at nakatiimbaga. "Where is my wife, Rosco?" he asked in a controlled baritone voice. He answered in equal tone, with a little smirk on his face. "I took care of her. Don't worry, she's asleep now. Do you want me to do anything else?" His expression changed, as if he hid it from him. No matter the reason why, he won't give a s**t. "You're fast, man. That's good. I want her out of my life as soon as possible. She's a big hindrance. Do you remember the lady I introduced to you at the party last weekend?" Marahang tumango siya. Pilit niyang ikinubli ang kung anong damdaming nagpapalito sa kanyang isip at diwa. He must be tired of waiting. "She's a catch. Very beautiful and smart. I like her, you know what a man means," patuloy nito, isang mapaglarong ngisi ang nabuo sa labi nito. Hindi niya nagustuhan ang ibig nitong ipakahulugan, maging ang tono ng pananalita nito at ekspresyon ng mukha ukol sa bagay na iyon. Parang ang sarap nitong bigwasan sa mukha subalit nagsawalang kibo na lamang siya at itinaboy ang damdaming nagsusumiksik sa kanyang dibdib. "Just tell me when you're done with our plan. You're such a good partner, Rosco. Hope to have another business with you.” "Thanks but no thanks, Gustavo. I'm tired with filthy rich," nilakipan niya ng pagbibiro ang sarkasmong nilikha. Pagkatapos niyon ay mabilis niya itong tinalikuran. Oras na upang magtagpo tayong muli, Reni!   ROSCO was amazed by the expressions drawn in Serenity's beautiful face. It is as if she longed for him and yearned for him. It is as if she suffered tremendous aches and excruciating pains all through the years their lives are apart from one another. But that's too impossible. Dinadaya lamang siya ng sariling mga mata, binubuyo ng estrangherong damdaming ilang gabi nang gumugulo sa kanya. "Hello, welcome to my home... Come inside, please..." she said stuttering, opening the door widely. He didn't know what caused her to blush. Hindi ito ang inaasahan niyang pagkikita nilang muli. Bakit wala na siyang maramdamang sakit at kirot? Ni katiting na hibla ng paghihiganti at poot na kay lakas noon ay hindi niya madama. Kamukat-mukat na lamang niya ay nasa loob na pala siya ng bahay nito. Tinangay siya roon ng mga paa ng walang pag-aalinlangan. He towered over her. She's just staring at him, like waiting for the words she is so dreamy about. This couldn't be. It shouldn't be like this. "What may I offer you? Coffee? Juice?" she said breaking the enigmatic silence that swept him away from his sanity. "Wine is good but I prefer your voluptouos body." Hindi niya malaman kung saan nahugot ng isip niya ang mga katagang iyon. Mukhang hindi pa tuluyang bumababalik ang katinuan niya. Napaatras naman ito.Tila nakaramdam ng kaba. "Maupo ka," alok nitong nauutal pa rin. If she's intimidated on him or not ay hindi sigurado ni Jeth. He was too confused to analyze that. "Thank you for your hospitality but I'm not going to stay for long. I'm just checking you, Reni. It had been eons ago. How have you been?" he tried to put sarcasm in his voice. He reminded himself of all the things she had done. "Saan ka dinala ng salapi ko? Nagsawa ka na ba sa karangyaan? Bakit bumalik ka pa? Mukhang naubos mo na yata ang pera ko kaya ka bumalik. Naghahanap ka naman siguro ng panibagong biktima. You are really a smart woman, Reni. Your choices are best. Gustavo's such a big fish under the shallow water." Ipinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay nito. Napakaliit lamang ng tahanan nito subalit napakakumportable niyon sa pakiramdam. Sa rami ng yaman na nakuha nito sa kanya ay dapat sa mansyon na ito nakatira. Bakit nito pinagkakasya ang sarili sa kakarampot na espasyo na iyon ang sarili? Hindi ganoon kadaling ubusin ang lahat ng salapi niya kahit maluho pa ang may hawak niyon. She could buy everything she wants with that vast money of him without the tendency of loosing luxuries for a long time. Kahit mamuhay ito ng marangya sa mahabang panahon ay hindi ito maghihirap kahit hindi ito magtrabaho. Isa iyong palaisipan sa kanya. Or maybe it's just a front act to become vulnerable on the eyes of her