FAYE POV "Ma'am mawalang galang na po pero napaka imposible lang po na si Justin ang magbibigay sa akin ng ganoong klase ng mamahaling bulaklak at masarap na chocolate na mamahalin din. Isa po siyang teacher at parang pang isang cut off na po ang halaga ng mga dumating sa akin eh." "Oh eh paano iyon mangyayari? Kaynino nanggaling iyan?" nagtatakang tanong niya pa sa akin. "Wala po talaga akong ideya eh," pagsisinungaling ko. Tiningnan niya ako ng malalim, iniisip ko nga na baka sa tingin niya ay mayroon akong tinatago sa kanya. Basta bahala na, ayaw kong malaman niya na alam ko kung sino ang nagpadala nito. "Ahhhh! Naalala ko kanina na iba ang mga titig sayo ni sir Joshua. Hindi kaya sa kanya nanggaling iyan?" "Nako hindi naman po siguro! Alex po ang pangalan ng nagdala di ba? Ang

