FAYE POV Sa lahat ng mga tinatanong niya sa akin, ito talaga yung pinaka gusto kong iwasan sa lahat. Pasimpleng banat pa itong si Justin. "Ay wait lang ha? Magbibihis lang ako, pag balik ko sabay na tayong kumaing dalawa," pagpapalusot ko pa sa kanya. Ang totoo ay ayaw ko lang talagang sagutin ang tanong niya sa akin. Ngiting awkward lang ang binigay niya sa akin. Pumunta na ako sa kwarto ko at habang nagbibihis naman ako ay bigla na lamang nag ring ang cellphone na nilapag ko sa aking table. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, mama ko lang pala. Excited pa man din ako kasi ang buong akala ko ay si Joshua ang tumatawag. Tinatamad talaga akong kausap si mama ngayon pero wala naman akong choice. Sure ako na sasabihin niya sa akin na nandito ngayon si Justin at dito muna siya pansa