victim. Probably. Absolutely. Inilang hakbang niya ang pagitan nila nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata at tila nakandado ang kanilang mga paningin sapagkat hindi iyon mawaglit sa isa’t-isa. Wala sa loob na sinipat niya ito. Inosente pa rin ang pigura nito. Paano nito nagawang pangalagaan iyon sa loob ng mahabang panahon? Hindi ba't matagal na niyang nakuha ang kainosentihan nito? Pity's sake, she's very alluring he wanted her right now. He'd like to take that innocence left on her eyes, he'd like to reminisce all the good things they have shared. Hindi niya mapakawalan ng tingin ang katawan nitong tanging manipis na silk lamang ang tabing. Gusto niyang hubarin iyon at pagsawain ang sarili sa bagay na ipinagdamot nito sa napakaraming taon. He wanted to love her and feel love in return, if that is possible with their complicated situation. "Jeth, patawad sa nagawa ko noon..." Hindi niya ito hinayaang matapos sa kung ano pang sasabihin nito. Kinabig niya ito nang mabilis at ikinulong sa kanyang mga bisig. Sinibasib niya ito ng halik sa mga labi. Indeed, she is still that sweet, fragile woman he knew long ago. Parang walang nagbago rito nang tagpong iyon. Yet, she looked like transformed into a very refined woman. She defied the law of science and time. Nalunod siya sa pagtugon nito ng halik. Her kisses were wet and flaming at the same time. Gumapang ang mga kamay niya sa katawan nito, tracing every inch and arc of it. Ginising nito ang mga nahihimlay na emosyon sa kanyang dibdib. Ang pangungulila, ang kalungkutan, ang pananaghoy. At higit sa lahat, ang laksa-laksang pag-ibig na ibinaon niya sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Isinandal niya ito sa dingding at mabining ipinaramdam niya rito ang reaksyon ng katawan niyang tila ngayon lamang niya muli nadama sa tanang buhay niya simula nang mawala ito sa piling niya. Nang sa wakas ay muling tumugon ang mga labi nito ay mas lalo siyang nag-alab. Their kiss became more intense and wild. "Your sorry is more acceptable with some torrid kisses with it," he huskily whispered in her ears. Bumaba ang mga labi niya sa leeg nito at pinagsawa ang ilong sa paglanghap sa mabangong balat nito. Nagsalimbayan na ang lahat ng emosyon sa damdamin at isip niya. Isang pulang guhit ang tila humiwa sa lahat ng iyon, nagkawatak-watak iyon. At sa isang mabilis na iglap ay nangibabaw ang galit na nadarama niya. Doon lamang tumimo sa isip niya ang ginagawa at marahas na inawat ang sarili. Buong igting niyang pinigilan ang sarili na tuluyang angkinin itong muli. "Damn!" Lumayo siya rito ng ilang hakbang. "Jeth..." Hindi niya magawang tumingin dito. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito sa kanya? Nakalipas na ang maraming taon at sa kabila ng mga naidulot nito sa kanyang pasakit ay nababaliw pa rin siya rito, may munting puwang pa rin ang pag-ibig na nadarama niya para dito. s**t! Wala talaga itong ibang ginagawa kundi guluhin ang buong mundo at buhay niya. "Do not speak! Hindi pa tayo tapos, Reni! I'll be right back and I'll get what is rightfully mine! Count on that!" hiyaw niya upang pagtibayin ang poot sa puso niya. Mabilis siyang tumalilis roon bago pa man sumulpot muli ang katiting na hiwaga ng pag-ibig na naroroon pa rin sa bawat himaymay niya.   INISANG lagok ni Rosco ang lamang alak ng kopita na hawak niya. Pilit niyang itinataboy sa isipan ang imahe ni Reni. Anong karapatan ng babaeng iyon na iparamdam sa kanya ang mga ganitong emosyon ngayon? He was craving to wrap his arms around his delicate body, the feeling of her smooth skin against him, the taste of her lips inside his mouth, the smell of her scent filling his nose. He wanted all of that. Badly. He tried to remember all the agonizing years that had passed. He should be mad at her. He should hurt her like the way she hurted him. He should avenge his life that had been stolen from him. But he couldn't focus with his plan. Reni's presence in his mind is disturbing. This is so impossibly insatiable! He yelled in his thoughts. Mariin niyang ipinikit ang mga mata na para bang sa pamamagitan niyon ay maglalaho lahat ng ala-ala at imahinasyon patungkol kay Reni. But the more he shooed her away the more her beautiful face became vivid in his mind. Oh, Serenity... My Serenity... Napamulat siya ng mga mata nang sunod-sunod na makarinig ng katok sa pinto. Nang tuluyan siyang makadilat sa katotohanan ay nakatayo na sa harap niya si Cassandra. Para itong dyosa sa tindig nito. Subalit wala pa ring tatalo sa taglay na kagandahan ni Reni. Lihim na pagkokompara ng isip niyang wala na yata talaga sa katinuan. "Kanina pa kita hinahanap, Rosco. Saan ka ba nagpunta?" her voice was very alluring and enticing in his ears. "What do you need, my lady?" tanong niya at hinapit ito, trying to erase Reni's imaginary face inside his mind. Napaungol ito nang mahigpit niya itong yakapin sa beywang. Napasubsob ito sa kanyang dibdib sa pwersa ng ginawa niya. She stared at him instinctively. Kumibot ang mga labi nito, pagka-uhaw ang nakatala roon. For a second or two, he thought of kissing her just like the way he read it on her eyes. But when she spoke, all the desire in the air steamed quickly. "Just in case you forgot, lem'me remind you of tonight's party at Barcelona Hotel. I need you, sharp nine o'clock," paala nito at inilayo ang tingin. Nararamdaman niya ang bahagyang pangangatog ng katawan nito. She was tensed. He could feel it. "Masyado pang maaga. Bakit hindi muna natin abalahin ang ating mga sarili sa isang interesanteng bagay, huh?" he muttered seductively, trying to think s****l things with Cassandra but his erection are quiet abnormal. "Rosco!" she warned weakly. "Ano? Natatakot ka ba---" Naputol ang pagsasalita niya nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Gustavo. Hindi niya pinakawalan si Cassandra sa kanyang kandungan kahit na anong pagpupumilit nitong pumiglas sa yapos niya. "Sorry for the disturbance..." pantay na wika ng lalaki pero imposibleng hindi mahimigan ang sarkasmo at iritasyon. This is what you want, bastard. Eat your plan. "Not really, sir. What may I help you?" tugon niyang tuluyan nang pinakawalan ang esposa nito. Tumayo siya at inayos ang nagusot na damit. Deep inside, he's laughing to hit some insult onto Gustavo's ego. He could smell the man's humiliation. It’s stinking into the air. While, in Cassandra's part he's sensing her fear. "I just want to talk to my wife, Rosco. Excuse us for a while, please," lamang ang pag-uutos kaysa paghingi ng pabor sa tono ng pananalita nito. He looked at him fiercely. He was very tired to eye him the same way. He do what he pleases kahit medyo labag iyon sa kalooban niya dahil okupado niya ang kwarto at nais na sana niyang magpahinga kung hindi lamang ipinaalala sa kanya ng esposa nito ang lakad nila para sa gabing iyon. He nodded to the two of them and left with a sheepish smile on his lips.   "SAAN ka pupunta?" salubong ang kilay at kunot noong tanong ni Rosco nang makita si Reni na pasakay sa kotse nito. Kanina pa siya nasa labas lamang nang bahay nito. At kanina pa siya nagdadalawang isip kung kakatok o uuwi na. Sa huli, wala siyang napagdesisyunan. Talo pa niya ang isang NBI agent sa pagmamanman sa labas. "Hey, bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" tanong nito na para bang wala siyang karapatan na makita ito at puntahan. Nairita siya. "Don't ask me that damn question, woman. You know you owe me alot,"galit na wika niya. Tila nainis naman ito sa sinabi niya. She raised an eyebrow on him. "I don't forget that but you owe me, too, Jeth!" may pagsilakbo ng galit sa tinig nito. "Huwag mo akong gamitan ng ganyang tono, Reni. Ngayon, sagutin mo ako. Saan ka sabi pupunta?" "The nerve, you chauvinist pig! Hindi mo kailangang malaman!" sigaw nito, nagpupuyos na sa galit. Hinawakan niya ito sa braso at mariing inulit muli ang tanong. Matagal siya nitong tinitigan nang maigi. May gumuhit na kirot sa mga mata nito. "I'm meeting Gustavo tonight," sa wakas ay tugon nito. Tial tinulusan ng tabak ang dibdib niya. It was fatal. It makes him rage in madness. "So I see, you have a rendezvous with your lover. It's mistress mode tonight, huh." "I'm not his mistress. Please, take your hands off me." "What are you to