FAYE POV "Bahala ka sa buhay mo Joshua! Sobrang toxic mo pa lang lalaki eh. Sayang, may dala pa naman akong pagkain para sayo. Kaya lang na badtrip talaga ako kasi di mo matitikman ang niluto kong pritong manok!" I did not hesitate na i send sa kanya ang message ko. All I know right now is that, galit ako at wala na rin ako sa mood. Pero still, kailangan ko pa ring pumasok sa trabaho ko at baka mayari naman ako nito kay Ma'am Danaya. Sasabihin niya, kabago bago ko rito pero ganito naman ang inaasal ko. Ayaw ko naman mag sinungaling at sabihin sa kanya na may sakit ako o lakad ngayong araw. Habang kumakain naman akong mag isa, muli na namang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag ngayon sa akin si Joshua pero wala na naman akong pakialam sa kanya. Bahala siya, kahit na valid ang dahil

