JOSHUA POV Nang maka alis na naman si Faye ay nag share na ko ng location kay Cherry. Tapos ay bumalik na ako ulit sa loob at tinapon ko kaagad ang kapeng pinag inuman ni Faye. Ayaw kong mayroon kahit na isang bakas lang na makita si Cherry. Kailangan ay hindi niya malaman ang lihim kong pakikipag kita rito hanggang sa dumating yung point na makipag hiwalay na rin ako sa kanya. Lumipas ang mahigit isang oras, mayroong humintong taxi sa labas ng resto bar at bumaba ang toxic kong fiance mula rito. Naka red dress siya at sinarado nito ang pintuan, pumasok siya sa loob ng resto bar. Tumayo naman ako kaagad, dahilan upang mapansin niya ang presence ko. Napa ngiti siya pero alam ko naman na yung ngiti niyang ito ay halatang maypagka yamot. Umupo siya sa harapan ko at tsaka nito nilapag a