him, then? His personal w***e?" Ayaw paawat ng bibig niya. "f**k you!" "I already did." Hinatak niya ito pabalik sa bahay nito. Hindi inaasahang nadulas siya. Mabuti na lamang at sa malambot na sofa bumalya ang kanilang katawan. Ang hindi niya inaasahan ay ang naging posisyon nila. Napadagan siya rito sa pagbagsak nila. He became conscious with the fast stirring of his loins against her body. Nang mga sandaling iyon ay isa lamang ang tumatakbo sa isip niya at nararamdaman ng dibdib niya---- ikinakatakot niyang may magawa siyang mali. Hell, he’s my wife! Pinipigilan ko lang siyang makipagkita sa lalaki niya! "This is harassment, you brute! I will call the police if you won't stop with what you are doing!" "I’m not doing anything and you are not calling anybody, Reni. Just call my name and mine alone," he whispered, casting carnal seduction with his breath. "You are... asshole! Let me go!" sigaw nito.   "SABI ko pakawalan mo ako!" ulit muli ni Reni sa kanina pa niya sinasabi subalit mukhang wala yata talagang balak si Jeth na sundin siya at pabayaan na lamang. She had an important meeting with Gustavo. It's a dinner meeting. So, technically ay gabi talaga ang tagpuan nila. Going outside in evening doesn't mean she's going to rub her ass to someone. Pero iba ang iniisip ng lalaki. Kung alam lang sana nito ang tunay na dahilan kung bakit siya makikipagkita sa negosyante na iyon. "Hindi kita hahayaang umalis, Reni. Hindi sa oras na ito. At siguro, hindi na kailanman," he said with passion on his eyes, his voice sounds like lullaby in her ears. She barely feels the throbbing reaction inside his pants. No wonder I could feel it. He's huge! Mabilis niyang sinawata ang sarili sa ala-alang nagbalik sa kanyang balintataw. Hindi niya dapat iniisip ang bagay na ganoon sa kasalukuyang sitwasyon. It's so improper for a woman. And it's merely wrong. "I don't know what your intentions and motives really are but can you just please stop pinning me down. You're heavy, man. Nangangalay na ako sa posisyon natin." May pag-aalinlangan man sa anyo nito na sundin siya ay tumalima naman ito. Naupo sila ng maayos sa sofa. Wala silang kibuan sa nakalipas na ilang minuto. Tatawagan na lamang niya siguro si Gustavo na hindi sila matutuloy ngayong gabi. Nakakapanghinayang dahil baka mahirapan na siya sa susunod sa nais niyang makuha sa lalaki. Sinisimulan na niyang i-dial ang numero nito nang agawin ni Jeth ang cellphone niya. He glared at her. She glared back. Itinapon nito ang telepono niya sa sahig. Nanggalaiti siya sa pagkaasar at tinampal ito sa balikat. Mi, it's an iPhone X! Halos mangayayat siya sa pag-iipon para mabili iyon tapos itatapon lang nito? Damn the rich with golden spoon in their mouth! "Hoy, ikaw, ha! Sumusobra ka na! Bakit mo tinapon ang phone ko! Alam mo ba kung gaano ko pinaghirapan na mabili iyon? Such a jerk!" "Oh, I'm sorry to waste your effort in getting laid with bunch of men. It must be tiring for your p***y--" Isang sampal ang pinalagapak niya sa pisngi nito. How dare him to stab her with such very insulting accusation. He didn't even have a tiny idea with all the things she have went through. "Hindi ko alam kung ano ang ipinuputok ng butse mo! Sinira mo na ang gabi ko kung ano-ano pang maduduming salita ang lumalabas diyan sa bibig mo. Pwede bang umalis kana, iwan mo ako!" buong hinanakit na bulyaw niya rito. Naluluha siya. Pero ayaw niyang umiyak sa harap nito kahit na gustong-gusto niyang gawin. Baka pagtawanan lamang siya nito. Tumalikod siya rito ngunit useless din iyon sa lakas ng tunog ng hikbi niya kahit na anong pagpipigil niyang hindi makagawa ng ingay. "I'm sorry. I'm sorry for being mean, Reni. I'm sorry. Please, don't cry," lumapit ito, nagsusumamo ang pakikiusap. He caressed her back to comfort her. The man is a two-sided monster! One that is so cold and one that is so warm. "Just leave. Please." Pinilit niyang bigyang diin ang tinig. Sumunod naman si Jeth sa gusto niya at umalis. Muli ay umiyak siya sa paraang katulad noon, noong sariwa pa ang lahat ng sugat sa puso niya na nilikha nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD