bc

THE COMPLICATED LOVE AFFAIR

book_age18+
390
FOLLOW
4.9K
READ
mafia
lucky dog
like
intro-logo
Blurb

FAYE POV

Ngayong araw, wala akong ibang naisip kung di ang makapasok sa hospital ng aking ama. Halos ilang taon na din simula nang iwan niya kami ni mama. It has been 20 years to be exact. I was a little girl back then.

Ang sabi sa akin ng mama ko, kabet daw siya noon ni papa kaya naman mas pinili raw nito na pakisamahan ang totoo niyang pamilya. Ilang taon din kaming nanahimik ni mama. Subalit ngayon, kailangan ko na talagang basagin ang katahimilkan namin sapagkat ayaw ko nang maulilala kay papa.

Apat na graduation ko ang hindi niya nagawang attendan. 24 birthday parties ko at ilang father days ko siyang hindi nakapiling. Ang sakit lamang isipin na maraming beses siyang absent sa aking buhay. At sobrang nangungulila ako sa kanya kaya naman pinangarap ko talagang makapasok sa kanyang hospital at magpakilala bilang anak. Pero hindi ko sinasabi ang tungkol dito kay mama. Ang alam niya lang ay nag a apply ako sa ibang hospital. Hanggang ngayon kasi ay galit na galit pa rin siya sa tatay ko.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
FAYE POV Ngayong araw, wala akong ibang naisip kung di ang makapasok sa hospital ng aking ama. Halos ilang taon na din simula nang iwan niya kami ni mama. It has been 20 years to be exact. I was a little girl back then. Ang sabi sa akin ng mama ko, kabet daw siya noon ni papa kaya naman mas pinili raw nito na pakisamahan ang totoo niyang pamilya. Ilang taon din kaming nanahimik ni mama. Subalit ngayon, kailangan ko na talagang basagin ang katahimilkan namin sapagkat ayaw ko nang maulilala kay papa. Apat na graduation ko ang hindi niya nagawang attendan. 24 birthday parties ko at ilang father days ko siyang hindi nakapiling. Ang sakit lamang isipin na maraming beses siyang absent sa aking buhay. At sobrang nangungulila ako sa kanya kaya naman pinangarap ko talagang makapasok sa kanyang hospital at magpakilala bilang anak. Pero hindi ko sinasabi ang tungkol dito kay mama. Ang alam niya lang ay nag a apply ako sa ibang hospital. Hanggang ngayon kasi ay galit na galit pa rin siya sa tatay ko. Hindi ko naman habol ang mana sa kanya. I just want to experience yung yakap ng isang ama, yung makausap siya, at sabihin niya sa akin na proud siya sapagkat mayroon siyang anak na naging isang c*m laude. Magpapasko pa naman ngayon kaya sana ay makapiling ko na siya. "Ms. Hannah, ikaw na ang susunod," sambit ng doktora na mag i interview sa akin. Napabuntong hininga ako ng malalim at pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. "Last interview mo na ito Faye, kaya mo iyan!" pag cheer ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa interview room. Pagpasok ko sa loob, nakita ko na naghihintay sa akin ang doktora. Mukha naman siyang mabait at nakangiti pa siya. Naupo ako ng komportable. Nireview niya ang resume ko at tinitigan itong maigi. "Wow, sobrang dami mo na palang accomplishments so far. And you also graduated as c*m laude!" nakangiti niyang sabi sa akin. "Opo, sana ay matanggap talaga ako dito sa hospital kasi gustong gusto ko po talagang magtrabaho dito," sagot ko. "Okay fine. Tell me, are you willing to work on a shifting schedule?" "Of course," mabilis kong sagot. "Pasko kasi ngayon pero sobrang urgent ang pangangailangan namin sa mga nurse. Pasko na kasi at uso na naman ang mga paputok. Eh alam mo naman ang hospital, dapat talaga ay 24 hours open. Lalo na't marami