FAYE POV He is still looking at me as if he does not believe a word that I said. Alam ko naman that this is so hard to swallow. Gumaan man ang pakiramdam ko pagkatapos kong magsalita, feeling ko naman ay nai stress siya sa akin. Napatawa naman siyang bigla sa akin. "Weh di nga? Nagjo joke ka lang eh," bigla niya lang sabi sa akin. "Pramis, totoo talaga ang sinasabi ko ssyo Justin. Maniwala ka sana kasi hindi ako nagjo joke. I swear, Miguel ang pangalan ng tatay ko at mayroon siyang totoong anak na ang pangalan ay Cherry. Syempre malayo ang agwat ng buhay naming dalawa. Siya ang kasalukuyang namamahala ng hospital ni papa at masasabi ko na nakakawalang ganang magtrabaho sa kanya kasi masama ang ugali niya. Alam mo ba, sobrang spoiled siyang babae at marami pa siyang arte sa kanya