talagang mga biktima ng paputok ngayon." "Wala naman pong problema sa akin. Sa katunayan, sanay na sanay naman po ako sa puyatan." "Sige wala naman tayong problema tungkol sa bagay na ito. Anyway congratulations, I no longer need to interview you kasi nakikita ko naman na isa kang pursigidong tao. Kaya lang, ayos ba sayo ang 16 thousand na sahod a month?' "Opo," mabilis na sagot ko sa kanya. "Good! Then it's already settled!" Sobrang saya ko lang na natanggap na ako. Ang good news po ay libre lang naman pala ang medical sa lugar na ito kaya wala na akong problema pa. Kaunting requirements na lang ang kailangan kong i kompleto. Pagkarating ko naman sa bahay, naabutan ko si mama na umiiyak. Papalapit pa lamang ako sa kanya pero bigla na lamang siyang nagpunta sa kanyang kwarto at nilock ito. Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya? Bago ko pa masagot ang sarili kong tanong, lumabas naman galing cr ang step dad kong si Brando. Kitang kita ko sa kanyang mukha na lasing na lasing ito. May hawak pa nga siyang isang bote ng beer. Natitiyak ko na nag away na naman sila ni mama. Sobrang awang awa ako sa kanya, ilang beses ko na din kasi sinasabi na hiwalayan na niya ang lalaking ito na wala man lang pangarap sa kanyang buhay subalit mahal na mahal niya raw ito. Ewan ko kung ano ang nakita niya sa lalaking ito gayong isa siyang dakilang tambay sa labas at sobrang adik sa alak. Ganito ba talaga siya katanga sa lalaki? Kailan kaya siya magigising sa katotohanan? Nilapit niya ang kanyang kamay sa akin, "Magbless ka na naman. Hindi porket hindi ako ang totoong tatay mo ay wala ka nang magiging respeto sa akin! Ako pa rin ang kinakasama ng nanay mo." Natakot ako sa tono ng pananalita ng step uncle ko. Iba pa naman ang ugali niya kapag naglalasing, palagi siyang naghahanap ng away sa labas. At sigurado ako na siya rin ang dahilan kung bakit may patak ng luha sa aking nanay. Nag bless naman ako sa kanya hindi dahil sa mayroon akong respeto para sa taong ito kung di dahil sa takot lamang ako sa kanya. "Ipagtimpla mo nga ako ng kape!" pag uutos niya pa sa akin sabay punta sa lamesa. Kape at alak? Sobrang gandang combination naman yata nito? Pero buhay naman niya ito kaya wala akong pakialam kung mapahamak siya. Pinagtimpla ko lang siya ng kape at tsaka ako pumasok sa kwarto ko. Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok ako kaagad sa hospital ni papa. Natitiyak ko na magkikita kaming dalawa. Gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko para lang mapalapit ako sa kanya. Kinabukasan naman, 4 am pa lang ng umaga ay nagising na ako. Ngayon kasi ako magpapa medical at siyempre kukuha ako ng certificate of residency sa aming barangay. Kung kaya ko pa sana, ngayon din ako magpapa picture. Need kasi nila ng one by one photo at two by two photo ko. "Kamusta ang paghahanap mo ng trabaho?" tanong ni mama na kakalabas lang ng kwarto niya. Halatang kagigising niya lang din. "Ma? Ah, nag hahanda po ako ng almusal," sagot ko. "Siya nga pala, natanggap po kasi ako sa trabaho at ngayong araw ang medical ko." "Good! Buti naman at nakahanap ka rin ng trabaho matapos ang two months na pahinga mo. At saan naman iyan?" "Sa maliit na clinic lang po, pero iba iba raw po ang schedule ko," pagsisinungaling ko sa kanya. "Sigurado ka ba? Baka naman sa hospital ng tatay mo ka nagtatrabaho, Faye?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.7K
bc

YAYA SEÑORITA

read
11.9K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook